You are on page 1of 2

Pusong Walang Pag-ibig

ni: Roman Reyes

Mga Tauhan
Enrique “Ikeng” - pangunahing tauhan, makisig na binata, lalabinsiyam na taong
gulang, naging asawa ni Loleng at ama ni Elisa
Matandang Tikong – may animnapung taong gulang at mabanayad magsalita, ama ni
Loleng
Loleng - 27 taong gulang na dalaga; napilitang magpakasal kay Ikeng dahil sa
kagustohan ng ama; ina ni Elisa
Isiang - isa sa mga kinahuhumalingan na babae ni Ikeng, 18 taong gulang na taga-
Tabing Bakod
Mang Simon at Aling Tolang - mapagmahal at konsintidor na mga umampon kay Ikeng
Elisa “Nene” - ang nag-iisang anak ni Loleng at ikeng; magpipitong taong
gulang nang sumiklab ang digmaan; dahil sa digmaan ay pansamantalang
muhiwalay sa ina

Tagpuan
Kailan: naganap nang hulihang bahagi ng ika-19 dataon at ng Maynila noong mga
unang taon ng panankop ng mga Americano.
Saan: Maynila, mga lugar ng mga babae ni Ikeng

Uri ng nobela
historikal - sapagkat ang iba sa mga pangyayari sa nobela ay hango sa mga tunay
na pangyayari noong huling bahagi ng ika-19 dataon at ng Maynila noong mga
unang taon ng panankop ng mga Americano.

pagbabago - sapagkat ipinipakita dito ang kagustuhan ng mga tauhan na baguhin


ang kanilang di magagandang katangian
- isinulat ni Roman para imulat ang mga tao sa mga pangyayari nang
mga nagdaang taon. Nais niya tayong matuto sa mga pangayayari sa nakaraan para
atin itong mabago.

Buod
Mahilig sa babae si Ikeng. Marami siyang nililigawan ngunit wala siyang
intensyong magpakasal kaagad. Isa sa mga niligawan ni Ikeng ay si Loleng, na
isang matandang dalaga. Di nagtagal, namanhikan na nga si Ikeng at nakipagkasundo
kay Tandang Tikong, ama ni Loleng.

Makalipas ang apat na araw, si Ikeng naman ay nagbalak na itanan sa Isiang, 18


anyos na taga-Tabing Bakod. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil natunugan ng ama
ng dalaga ang kanilang balak. Nauwi ng ama ang anak at si Ikeng ay tumakas.

Dahil sa bantang demanda kay Ikeng, naisipan nitong balikan si Loleng at tuparin
ang kasunduan kay Tandang Tikong. Pagkat matagal na iyon, dalawang buwan na ang
lumipas, nagpadala muna siya ng mga sugo ---si Tandang Simon na kanyang ama-
amahan at si Tininting Pedro na tinyente ng baryo. Natuloy ang kasal.

Sa simula, naging maganda ang pagsasama ng mag-asawang Ikeng at Loleng. Ngunit


nang lumaon, si Ikeng ay bumalik sa dating gawi –- mabisyo at palasugal at
mahilig sa babae. Lumitaw ang tunay niyang kulay: isinilang ni Loleng ang
kanilang anak na babae ngunit si Ikeng ay wala sa kanyang tabi. Naroon ito sa
ibang bayan at dumayo ng sugal na monte.

Ang kaunting naipundar ni Tandang Tikong para sa kanyang anak na si Loleng ay


unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng. At nang sumiklab ang Rebolusyon
at umabot ito sa Pulong-Gubat, si Ikeng ay sumanib sa mga rebolusyonaryo. Ngunit
ang pagsanib na iyon ay wala sa kanyang loob; nagbabalatkayo lamang siyang may
malasakit sa bayan upang maiwan niyang muli ang kanyang mag-ina. At hindi niya
sila sinipot hanggang natapos na ang kaguluhan

Lumitaw lamang si Ikeng sa barberya ni Tomas sa Maynila, matapos niyang


pagdusahan nang apat na taong pagkabilanggo ang sa salang pag-agaw sa anak ni
Kabisang Bino. Nang mabatid ni Tomas ang pagbabagong-loob ni Ikeng, itinuro niya
kung saan makikita ang mag-ina nito: sa daang Villalobos sa Quiapo.

Pagbagtas ni Ikeng sa daang Carriedo, at nang liliko na siya sa liwasang Quiapo,


isang mabilis na automobile ang nakasagasa sa kanya. Isinugod siya sa Hospital
San Pablo at hinintay lang ang kanyang mag-ina bago tuluyang nalagutan ng
hininga.

Pagapapahalaga
 Ang giyera ay talagang walang mabuting idudulot. Hatid nito ay pasakit
para sa lahat. Dahil sa giyera ay marami ang nawalan ng mga mahal sa
buhay at marami rin ang nawalan ng mga tirahan. Sa giyera ay walang
panalo, lahat ay talo. Ang bawat problema ay dapat pag-isipan at
pagusapan muna bago gawan ng isang hakbang.

 Ang pamilya ay importante. Marami nang pamilya ngayon ang


nagkakawatak-watak. Minsan ang mga dahilan ng mga ito ay hindi
pagkakaintindihan, at malaki rin ang papel ng magulang sa ganitong
sitwasyon. Bago gumawa ng isang pamilya, dapat muna itong pag-isipan,
sapagkat ang pakakaroon ng pamilya ay hindi mainit na kanin na
pagnapaso ay pwedeng isuka. Kapag nagakaroon ka na nga ng pamilya na
hindi mo inaasahan, dapat mong harapin ang mga responsibilidad nito.
At para mapanatiling buo ang pamilya, dapat pairalin ang pagmamahalan,
paguunawaan at pagkakaintindihan.

You might also like