You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


SA FILIPINO 10
PAMAGAT NG ARALIN: Kaligirang Pangkasaysayan
ng El Filibusterismo

Kuwarter: 4 MELC NO. 4

MELC: Napapahalagahan ang napanood na


pagpapaliwanag sa Kaligirang Pangkasaysayan
ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline. (F10PD-IVa-b-81)

Pangalan ng Guro: PRIMA B. ALBALOS


Paaralan: SAN VICENTE INTEGRATED SCHOOL
Distrito: SAN VICENTE

1
KWARTER 4
SARILING LINANGAN
4
KIT MELC

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang edukasyon ay para sa lahat at ito ang isa sa pinakamahalagang bagay


na kailangang makamit ng bawat indibidwal, bata man o matanda.
Sa kasalukuyan, kinakaharap natin ang pandemya dulot ng Covid-19. Malaki
ang naging epekto nito lalo na sa edukasyon. Kasabay ng pagbabago ng
panahon ay ang pagbabago rin ng sistema ng edukasyon.
Ang Sariling Linangang Kit ay isang makabagong pandagdag na kagamitan
ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon na tinatawag na “New Normal o
Bagong Normal.
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa iyo. Ito’y inihanda
upang pag-aralan mo ang mga uri ng pangatnig lalong lalo na pangatnig na
panlinaw. Ang SLK na ito ay naglalaman ng talakayan, pagsasanay at ipagsubok
upang palawakin at pagyamanin ang iyong kaisipan at kaalaman tungkol sa
paksa. Ito ay makakatulong sa iyo sa mabisang komunikasyon at malinang ang
kasanayang pang-wika na magiging isa sa mga instrumento at sandata ng
pagkatuto sa mga susunod pang mga aralin.
Laging tandaan na panatilihing malinis at maayos ang SLK na ito.

KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

MELC: Napapahalagahan ang napanood pagpapaliwanag sa Kaligirang


Pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan
ng pagbubuod nito gamit ang timeline. (F10PD-IVa-b-81)
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga mahahalagang datos batay sa pagkakasulat


ng El Filibusterismo.
2. Napahahalagahan ang pagkakasulat ng kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
3. Nakapaglalahad ng sariling pananaw hinggil sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Isang mapagpalang araw sa ating lahat!


Bago natin simulan ang ating aralin, subukin mo muna itong
sagutin. Muli natin suriin kung mayroon pang naiwan sa ating
nakaraang aralin.

PANUTO: Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay Tama at letrang M


naman kung Mali ang mga pahayag. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

____1. Ipinanganak si Dr. Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba,
Laguna.

____2. Nakulong si Rizal sa Fort Santiago.

____3. Ang tulang “Huling Paalam” ay ang pinakaunang akda na sinulat ni Rizal.

____4. Si Jacqueline Bracken ang unang pag-ibig ni Dr. Jose Rizal.

____5. Naniniwala siya na ang paggamit ng mapayapang paraan at pag-aahon


buhat sa kinasadlakan ng bayan ay sa pamamagitan ng edukasyon ng
nakararami.

MAIKLING PAGTALAKAY

Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay


ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayani at
karugtong ng Noli Me Tangere. Ito rin ang nagsilbing sandata
upang maipahayag ang baluktot at di makatarungang
pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Kaya’t
napakahalagang matutuhan mo ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo.

3
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero na ang ibig


sabihin
ay” mga balak,” “paghahari ng kasakiman”o “ kalaban ng pamahalaan.”
Ito ang tinaguriang isa sa pinakamabagsik na nobela na magpahanggang
sa ngayon ay naghahantad ng bulok na pamamahala ng mga namumuno
noon sa ating bansa.
Sinimulang isulat ito ni Dr. Jose Rizal noong 1887 sa Calamba nang
magbalik siya sa Pilipinas.Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat nito sa
Madrid, Paris at Brussels. Noong Hulyo 5,1891,si Rizal ay nagtungo sa
Ghent, isang kilalang unibersidad sa Belgium,sa dalawang dahilan: una
upang doon ipalimbag ang nobela dahil sa mas mababa ang halaga ng
pagpapalimbag, ikalawa, upang iwasan si Suzanne Jacoby.
Noong Setyembre 18, 1891, ipinalimbag ni Rizal ang El Filibusterismo
sa F. Meyer Van Loo Press dahil ito ang nag-alok sa kanya ng pinaka-
mababang halaga sa pagpapalimbag at maaari pa niya itong bayaran
nang hulugan. Ngunit sa kabila nito, nakaranas pa rin ng kakulangan ng
pondo si Rizal kung kaya’t ang pagpapalimbag ay natigil. Ang kinita niya
sa pagsanla ng kanyang mga alahas, ang dalawang daang pisong
pinagbilhan niya ng mga kopya ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga
bukod pa sa ipinadadalang pera ni Basa sa kanya ay hindi nakasapat sa
pagpapalimbag.
Nakarating kay Valentin Ventura ang naging kalagayan ni Rizal kaya
pinadalhan niya agad ng pera, natapos ang pagpapalimbag ng nobela
noong Marso 29,1891 sa Biarritz, isang lungsod sa Pransiya .
Si Rizal ay nagpadala agad ng dalawang kopya kina Basa at Sixto
Lopez sa Hongkong pagkatapos mailimbag ang nobela. Ang orihinal na
manuskrito na may dedikasyon at sarili nitong lagda ay ipinadala niya kay
Valentin Ventura sa Paris bilang tanda ng kanyang pagtanaw ng utang na
loob at pasasalamat.
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa tatlong paring
martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora sa

4
kadahilanang hindi maalis sa kanyang isipan ang kawalan ng katarungan
ng kanilang kamatayan.
Masasabing pampolitika ang nobelang ito dahil nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Para mas lalo natin maunawaan ang ating aralin,


subukang panoorin ang isa pang video, itype lamang ang
link na ito: https://www.youtube.com/channel/UCAIX

MGA HALIMBAWA

Ngayon ay matututuhan mo din ang kahulugan ng salitang


“timeline” at ang halimbawa nito.

Timeline- isang linya na nagpapakita ng oras at pagkakasunud-sunod


na nangyari; isang plano na nagpapakita kung gaano katagal aabutin ang
isang bagay o kailan nangyari ang mga bagay.

Mga Halimbawa ng Timeline:

Timeline sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Mga Pangyayari:

Saligang Batas ng Biak-na-Bato

5
1896- “Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng
Pilipinas.”

Philippine Commission, Batas 75


1901- Ingles ang naging opisyal na wikang pambansa; ito rin ang
midyum na ginagamit sa mga paaralan.

Paggamit ng Vernacular sa Pagtuturo


1931-Iminungkahi na gamitin ang vernacular ng iba’t ibang lugar sa
pagtuturo sa primaryang antas.- George C. Butte (Bise Gobernador,
Kalihim ng Pampublikong Edukasyon, 1930)

Saligang Batas Artikulo XIV, Seksyon .3


1935- “Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika”. Hanggang hindi nagtatadhana

Batas Commonwelth 184


1936- Surian ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng iisang
katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

PAGSASANAY

Ayan! malinaw na sa’ yo ang kaligirang pangkasaysayan ng


pagkakasulat ng El Filibusterismo at ang kahulugan ng
timeline maging ang mga halimbawa nito. Handa ka na ba sa
mga pagsubok? Tara na sukatin na natin ang iyong kaalaman.
GAWAIN 1:

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot ng mga pahayag batay sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Biarritz Calamba Calamba F. Meyer Van Loo Press


6
Ghent Gomburza La Publicidad Madrid, Paris, Brussels

pilibustero Marso 29, 1891 Suzanne Jacoby Valentin Ventura

_____________1. Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo noong 1887 sa


bayang ito.
____________ 2. Ito ay nangangahulugang mga balak,o paghahari ng kasamaan.
_____________3. Tumira si Rizal sa tahanan nina_______ nang siya ay nasa Brus-
sels,Belgium dahil sa mataas na uri ng pamumuhay sa Paris.
____________ 4. Isa ng kilalang unibersidad sa Belgium.
_____________5. Ipinalimbag dito ni Rizal ang kanyang nobela dahil sa ito ang
nag-alok ng pinakamababang halaga ng pagpapalimbag.
_____________6. Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog niya sa tatlong
paring
martir.
_____________7. Siya ang nagpahiram ng pera kay Jose Rizal upang mailimbag ng
maayos ang kanyang nobela.
_____________8. Natapos ni Rizal ang manuskrito sa ________, isang lungsod sa
Pransiya.
_____________9. Ang pahayagang ito ng mga Pilipino ay naglathala ng papuri ukol
nobelang El Filibusterismo.
____________10. Natapos ang nobela ni Rizal
noong_________________________

Gawain 2:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang hinihingi sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

HANAY A HANAY B

1. Nailimbag ang El Filibusterismo a. Oktubre 1887


2. Sinimulan itong isulat sa Calamba b. Pebrero 03, 1888
3. Bumalik si Rizal sa Pilipinas c. 1887
4. Nakompleto ito habang siya’y nasa Biarnitz. d. 1888

7
5. Nailathala sa Ghent e. Marso 18, 1891
6. Nilisan muli ni Rizal ang Pilipinas f. Hulyo 05, 1891
7. Gumawa ng pagbabago habang nasa London g. Setyembre 22, 1891

Gawain 3:

Panuto: Magbigay ng dalawang (2) pangyayari sa buhay ni Dr.Jose Rizal na


nagpapakita ng mga kahirapang dinanas nito habang sinusulat niya ang
nobelang El Filibusterismo.
1.

2.

Rubrik sa Pagbibigay ng Paliwanag

Pamantayan Puntos
Maayos na pagbibigay nga paliwanag. 5
Kinikitaan ng pagiging totoo sa mga ipinahayag. 5
Naging maingat sa pagpili ng mga salitang ginamit 5
Kabuoan 15

PAGLALAGOM

Laging isaisip at pahalagahan ang mga mahahalagang


kaalaman mula sa kaligirang pangkasaysayan ng pagkaka-
sulat ng nobelang El Filibusterismo. Lagi nating isaisip na
ang pagbabalik-gunita sa panahong nakalipas ay puno ng
karanasan at nag-iiwan ng karunungan.

APLIKASYON

Naunawaan mo na bang mabuti ang aralin? Sana ay


naging kapaki-pakinabang ang mga panibagong kaalaman
na iyong natutuhan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
sa pagkakasulat8ng nobelang El Filibusterismo na sinulat ng
ating dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Panuto: Maglahad ng sariling pananaw batay sa mga sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Bakit sinulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?

2. Paano nakatulong sa paglinang ng iyong diwang makabayan ang pag-aaral ng


Noli Me Tangere ?

PAGTATAYA

I. Panuto: Tukuyin ang kung kalian naganap ang mga pangyayari. Ilagay ang
sagot sa kuwaderno.

Marso 18, 1891 Pebrero 3, 1888


1887 Hulyo 05, 1891
1888 Setyembre 22, 1891

1. Nailimbag ang El Filibusterismo


2. Sinimulan itong isulat sa Calamba

9
3. Nakompleto ito habang siya’y nasa Biarnitz
4. Nailathala sa Ghent
5. Gumawa ng pagbabago habang nasa London

II. Panuto: Ibuod ang kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El


Filibusterismo sa pamamagitan ng paggawa ng timeline. Gawin ito sa
kuwaderno.

10
III. Panuto: Bumuo ng timeline tungkol sa napanood na Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Rubrik sa Pagbuo ng Timeline

Pamantayan Puntos
Nilalaman ( Lahat ng impormasyong kinuha ay tama at 10
makabuluhan.)
Kaangkupan ng ginamit na grapikong pantulong gayundin ang 5
paraan ng pagkakalahad ng mga ideya.
Kasiningan ( Kitang-kita ang kalinisan at kaayusan ng timeline 5
na ginawa.)
Kabuoan 20

11
SANGGUNIAN

Bucu, Amelia V., Carreon Marga B. Obra Maestra El Filibusterismo. Rex Book
Store, Inc.,2012

De Vera, Estrella E., Bucu,Amelia V. Obra Maestra El Filibusterismo. Rex


Book Store, Inc.,2002

Marasigan, Emily V., Del Rosario, Mary Grace G., Dayag, Alma M.
Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House. Inc., 2016

Villanueva, Voltaire M. Bahaghari 10. Pisara Publishing, 2017

12
SUSI NG PAGWAWASTO

MGA SAGOT SA BALIK-ARAL

1. T

2. T

3. M

4. M

5. T

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

GAWAIN 1
1. Calamba
6. Gomburza
2. pilibustero
7. Valentin Ventura
3. Suzanne Jacoby
8. Viarritz
4. Ghent
Gawain 2

1. g
2. c
3. a
4. e
5. f
6. b
7. d

Gawain 3

1. Kagipitan sa
pananalapi.
2. Ginigipit ang pamilya
at kamag-anakan sa
Pilipinas.
3. Nangungulila sa
larangan ng pag-ibig. 13
4. Kabi-kabila ang
MGA SAGOT SA APLIKASYON

1. Sinulat ni Rizal ang nobela upang ilahad ang mga suliranin at bulok na sistema
ng pamahalaan at iba pang problemang may kaugnayan sa pamamahala,
relihiyon, edukasyon at iba pa. Nais din niyang gisingin ang damdamin ng
mamamayang Pili-pino para maghimagsik at ipaglaban ang kanilang mga
karapatan sa mga mapang –abusong dayuhan.

2. Nakatulong nang malaki sa paglinang ng diwang makabayan ang pag-aaral ng


Noli Me Tangere, dahil nabuksan ang aking isipan kung gaano kalubha noon ang
suliraning panlipunan,ang kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan at higit
sa lahat ang malaking pagmamahal, pabubuwis ng kanyang buhay ng ating
dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal sa ating inang bayan.
MGA SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA

I.
1. Setyembre22, 1891
2. 1887
3. Marso 18, 1891
4. Hulyo 05, 1891
5. 1888

Pagsasanay II at III

Oktubre 1887-
sinimulang isulat ni Dr.
Jose Rizal ang
nobelang El
Filibusterismo.

Pebrero 3, 1888 -
nilisan ni Rizal ang
Pilipinas sa buwan at
taong ito, dahil sa
Pa
ngambang manganib
ang buhay ng mga
mahal nito sa buhay.
m
araming liham ng
pagbabanta sa kanya
na karamihan ay wa-
lan
g lagda.

Hulyo 5, 1891-
14 nagtungo sa Ghent si
Rizal dahil sa dalawang
dahilan; una upang
15

You might also like