You are on page 1of 6

“Nakakabitin”

-G.E.A.S.-

“Uhhhh! Ahhhhh! Sige pa!” Ayan ang naririnig ko gabi-gabi mula sa kwarto ni Inay at Itay.
Ako si Nhiel Ramos, labing-apat na taong gulang, bunso sa sampung magkakapatid at ang
pinakatigasin sa lahat. Isang sigaw lang sa akin ni nanay alam ko na ang aking gagawin. Kahit hindi
ko pa tapos linisin ang aming bahay agad na akong magsasaing. Oo! Tama kayo sa inyong nabasa,
ako ang tiga-saing, tiga-luto, tiga-linis sa aming palasyo kasi ako naman ang madalas na naiiwan
dito.

Maliit man masiyado para sa aming pamilya ngunit masaya kaming nagsasama-sama. Ang
munting kubo na aming tinitirahan ay minana pa ni itay sa aking Lolo Pedio. Si lolo ang sanggang-
dikit ko, sa kaniya kasi ako iniwan ng aking magulang simula noong ako’y supling pa lamang. Hatid
sundo ako ng aking lolo sa paaralan, pinapakain niya ako ng masusustansyang gulay mula sa
kaniyang pananim sa bakuran at higit sa lahat siya ang nagturo sa akin magbasa at magsulat.
Napuno ng pagmamahal ang aming samahan. Isang araw bago ako tumuntong ng sampung taong
gulang binigyan ako ni lolo ng biskleta.

Naluha ako sa saya. “Lo, ‘di ko naman kailangan ng regalo sapat na yung makasama kita sa
aking paglaki”, ang sabi ko kay Lolo Pedio. Ang tanging tugon niya ay isang mahigpit na yakap kahit
na araw-araw niyang ginagawa sa akin yun, ito ang pinakamasarap na naramdaman ko mula sa
kanya. Hindi pa sumasapit ang kaarawan ko natupad na ang mga kahilingan ko.

Tinatapos ko agad ang aking takdang-araling at natutulog ako nang maaga para kinabuksan
ay matulungan si lolo sa paggawa ng apoy at mapaghandaan ko siya ng kaniyang paboritong kape.
Ito ang ginagawa namin bago ako pumasok sa paaralan. Pagsasaluhan naming dalawa ang mainit na
kape at maswerte na kami kapag may kanin na kasama sa aming almusal.

Pero dahil nga kaarawan ko nagkatay si Lolo ng kaniyang alagang manok. Ang dugo nito ay
ipapahid nang pa-krus sa aking noo at dadasalan ito. Ayan ang tradisyon na ginagawa tuwing
sasapit ang ganitong pagdiriwang. Nagtataka ako sa ganitong gawain, gayun pa man naniniwala ako
kay Lolo Pedio kasi wala siyang ginawa na hindi makakabuti sa akin. Para sa akin, siya ang
pinakamahusay na lolo sa buong mundo.

(Hah-hah-hah-hah) Pagod na pagod si lolo nang sunduin niya ako sa paaralan. Sino ba
naman ang hindi mapapagod? Pitong kilometro ba naman ang layo ng aking paaralan sa aming
tinitirahan. Kaya mahal na mahal ko ang aking lolo at mas lalo ko pang sinisipagan ang aking pag-
aaral. Nagmamadali kami sa pag-uwi kasi ipagdidiwang pa namin ang kaarawan ko. Siyempre para
na rin masulit ang oras na matitira kasi sa araw rin na ito ay dito lang makukumpleto ang aking
pamilya. Ito ang araw na pinakahihintay ko sa lahat kung saan makakasama ko ang tatlo kong ate at
anim na kuya.

1
Dalawang kilometro na lamang ang aming lalakarin nang nakita ni Lolo Pedio ang tatlong
armadong lalaki na papalapit sa amin. Agad niya akong pinatakbo at ibinilin ang katagang ito, “Apo
iyong tandaan sa oras ng iyong pangangailangan ako’y nandito lamang”. Kumirapas ako sa takbo
dala na rin ng takot sa aking dibdib.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay nakasalubong ko si tatay. Ikinwento ko agad ang


nangyari sa amin ni lolo.

“Totoy”, ang mahinang bulong ni tatay sa akin.

“Po?” Ang sagot ko kay tatay.

Lahat ng kapatid ko ay nasa loob ng kwarto habang kami ni tatay ay nag-uusap. Inutusan
ako ni tatay na iligpit ang aking gamit at bukas na bukas isasama na nila ako sa kabilang bayan kung
saan sila nakatira. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Nagtataka ako kung bakit hindi
hinanap ni tatay ang kanyang ama? Nalulungkot ako bakit kaya kinuha si lolo at sino yung tatlong
armadong lalaki na papalapit sa amin?

“Tay, sino po ba yung mga masasamang loob na yun?”, ang lakas loob kong tanong kay tatay.

Hindi umimik si tatay at pumasok sa kwarto. Si nanay naman ang lumbas at sinabihan ako
na kalimutan na lang ang pangyayari para sa aming seguridaad. Alam ito nila ate at kuya pero
katulad sila ni nanay at tatay na walang ginawa sa pagkawala ni lolo.

Lumipas ang ilang taon nakatapos ako sa elementarya kaso kinailangan kong ibenta ang
bisikleta na regalo sa akin ni lolo para makatulong kina nanay at tatay sa panggastos sa bahay. Pero
hindi ito sapat para matugunan lahat ng pangangailangan. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako
nakatuntong sa sekondarya.

(Piaaang!!!!!!) Nagulat ako nang may narinig akong nabasag. Ang tunog na ito ay naging
sanhi kung bakit bumalik ang takot at kaba sa aking dibdib. Naalala ko na naman ang bangungot na
nangyari noong nakalipas na apat na taon.

Sa pagkakataong ito hindi ako makakapayag na pati si nanay ay kuhain nila. Hindi ko ininda
ang panginginig ng aking tuhod agad akong lumabas upang alamin ang nangyari.

Bumungad sa akin si tatay na lango sa alak at nilalambing si nanay. Hindi ko na sila


pinansin, nagmano na lamang ako kay tatay at nilis ang pira-pirasong bote ng alak. Pagkatapos
binalikan ko agad ang sinaing na kanin.

Napansin ni tatay na malungkot ako at alam niyang may bumabagabag sa akin. Nilapitan at
inakbayan niya ako. Agad naman napalitan ng ngiti ang lungkot sa aking labi. Pagkatapos namin
mag-usap tinimplahan ko si tatay ng paboritong kape ni lolo.

2
Habang nagtitimpla ako nagulat ang aking mga mata nang makita sina ate at kuya. Lahat sila
ay nakangiti sa akin habang papasok sa kwarto. Niyaya nila ako na pumunta sa bakuran.
Pagkapunta roon nasorpesa ako, nakita ko si Kuya Juancho, panganay sa magkakapatid, nakasakay
siya sa isang malaking bisikleta. Naiyak ako sa tuwa gaya ng nangyari noong niregaluhan ako ni
Lolo Pedio ng bisikleta.

“Mga anak magsipasok na rito”, ang malakas na sigaw ni nanay sa aming magkakapatid.

“Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday”, masaya nilang inawit para sa akin.

Ang bahay ay panandaliang napuno ng liwanag. Nakita ko ang paboritong mamon na may
tatlong kandila na nakapatong. Tuwang-tuwa ako at humiling muna ako bago ito patayin. Tinanong
ako ng aking mga kapatid na kung ano ang hiniling ko.

“Sana bukas hindi umulan at magamit ko na ang bisikleta na regalo ni Kuya Juancho”, paasar
na sagot ni ate. Sabay-sabay nagtawanan ang lahat at biglang tumayo si tatay.

“Anak sa susunod na pasukan makakapag-aral ka na ulit”, ang sabi sa akin ni tatay.

“Oo nga bunso ngayong taon naman matatapos ko na ang koliheyo ko, susuportahan naming
ang iyong pag-aaral”, ang sabi ng aking Kuya Juancho sa akin.

“Salamat po sa inyong lahat” ang masaya kong tugon.

“Tara! Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain”, ang paalala ni nanay sa amin.

Naghawak-hawak kami ng kamay, sabay-sabay na yumuko at nagdasal. Pinagsaluhan namin


ang hinanda kong manok at pansit. Ang mamon naman ay panghuli naming kinain. Nagulat kayo
nu? Sino ba naman mag-aakala na sa laki ng aming pamilya nagkasya sa amin ang handa? “Kahit na
gaano pa kaunti ang pagsasaluhan, magkakasya ito basta sama-sama ang isang pamilya”, ito ang
pinakatumatak na linya sa akin ni nanay.

Sumapit na ang gabi at natapos na ang kasiyahan. “Uhhhhh, uhhhhh, uhhhh”, bigla na lang
akong napatahimik sa isang tabi nang marinig ko ang tunog na parang ungol na galing sa kwarto
nila nanay at tatay. Naisipan ko na magbasa na lamang ako ng dyaryo. (Dumaan ang malakas na
hangin) Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng kwarto. Bumungad sa akin sina nanay at tatay na
tulog sa kanilang higaan. Nakita ko rin ang mga ate at kuya ko na iba’t iba ang ginagawa. Mayroon
nagmamasahe kina tatay at nanay, naglilinis ng kuko, naglalaro ng paborito naming sungka at
nagbabasa gaya ng ginagawa ko.

“Tao po, tao po, tao, po”, ang wika ng isang sundalo. Tanaw ko na siya mula sa aking pwesto
kaya ginising ko si nanay at tatay sa kanilang mahimbing na tulog. Narinig ko sa kanilang usapan na
pinapalikas na kami kasi may paparating na malakas na bagyo.

3
“Saan na po ba ang bagyo? Tara sir sunduin natin.”, ang pabirong tanong ni tatay sa sundalo.

Nainis naman ang kausap ni tatay at ang tanging nasabi niya ay wala silang pagkukulang
pagdating sa paalala.

“Ordinaryong hangin lang naman ang mga iyan at napakasarap matulog kapag malamig ang
panahon”, ito ang huli kong narinig bago magtapos ang kanilang usapan.

Natulog na ang lahat at ako na lang ang nanatiling gising. “Typhoon to Super typhoon”, ito
ang headlines na nabasa ko kanina sa dyaryo. Binasa ko talaga kahit hindi ko maintindihan
masyado ang wikang Ingles na nakasulat dito.

Lumapit si Kuya Juancho sa akin pareho kaming nagbabasa. Napansin ko ang kapal ng
kanyang binabasa samantalang ang akin ay manipis.

“Kuya talaga bang mag-aaral na ako sa darating na pasukan?”, ang tanong ko kay kuya.

“Bakit bunso ayaw mo ba?”, ang sagot niya sa akin.

“Hindi po! Paano po yung pag-aabogasya mo? Hindi ba gusto mo makatulong sa mga naaapi
at yung maso na pangarap mo na pupukpok kapag magsasalita ka?”, ang masayang tugon ko kay
kuya.

Tumawa si kuya nang malakas. Nalaman ko na ‘gavel’ pala ang tawag sa hawak ng
tagahukom para sa paglilitis nito. Natapos ang gabi na marami akong napulot na aral kay kuya.

Patuloy ang paglakas ng hangin. Sumapit na ang umaga pero mistulang nababalot ng
kadiliman ang langit. Sumabay pa ang kidlat sa pag-ihip ng hangin. Natamaan ang puno ng mangga
na siyang nagdulot ng sunog. Kahit malayo pa ito sa bahay namin, hinanda ko na ang plastik na
puno ng gamit para sa paunang lunas. Habang ginagawa ko ang mga ito ay ginigising ko sila.

Nagsalubong ang dalawang malakas na hangin at nagdulot ng isang buhawi. May layo ito ng
dalawang daang metro mula sa amin. Kaya dali-dali kong tinawag si Kuya Juancho at ang iba pa
upang lumikas na. Hindi namin alam kung saan pupunta, sa likod ng bahay namin ay nandoon ang
mga puno’t damo na nababalot ng usok at apoy. Sa harap naman ay nandoon ang nanalasang
buhawi sa aming pananiman.

Dahil sa pangyayaring ito nagkahiwahiwalay kami. Si Kuya Juancho lang ang tangi kong
kasama. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang napadpad kami sa isang ligtas na lugar. Nakita
kami ng mga sundalo at agad kaming dinala sa pansamantalang tutuluyan namin. Nanatili kami ng
isang linggo dito. Ang isang linggo naging isang buwan at ang gutom namin ay parang isang taong
hindi nakakain.

4
Maraming mga sanggol ang umiiyak, mga batang humahagulgol at mga magulang na
naglulumpasay. Ang masayang kahapon ay nawala ng isang iglap. Tila isang bangungot ang
nararanasan namin ngayon. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa maykapal na buhay pa kami ni
Kuya Juancho at nagdasal kami na ligtas din sila nanay, tatay, iba ko pang ate at kuya.

Dumating na rin ang mga pagkain na nakabalot sa plastik. Nagtataka ako kung paano nila
nagagawa na lagyan ng kani-kanilang mukha o pangalan ang bawat binibigay nila sa mga tao sa
ganitong sakuna?

Sa loob ng tinutuluyan namin ay may iba’t ibang nangyayari. Mayroon nagnanakaw,


nagsusugal at ang nakapukaw sa aking paningin ay ang isang matandang lalaki na may hawak na
kutsilyo at nakatutok sa isang batang babae.

Hindi mapakali ang lahat dahil sa ganitong eksena. Mapapansin na parehong umiiyak ang
dalawa. Ang mga pulis ay mabilis na dumating, kinausap ang matanda at kinukumbinsi na bitawan
ang bata.

“Huwag niyo pong sasaktan ang lolo ko!”, ang pakiusap ng bata habang umiiyak.

Muli kong naalala si lolo Pedio. Sari-sari ang bulungan na aking naririnig. Mayroon galit na
galit sa matanda at naawa sa bata. Ang iba naman ay gusto ng ipapatay ang matanda at tinatawag
itong kriminal.

Dito agad akong hinablot ni Kuya Juancho upang mailayo sa pangyayari. Pinaliwanag niya
sa akin na mali ang manghusga. Nalaman ko rin na ang nakita kong tao ay nanatiling inosente
hangga’t hindi napapatunayan ang kanyang pagkakasala sa hukuman.

Pagkatapos naming mag-usap pumunta ako sa palikuran. Ilang metro lang ang layo sa akin
nakakiita ko ng isang babae na walang malay at lalaki na tuwang-tuwa na nakapatong dito.
Sumigaw ako nang malakas para humingi ng tulong. Nagmamadaling tumayo at magbihis ang lalaki
nang ginawa ko ito. Tumulo ang luha sa aking mga mata nang pinokpok ng bato ang walang
kalaban-laban na babae.

Ilang saglit lang ay tumakbo papalayo sa akin. Akala ko tatakas na ito pero nagkaroon pa
siya ng pagkakataon na makapulot ng itak at bumalik papunta sa akin. Narinig ni Kuya Juancho ang
malakas kong pag-iyak at ako ay hinanap niya agad.

“Ikaw! Maingay na bata dapat sa iyo manahimik! ******!!!”, ang sigaw ng lalaki habang
nagmumura.

Akma na akong tatagain ng itak ng lalaki, napapikit na lang ako sa takot.

“Pssssssssk”, ito na lang ang tanging narinig ko bago ako mahimatay.

5
Pagmulat ng aking mata nakita ko ang maliwanag na ilaw. Lahat ng nakikita ko ay puti.

“Nasa langit na ba ako?”, ang pabulong na tanong sa aking sarili.

“Ikaw mapupunta sa langit?!”, ang nakakainsultong sagot ng ginang.

“Ang talas naman ng pandinig nun”, ang tanong ko sa aking isipan.

Nalaman ko na nasa ospital pala ako at may limang araw na rin akong nanatili rito. Dahil sa
sunod-sunod na pangyayari nagkaroon ito ng masamang epekto sa akin. Gumaling ako sa ika-
walong araw. May katabi ako isang lalaki na nakaitim.

“Sino po kayo?”, ang tanong ko sa kanya.

Dito ko nakilala si Atty. Chen. Ikinuwento niya ang nangyari kay Kuya Juancho. Sinabi niya
sa akin ang kanyang pakay. Nakuha agad ni attorney ang loob ko, pumayag ako sa kadahilanan na
may ginintuan siyang puso. Hangang-hanga ako sa galing niya, napanalo niya ang kaso ni kuya.
Pumanig ang desisyon ng korte sa amin at napatatunayang dinepeshan lang ni kuya ang kanyang
bunsong kapatid.

Pinag-aral niya kaming dalawa ni kuya. Ilang taon ang lumipas natapos ko na ang aking
sekondarya at si kuya naman ay ganap na abogado na. Unti-unti naming natutupad ang aming
pangarap. Mas masaya sana kung buo ang aming pamilya. Ano man ang nangyari sa kanila
mananatili silang buhay sa puso naming ni kuya.

Mas lalo naming pinaghusayan ni kuya. Kumuha ako ng Batsilyer ng Agham sa


Kriminolohiya bilang panimula sa abogasya. Si kuya naman ay pinagpatuloy ang kanyang
propesyon para makapagtrabaho sa hukuman. Abala kaming dalawa sa kanya-kanyang gawain kaya
bihira na lang kami makapagsama.

Dalawang taon na lamang ang nalalabi sa aking kolehiyo. Nakilala ko ang isang dalaga
na ubod ng ganda. Siya yung tipo ng babae na pinapangarap ng lalaki.

Siya si Shiela Redwood, ‘pag nakakasama ko siya pakiramdam ko na kausap ko sina ate at
kuya, pag nagsasalita siya parang si nanay na sobrang lambing ng tinig, pag nagalit naman siya
parang si tatay kaya agad akong napapasunod. Wala ng mas sasarap sa pakiramdam ‘pag kasama
siya.

May narinig akong sumisigaw na ‘Nhiel, gumising ka na.’, akala ko si shiela ang
naglalambing, yun pala sina nanay, mga ate at kuya ko. Dumilat ako at panaginip lang pala ang lahat.

Binuksan ni tatay ang radyo at natulog akong muli nang marinig ko na ibabalik ang
parusang kamatayan. Mabuti ng matulog nang mahimbing kaysa bangungutin.

You might also like