You are on page 1of 1

(BUOD)

Ang Alaga ni Barbara Kimenye


Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Nag-retiro na sa kaniyang trabaho si Kibuka. Ngunit hindi buo ang loob niya sa pagkawala ngkaniyang
kabuhayan. Gayunman, tuloy ang buhay para sa kaniya. Nagdala ang apo niya ng isang alagaingbaboy
upang may pagkalibangan siya.

Ayaw din ni Kibuka na mag-alaga ng baboy ngunit wala na ring nagawa. Inalagaan niya
itohanggang sa tuluyang lumaki.

Tumakaw ito at naging pabigat na kay Kibuka. Nang umabot sa puntong wala nang mapakain siKibuka
rito ay tumulong na ang kaniyang mga kapitbahay.

Naisipan ni Kibuka na pumunta sa sagradong puno, isang araw. Ngunit isang aksidente
angkinasangkutan nila. Nabundol si Kibuka at ang baboy ng motorsiklo.

Walang gaanong sugat si Kibuka ngunit ang kaniyang alagang baboy ay malubha angtama.
Dumating ang mga pulis at sinabihan si Kibuka na kailangan niya munang gamutin ang ilang galos.

Binawian na ng buhay ang kaniyang alagang baboy. Ayaw mang kainin ni Kibuka ang alaga,
dahilpagtataksil iyon sa kaniyang alagang inayawan man noong una ay napamahal na rin.

Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito at ipakain sa mga kapitbahay na nagmagandang loobnoon
na pakainin ang baboy.

Dumating si Musisi sa kanilang bahay at nagkuwentuhan sila ng kaibigang si Kibuka. Nasarapanna rin si
Kibuka sa karne ng dating alaga kahit pa ayaw niya itong kainin noong una.

Tema - Ang tema ng kuwento ay ang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga bagay na mayroon ang
isang tao.

Aral - Ang aral na makukuha sa kuwento ay ang pagpapahalaga sa bawat pagkakataon ng ating buhay
gayundinsa mga bagay na mayroon tayo sapagkat ang oras ay limitado lamang.

Sino si Barbara Kimenye?


Si Barbara Kimenye ay isa sa mga pinakasikat na akda sa Silangang Aprika. Nakasulat siya ng higit pa sa
50 na mga gawa at nakilala sa ginawa niyang seryeng “Moses” na tungkol sa isang makulit na estudyante
na nasa boarding school ng mga pasaway.

You might also like