Ako si Hannah May. Isang mag-aaral ng Agusan National High
School. Meron akong kwento na ibabahagi sa inyo. Noong ako ay 8 na taong gulang, nagpasama ang aking kapatid sa likuran ng aming bahay kung saan siya ay mamamalantsa. Sa panahon na iyon, yon ay umulan ng malakas. At dahil sa may sira ang bubong namin sa likuran, nagkaroon ito ng tulo. Bago paman kami makalabas, sinabihan na ako ng tatay ko na magingat at baka raw ako ay madulas. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Habang namamalantsa ang kapatid ko, ako ay nasa labas at sumasayaw ng ballet. Mismo doon sa tulo ako nakatayo. Nakaligtaan ko ang sinabi ng aking tatay. At habang ako ay sumasayaw at tumatawa, hindi ko namalayan na nakaapak na pala ako sa lumot. At dahil don ako ay nadulas. Hindi ako nakatayo agad, at dali daling lumapit ang kapatid ko. Siya ay nagulat sa nangyari sa akin. Dinala niya ako sa aming tanggapan o sala habang ang kamay niya ay nasa aking baba dahil dumurugo ito. Dumurugo ito na para bang gripo. Walang tigil ang pagbuhos ng dugo. Nang makita ako ng aking tatay, pinagalitan niya ako ng sobra. Imbes na dalhin niya na ako sa ospital, talak parin siya ng talak. Sinabihan niya raw ako na mag ingat ngunit hindi ako nakinig kaya daw ako nagkaganyan. Ngayon, and aking sugat ang nagsilbing ala ala na dapat making sa mga magulang.