Professional Documents
Culture Documents
Kailangan po maipasa po lahat ng video hanggang linggo. Kasi mahirap po mag edit. Ta para macorrect
po natin yung mali.
Samantha at Elisha (mga anak / magkaibigan); Aamywen at Princess ( mga nanay); Marcus - (tatay);
Mga Tauhan:
Samantha – anak
Elisha – anak
(nagtatahi ng notebook si samantha. Habang si Princess (nanay) kanina pa tingin ng tingin kay
Samantha na napapakunot ang noo dahil nagtataka ito sa ginagawa ng anak)
Princess : Samantha anak, kanina pa kita napapansing abalang abala ka diyan. Ano ba yang ginagawa
mo anak?
Samantha: galing po ito sa mga luma kong notebook na wala pang sulat..(ipapakita kay nanay yung
kalas kalas na notebook) tapos hinati hati kop o parang gawing notebook, Sayang po kasi nay.
Samantha: opo nay. Para po kung ilan na lang po yung notebook na kailangan ko yun lang po ang
kailangan nating bilhin.
Princess: hahahaha manang mana ka sa tatay mo. Kung sabagay mainam na nga ang makalakihan moa
ng pagiging masinop.
(aalis na sana si nanay pero biglang babalik at muling kakausapin ang anak)
Princess: siyanga pala anak. Malapit na din lang ang pasukan eh magsukat ka na ng mga uniporme mo
baka hindi na sayo kasya ang mga iyon
Aamywen: Elisha anak ano ba naman at kahit tirik na tirik ang araw at maliwanag naman ang bahay eh
nakabukas ang ating ilaw? Patayin mo nga yan. Maliwanag naman kahit walang ilaw
Aamywen: hay naku magtipid tipid ka nga at ang taas nanaman ng kuryente natin ngayong buwan.
Elisha: hayzz (tatayo at papatayin ang ilaw). Siyanga po pala ma malapit na magpasukan maglilista
napo ako ng mga kailangan kong gamit para bilhin ha
Aamywen: ok. Pero siguraduhin mo lang na ang ililista mo ay yung kailangan mo lang talaga ha
Aamywen: (nagulat ito habang binabasa ang listahan ni Elisha na pagkahaba haba) aba anak ang
sinabi ko ilista mo ang mga kailangan mo sa eskwelahan hindi ko sinabing bibilhin natin yung buong mall
Aamywen: bibili ka ng bag, eh di ba maganda at maayos pa yung bag mo at halos bagong bili lang natin
yun bago magtapos yung nakaraang eskwela mo.
Elisha: luma napo yun ma. At ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase ko pag nakita nilang yun pa din
yung bag na gamit ko. Ma nakakahiya di ba? At ayokong nakikita ng mga kaibigan ko na umuulit ako ng
gamit
Aamywen: anak hindi sa lahat ng bagay ay kailangang maging uso ka o bago ang lahat. Kailangan mong
matutunang magtipid at maging masinop anak dahil hindi araw-araw pasko
Elisha: Ah basta yan yung gusto ko. Isa pa ma, kaya nga nagtatrabaho si papa para may pambili tayo ng
mga kailangan natin at maayos naman ang trabaho niya di po ba
Aamywen: Oo pero tandaan mo may pandemya ngayon. Maswerte pa din tayo at may trabaho pa din
ang iyong ama sa kabila ng mga nangyayari pero di natin alam kung hanggang kalian.
Aamywen: Elisha, maswerte ka pa nga dyan at maayos ang buhay mo. Bakit di mo gayahin yung ibang
mga bata diyan na nakukuntento kung ano ang meron sila.
Samantha: wow, ang sarap naman ng ulam, paborito kong meatloaf. Hmm mukhang mapaparami
nanaman ako ng kain nito nay ah
Princess: hahahah anak sige lang kumain ka lang. talagang inihanda ko yan para sayo
(habang kumakain, konti lang ang kinuha na pagkain ni Samantha at ito ay napuna ng kanyang
nanay)
Princess: o eh bakit yan lang ang kinuha mong pagkain. Diet ka ba anak
Samantha: hahaha hindi po nay, di ako nagdidiet nay paborito ko kaya ito.
Samantha: baka po kasi masobrahan po yung pagkuha ko tapos di ko naman po pala kayang ubusin, eh
sayang naman po di po ba. Kukuha na lang po ako pag nabitin po ako.
Princess: (nangingiti habang sumusubo ng pagkain) alam mo anak natutuwa ako at ganyan ang
pananaw mo sa buhay
Samantha: kasi po nay, kawawa din naman po si tatay na nagtitiis na malayo sa atin mabigyan lang tayo
ng magandang buhay. Baka nga nay, nagtitipid din si tatay dun para lang may maipadala sa atin. Kaya
bilang sukli sa mga sakripisyo at paghihirap ni tatay sa ibang bansa, nay mag-aaral akong mabuti at
papahalagahan ko ang pagmamahal niya sa atin.
Samantha: nay, siyanga po pala. Naisukat ko napo pala yung mga uniporme ko at kasya pa naman po
yung iba maliban po duon sa kinalakihan ko ng uniporme.
Princess: ganon ba? ilan na lang ang kailangan mona uniporme na bibilhin natin
Princess: ok, isama mona yan sa listahan mo ng ako ay makagawa na ng ating badyet.
Samantha: opo nay. Siyanga po pala nay. Pwede kopo bang ipamigay na lang yung mga nakalakihan
kong uniporme, maayos pa naman po yun at mukhang bago pa.
Princess mabuti pa nga anak ng may makinabang naman sa mga uniporme nayan kesa naman sa
itatambak mo lang at maluluma sa aparador. Isama mona din yung mga hindi mona kailangan na pwede
pang mapakinabangan
Samantha: sige po nay, ilalabas ko na lang po mamaya pagkakain para po maipamigay ko na po.
Aamywen: Elisha (pasigaw dahil nga maingay ang paligid) ano ba ang ginagawa mo? Aba’y para
kang bingi ah sa sobrang lakas ng pagpapatugtog mo at nanonood ka pa ng telebisyon.
(nakapameywang)
Elisha: eh kasi ma, may bagong kanta ang BTS gusto ko pong marinig
Aamywen: Anak, mano ba naman at isa isa lang. magtipid tipid ka naman anak. Patayin mo ng
telebisyon habang nagpapatugtog ka. O kaya naman ay wag kang magpatugtog habang nanonood ka.
Aamywen: eh pano tong anak mo, nakabukas ang tv habang nagpapatugtog. Napakaaksayang bata. Di
man lang magtipid tipid
Marcus: oo nga naman anak. Medyo tipid tipid tayo anak at di natin alam kung hanggang kelan ako may
trabaho gawa nga ng pandemya.
Elisha: Ma, eto napo pala yung bago listahan ko. (sabay abot sa nanay) ayan ma ha, inayos ko napo
yan. Nagbawas napo ako ng mga bibilhin dyan.
Aamywen: (binasa ang listahan at napabuntung hininga na lamang ito saba’y sabing) hay anak, eh
halos wala ding nabawas sa listahan mo ah
Aamywen: O, siya, maglinis ka nga ng kuwarto mo. Ilabas mo lahat ang mga damit na dimo na isinusuot
at yung mga gamit na di mo na kailangan at ng maipamigay sa mga nangangailangan.
Aamywen: para mapakinabangan ng iba kesa naman sa mabulok na lang dyan sa cabinet mo eh mabuti
ng magamit ng ibang nangangailangan.. Sige na kilos na.
Elisha: Opo
Elisha: eh pano naman ayaw bilhin ni mama lahat ng mga kailangan ko. Magtipid daw. Hayzz lagi na
lang yun ang sinasabi sakin
Samantha: Hmmm, kailangan o gusto mo lang? Elisha tama naman ang nanay mo. Hindi sa lahat ng
oras may pera kayo, hindi sa lahat ng araw may madudukot kayo. Hindi man tayo ang naghahanapbuhay
para sa pamilya natin pero kailangan din nating gampanan ang parte natin sa pamilya.
Elisha: eh syempre, nag-aaral pa kaya tayo.
Samantha: Yun na nga para makabawas tayo sa paghihirap ng ating mga magulang matuto tayong
maging masinop at maging matipid, ng sa ganon ay mabawasan ang kanilang gastuhin at di sila
mahirapan sa kakakayod. At syempre tutulungan din natin silang makaipon sa pamamagitan ng pagtitipid
natin.
Samantha: oo naman, kahit sabihin nilang Malaki ang kita ng tatay kasi nga nasa abroad sya, iniisip ko
pa din yung pagod at hirap niya sa pagttrabaho sa malayo. At hindi naman habang buhay nasa abroad si
tatay diba at para makauwi na din siya at di na kailangan pang umalis muli. (sabay malungkot)
Samantha: yung tungkol sa kwento ng isang batang mahirap na naging inhinyero. Alam mo ba na noong
nag-aaral pa siya umasa lang pala siya sa mga bigay-bigay ng mga tao at kaklase niya. Gaya ng
notebook, papel, uniporme at iba pang mga gamit niya. Lahat galing lang sa bigay
Samantha: oo, tapos naglalakad siya ng ilang kilometro mula bahay hanggang paaralan para lang siya
ay makapasok.
Samantha: naghahanap-buhay pero hindi sapat ang kanilang kinikita kaya sa kagustuhan niyang
makatapos ng pag-aaral nagsikap siya .
Elisha: ang galing naman. Buti na lang may mga taong nais tumulong ano. Ang laking bagay din pala
yung mga naipapamigay mo yung gamit mong dimo naman na ginagamit at may malaking pakinabang
pala sa iba
Samantha: oo naman. Kaya nga inayos ko yung mga damit at gamit ko na pwede kong ipamigay eh. At
least di ko naman na magagamit pero malaking pakinabang naman sa iba di ba.
Elisha: sabagay, tama ka diyan. Ganyan din sinasabi ni mama sa akin. Hayzz (bunting-hininga)
maswerte pa din pala tayo sam no kahit papano maayos yung buhay natin. Di natin kailangang maglakad
ng malayo para lang makapasok.
Samantha: oo naman. Kaya nga ginagawa ko lahat ng pagtitipid at pagsisinop para makatulong kahit
papano kila nanay at tatay.
Elisha: ngayon naiintindihan ko na sam si mama. At simula ngayon gagawin ko na din ang parte ko sa
pamilya.
Samantha: mabuti yan friend. siyanga pala, magdodonate ako bukas gusto mo bang sumama sakin.
Elisha: oo, sasama ako. Mamimigay din ako. (excited) O sige na sam magkita tayo bukas ng umaga ha.
Aayusin ko pa yung mga ipoapamigay ko.
Elisha: bye.