You are on page 1of 9

Tulang Balagtasan

Tulang Pasalaysay

ANG HUWARANG EMPLEYADO


Late ng dumating sa opisina,
Itong huwarang empleyada,
Inuna muna ang tsika,
Sa katabi niyang kasama.

Pagkatapos ng tsismis
Tungkol sa showbiz,
Nagpulbos ng manipis
Sa mukhang malangis.

Pitong beses inulit-ulit


Ang paghalik ng lipistik,
Pitong ulit iginuhit
Ang kilay na malantik.

Alas diyes na impunto


Nang matapos magpolbo
Ng powder sa noo,
Break time na ng empleyado.

Nagpa-charming na inaya
Ang kasamang empleyada,
Nagteka-teka muna
Sa pagmemeryenda.

Naghudyat ang alas onse,


Saka pa lang inubos ang kape,
Habang daldal sa pagsasabi
Ng mga tsismis sa tabi.

Nang bumalik sa opisina,


Itinuloy ang istorya,
Ng kung sinong artista
Na bakla palang rumarampa.

Alas dose na nang matapos


Habang nagkapaos-paos,
Lunch naman ang idinaos
Kasabay ng kaniyang boss.

Nakaidlip sa kabusugan,
Ang mesa ay tinulugan,
Alas-dos ang nagisnan
Na panahon sa orasan.

Nagpahid lang ng laway,


At saka uli naglagay
Ng pinturang makulay
Sa mukhang hindi tunay.

Three oclock habit


Nang computer ay ikabit,
Nagkonek sa internet:
Para Facebook ay ma-update.

Alas kuwatro kuwarentay singko,


Nang biglang pumasok sa ulo
Na mayroon palang trabaho
Na dapat na maareglo.

Aba, teka nga pala,


Alas singko na, iha!
Kailan mo na magagawa
Ang trabahong nakapila?

Heto ngat katapusan na ng buwan


Sweldo na pala ng empleyadang huwaran
Akalain mo nga naman,
Nakaraos nang paganun-ganun lang!
Tulang Patnigan

Ang Ibon ng Hari


(Duplo)

Hari: Simulan Na Ang Laro, Bumilang Kayo.

Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Hari: Tribulasyon!

Lahat: Tribulasyon!

Hari: Estamos en la Buena composicion. (Titindig)


Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatandat batang ngayoy naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin koy kubkob ng rehsa na bakal,
Asero ang pintot patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

Hari: Sino ang nagnakaw?

Bilyako 1: Kagabi pi, hari, maliwanag ang bwan;


May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.

At kitang-kita kong ikinubli niya.


Siyay naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Hari: Diyatat bilyaka?
Sino sa kanila?

Bilyako 1: Sa unang hanay po.

Bilyaka 2: Hwag paniwalaa.


Siyay bulaan!
(magkakaingay)

Hari: (Sa lahat) Katahimikan!


(Sa Bilyako 1) Mapatotohanan?

Bilyako 1: Akoy nalalaan!

Bilyaka 2: ` Kung kagabi lamang ang sinabi niya,


Hindi maaarit kamiy magkasama;
Kamiy namamasyal ng irog kong sinta,
Panong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino


At pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2: Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay,


Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari: Pinararatangay hindi umiimik,


Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,


Mag-isip-isip kat baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman kop o kung sinong nagnakaw.
Aking ibubulong kung pahihintulutan.

Hari: Nagpapahintulot!

Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)

Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?


(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna: Mahal na hari po, iboy aking dala,


Isasauli ko sa kinuhang hawla;
Kagabi po itoy kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliwsa sa pangungulila!

Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!


Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pay ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba nag mapagbintangan.

Abay ng Reyna: Pinagbigay-alam sa inyung gwardya,


Baka nalimutan at nalingat siya.

Hari: Maraming salamat, bilyakat bilyako,


Ngayoy tinatapos itong larong duplo.
Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.

WAKAS!
Tulang Pandulaan
Moses, Moses
Ni Rogelio Sikat
Mga tauhan:

Regina calderon- 48 taong gulang, balo, isang maestro


Tony- panganay niyang anak, estudyante
Aida- 18 taong gulang, anak niyang babae

Tagpuan:

Sa kanilang tahanan

Buod

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana, napag-usapan nila ang tungkol


sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida
ngayoy hindi parin makapasok sa paaralan dahil siyay na-trauma at
wala siyang maiharap na mukha sa kanyang mga kaklase. Kayat
kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.
Tapos biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang
Konsehal. Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak
ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang
pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niyay
hustisya ang mananaig.
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina.
Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan
ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang laging
mananaig. Ang nais lamang ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde.
Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa
kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya.
Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng
kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong
nanaman si Aida, kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siyay
kumalma. Kayat nagpabili ng gamot si Regina kay Tony. Nung nakaalis
na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbago ni
Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si
Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si
Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony
si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet
at naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamot.
Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni
Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang
pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni Aida na hindi siya makatulog,
kayat tinimplahan siya ni Regina ng gatas. Naikwento ni Aida ang
tungkol sa panaginip niya na pinapainum dawn g mga alagad ng anak ng
Alkalde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anong pilit daw niya na
humingi ng tawad ay patuloy parin pinapainum ng lason si Tony, ang
masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot na
takot na kinwento ni Aida ang kanyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kanyang panaginip na umabot hanggang
umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na
si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng
Alkalde, ngayoy hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon
lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni
Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isang
mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag silang
umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan
niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulungtulungan
ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa
kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina
si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.

Simbolismo:

Baril- Sa akdang ito, inaakala nila na ang baril ang sagot upang
makamit ang hustisyang inaasam ng mga tauhan. Ngunit heto rin ang
magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Layunin ng Awtor:

Layunin niya na iparating sa mga mambabasa kung ano ang nangyayari


sa ating batas, hustisya, at karapatan bilang tao. Inilalarawan sa
maikling kwento na kung gaano ka bagal ang hustisya. Na ito para
lamang sa may pera at mahirap. Na kapag wala kang pera ay hindi mo
makakamit agad agad ang hustisyang tinatamasa.
Kakintalan ( Impresyon ng Mambabasa)

Dapat ay hindi natin inilagay sa ating kamay ang hustisya. Ipaubaya na


lamang natin sa Diyos ang lahat. Dahil siya ang higit na nakakaalam
kung anong gagawin niya. Matuto tayong maging mahinahon at wag
maghigante sa mga taong nagkasala sa atin.

Pagsusuri:

Sa hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera ka man o


wala, karapatan nating makamit ang hustisya kapag tayo ay
naargabyado nang kung sinong tao. Dapat din ay Huwag nating ilagay
sa ating mga kamay ang batas. Iwasan nating marumihan an ating
Pangalan.

WWWWWWWWWWWW
mWWWWWWWEQWQ

Pagsusuri:

Sa Hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera ka man o wala, karapatan
Nating makamit ang hustisya kapag tayo ay naargabyado nang kung sinong tao. Dapat din ay
Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas. Iwasan nating marumihan ang ating
Pangalan.

TTUOAPKDOAUDAJ

You might also like