You are on page 1of 4

“PUSONG WALANG PAG-IBIG”

MAY AKDA
Ang may akda ay si Roman G. Reyes at siya ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa
Bigaa, Bulacan. Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-
aral sa Colegio deSan Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior. Nagturo siya sa Sta.
Maria, Bulacan na kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan
noong 1883 si Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon
kay Dr. Mona Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang, labintatlo ang mga anak ng
mag-asawa kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa
naman sa mgaanak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si
Grace Hackman sa Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886
kung saan siya ay nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho
siya bilang bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso
kada buwan.Ganito ang kaniyang pamunuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ng Rebolusyon
noong ika-5 ng Nobyembre 1896. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa
bahaging Kapawiran ng daang Requesens. Nang umsenso ay lumipat sa bahaging Kabatuhan.
Nang mga panahong iyon ay kakatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng bagong sistema
ng sanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga
nobelana siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng
mga isinulat na obra.Ang Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong nobela: Bulaklak
ng Kalumpang (1907), Hinagpis at Ligaya (1908) at Wakas ng Pagtitiis (1908).

URI NG GENRE
Ang Nobela na ito o ang kanyang genre ay isang sentimental at romantikong genre dahi lang
paksa nito o ang nilalaman ng kuwento ay patungkol sa dalawang tao na nag iibigan.

LAYUNIN NG MAY AKDA


Ang layunin ng may akda ay nais niyang tayo ay matuto o mamulat sa puwedeng mangyari sa
ating buhay.

TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang tema ng nobela ay tungkol sa pag-iibigan ni ikeng at loleng. Umiikot ang kuwento sa pag-
ibig at sa kuwento ng dalawang tao kung paano nila napatatag ang kanilang pag sasama.

BUOD NG KUWENTO
Buod sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang
siyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay
lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni
Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala naming
magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t napupusuan niya si
Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikengat
nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako
ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga
pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng
Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang manliligaw sa
dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung
bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala siyang magagawa
dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at
Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang anak na si Isiang
matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas aynadamay sa demandahan
at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi
sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan ay siya mismo ang
gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay naisipan nina Mang
Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-
gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na
talagang ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy ang kasal at nangako
si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang
pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na naman si Ikeng sa dati niyang
gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa
anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal nangayon si Ikeng
hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni
Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng
maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya nagging kaawaawa ang
mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung
ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at
umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay
pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang
layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalong mga
Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na mga
Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang
mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanap
samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at
itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa
Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang
abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil
bakasa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila
maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos.
Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng
na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si
Neneng.Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at
Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon.
Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta
ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa
barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa. Nalaman
niTomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng
namakita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro
niTomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng
isanghumaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si
Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng
pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya’y tuluyan nang namatay.
Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang “pusong walang pag-ibig”.

MGA TAUHAN

Tauhan 1.) Enrique “Ikeng” Pag-Ilagan – 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit
ang mgamata. Maraming nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin
pala ang papakasalan na dating tinalikuran ng pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng
asawa atama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat.
2.) Loleng – anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabutiat
ulitang ina kay Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang ama
kaya unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng.

3.) Nene – Elisa sa tunay na pangalan. Anak si Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang at
mapagkumbaba ngunit matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas.

4.) Matandang Tikong – maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kung


kanino niyang lalaki ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Loleng
na tila mabigat ang loob dahil walang magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama.
Nagsisinang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa pagkakakilala kay Ikeng.

5.) Isiang – dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si
Ikeng kahit hindi ito seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng
ngunit nagpumilit na siya ay itanan, na siya namang pumalpak sa bandang huli.

6.) Aling Buro – kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagay-
bagay tulad noong ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas ni
Ikeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng ng pera noong lumuwas sa Maynila.

7.) Tomas – matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng
Ilang taon ay nagkita silang muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita
muli si Loleng at Nene.

8.) Beheng – dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa ama
at itinanang patago sa Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na
natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahil
magkasama silang parehong nag-iibigan.

9.) Mang Tiago – nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkang
maitanan si Isiang. Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloy
ang pagpapakasal kay Loleng.
10.) Kabesang Bino – ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sakaniyang
anak. Nakulong si Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya. D. Balangkas ng Pangyayari
Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-of–consciousness sa wikang Ingles.

TAGPUAN
Ang tagpuan ng mga karakter sa kwento ay sa baryo ng pulong gubat at dito naganap ang mga
pangyayari sa kwento.

BALANGKAS NG PANGYAYARI
Balangkas ng Pangyayari Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-of–
consciousness sa wikangIngles. Diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas
naiintindahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang lahat sa
pakikipagkasundo ni Ikeng kay Matandang Tikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita
sila muli nina Loleng at Nene sa Maynila.Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawampu’t
pitong mga kabanata na umiikot sa kwento nina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata
na may historikal na pagsasalaysay tulad ng Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas.

MGA KAISIPAN AT IDEYANG TAGLAY


Ibinase ang ilang parte ng nobela sa mga historikal na pangyayari tulad ng malawakang
rebolusyon sa pilipinan at pagdating ng mga Amerikano na pinalitan ng mga Español.

Istilo ng pagkakasulat ng akda

Ang istilo ng pagkakasulat ay maganda dahil nakakaaliw ito sa mambabasa at maganda at


pormal ang pagkakasulat ng bawat pagkasunod sunod ng istorya.

Kabuuang suri

Masusuri ang katauhan batay sa lipunan gayundin ang kaniyang mga pananaw sa kaugalian,
tungkulin, at pamantayan ng isang lipunan ng mga mamamayan, maaari ring unawain ang
lipunan batay sa panahon.

You might also like