You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


SA FILIPINO 10
PAMAGAT NG ARALIN: Kabanata VII: Si Simoun

Kuwarter: 4 MELC NO. 10

MELC: Nabibigyang-kahulugan ang


matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang
kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay
halimbawa. ( F10PT-IVb-c-83)

Pangalan ng Guro: PRIMA B. ALBALOS


Paaralan: SAN VICENTE INTEGRATED SCHOOL
Distrito: SAN VICENTE

1
KWARTER 4
SARILING LINANGAN
10
KIT MELC

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang edukasyon ay para sa lahat at ito ang isa sa pinakamahalagang bagay


na kailangang makamit ng bawat indibidwal, bata man o matanda.
Sa kasalukuyan, kinakaharap natin ang pandemya dulot ng Covid-19. Malaki
ang naging epekto nito lalo na sa edukasyon. Kasabay ng pagbabago ng
panahon ay ang pagbabago rin ng sistema ng edukasyon.
Ang Sariling Linangang Kit ay isang makabagong pandagdag na kagamitan
ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon na tinatawag na “New Normal o
Bagong Normal.
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa iyo. Ito’y inihanda
upang pag-aralan mo ang mga uri ng pangatnig lalong lalo na pangatnig na
panlinaw. Ang SLK na ito ay naglalaman ng talakayan, pagsasanay at ipagsubok
upang palawakin at pagyamanin ang iyong kaisipan at kaalaman tungkol sa
paksa. Ito ay makakatulong sa iyo sa mabisang komunikasyon at malinang ang
kasanayang pang-wika na magiging isa sa mga instrumento at sandata ng
pagkatuto sa mga susunod pang mga aralin.
Laging tandaan na panatilihing malinis at maayos ang SLK na ito.

KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

F10PT-IVb-c-83
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay
halimbawa.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang kahulugan ng ilang piling salita sa teksto.
2. Napahahalagahan ang gamit ng matatalinghagang salita sa
pang-araw- araw na pakikipagtalastasan.
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng matatalingahagang salita na
ginamit sa kabanata.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Isang mapagpalang araw sa iyo!


Bago natin simulan ang ating aralin, subukin mo
muna itong sagutin. Muli natin suriin kung mayroon pang
naiwan sa ating nakaraang aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa ating panimulang gawain.

PANUTO: Punan ng mga titik ang mga kahon upang makabuo ng kahulugan ng mga
salitang nabanggit.

1. marunong - a l a

k t g l a
2. kalaunan -

3. beateryo m n a t e r y

4. nakamasid - n a t u o

5. nag-muni - m - s p

MAIKLING PAGTALAKAY

Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga


pagpapahayag ng ideya sa matalinghagang istilo sapagkat mas
binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda kaya’t ito ay
masasabing isang sining. Gumagamit ang mga manunulat ng
idyoma, tayutay at alusyon upanglalong matingkad ang nais
iparating sa mambabasa nito gaya ni Dr. Jose P. Rizal.

3
PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA MATALINHAGANG ISTILO

1. Idyoma
Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang
tunay na kahulugan nito. Natututunan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng
mga salitang dito’y nakapaligid. Natutuhan pa rin ang kahulugan sa tulong ng
malalim na pag-unawa sa diwa ng pangungusap. Gumaganda ang
pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad ang
mambabasa ng pagkakataong kiliti ang sariling isip.

Halimbawa ng idyoma sa ating wika:


a.) Mababaw ang luha ng guro naming. (madaling umiyak)
b.) Hindi sya sanay na maglubid ng buhangin. (magsinungaling)
c.) Matuto kang magbatak ng buhangin. (magtrabaho)

2. Tayutay
Ito ay isang salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng
talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan
diin ang kanyang saloobin. Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang
nito’y mga tayutay sa iba’t ibang uri nito.

 Pagtututlad/Simili – Ang paghahambing ng dalawang bagay sa


tulong ng mga salitang pahambing sa masining na pahayag.

Halimbawa
o Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
o Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol.

 Pagwawangis/ Metapor – Ang paghahambing ng dalawang


bagay o tao na di ginakamitan ng anumang salitang pahambing.
Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o
anumang inihahambing sa pinaghahambingan.

Halimbawa
o Labanos ang binti ni Adela.
o Ang ugali niya’y asong ulol.

 Personipikasyon – Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na


walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa.
Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan
sa bagay upang mag-anyong may buhay.

4
Halimbawa
o Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
o Tumatangis ang ulap sa kalawakan.

 Paurintao– uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay


mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang pang-uring
gamit ay pantao sa ikakapit sa bagay kaya ang bagay na
inilalarawan ay waring may buhay na’t gumagalaw.

Halimbawa
o Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
o Ang matalino kong bolpen di pa ako binibigo.

 Sinekdote – uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang


tukuyin ang kabuuan. Maaring bahagi ng katawan ng isang tao
o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin,
tumutukoy na ito sa kalahatan.

Halimbawa
o Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
o Sampung nmga kamay ang nagtulong-tulong sa pagbuo
ng proyekto.

 Oksimoron – ito ang tayutay na palasak na gumagamit ng


dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan upang
ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang salitang
maaring positibo o negatibo ang hatid na kahulugan.

Halimbawa
o Hihiga’t babangon siya sa pag-aalala.
o Lakad-takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.

 Metonimya – ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang


katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip na payak o
simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang
matalinghaga.

Halimbawa
o Ang ina ng bansang Pilipins ay maliit sa sukat ngunit
Malaki ang puso.
o Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan.

5
 Pagtawag – ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi
nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang may buhay at
nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng
pagnanais o ng parang hinanakit.

Halimbawa
o Kaligayahan kay ilap-ilap mo.
o Ulap iduyan mo ako.

 Paradoks – Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain,


nagbibigay- aral at puno ng kagandahang asal. Madalas,
nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal.

Halimbawa
o Kung may isinuksok may madudukot.
o Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating sa
paroroonan.

 Paglumanay / Eupemismo – Ang orihinal na katawagan ay


pinagagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng katawan upang di
maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.

Halimbawa
o Iginupo ang puri (Ginagahasa) ng batangiyan ng kanyang
kadugo.
o Iba ang tabas ng mukha nya (pangit o maganda) sa mga
kapatid.

 Pag-uyam / Ironiya – ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng


katotohanan na may pangungutya. Gimagawa ang pang-uyam
upang di tahsang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan
ng pangyayari.

Halimbawa
o Ang ganda ng damit mo para kang manang.
o Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y bagsak.

 Hiporbole / Eksaherasyon – sobra sa dapat o sa katotohanan


ang binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa ng
pahayag animo’y may pagyayabang na nais ipangalandakan.

Halimbawa

6
o Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay
galling Saudi.
o Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa
mundo.

 Onomatopeya – ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig


ng kahulugan nito. Sa bagay na ito, lubhang kailangang
sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiugnya sa
tinutukoy.

Halimbawa
o Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
o Ang lakabog ng martilyo ay napakalakas.

 Aliterasyon – ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik sa


mga salita sa loob ng pahayag. Pare-prehong tunog ng katinig
ng simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng
pangungusap ang tinutukoy.

Halimbawa
o Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
o Katulong, katuwang, kabalikat sa karamihan ng
kinamulatan.

Para lalo nating maunawaan ang ating aralin, narito


ang ilang mga halimbawa.

MGA HALIMBAWA

Ang matalinghagang pahayag ay ang mga


ekspresyong may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino. Ito ay nakakapaghubog sa
mga intelekwal ng isang tao. Mas binibigyang kahusayan ng
mga pahayag na ito ang mga akda.Ang mga
matatalinghagang pahayag
7 ay maaring nasa anyo ng
salawikain o idyoma, kasabihan o salawikain.
Narito ang ilang halimbawa ng matatalinghagang pahayag at ang
kahulugan ng mga ito.

1. magsunog ng kilay –mag-aral nang mabuti


2. balitang kutsero- hindi totoo
3. tulog mantika – mahabang oras ng pagtulog
4. pinagbiyak na bunga – magkamukha
5. ilista sa tubig – kalimutan na

PAGSASANAY

Ayan! malinaw na sa’ yo kung ano ang kahulugan ng


matatalinghagang pahayag at kung paano natin ito gamitin
sa pakikipagtalastasan. Handa ka na ba kayo? Tara na
sukatin na natin ang iyong kaalaman hinggil dito.

PAGSASANAY 1: .
Panuto: Piliin sa Hanay B ang hinihingi sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
Hanay A Hanay B
_______1. Silid-aklatan a. ina ng tahanan
_______2. Ulan b. kalayaan
_______3. Bulaklak c. kasaganaan
_______4. Kalapati d. pagmamahal/pag-ibig
_______5. Ilaw e. karunungan/kaalaman

8
PAGSASANAY 2:
Panuto: Hanapin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

napagalaw bumabalik lupigin mali

panggigipit nagkalat hangarin magbibingit

pagsusulsol pang-aangkin pinuna

1. Laging sumasagi sa isipan ni Basilio ang mga pangyayaring naganap


labintatlong na ang nakaraan
2. Nagtatago sa kakahuyan si Basilio upang iwasan ang mga tulisang
naglipanan sa loob ng kagubatan.
3. Si Simoun ay nagbalik upang ituloy ang paghihiganti na magbubulid sa tiyak
na kamatayan ng mga taong nagpahamak sa kanya.
4. Lalong pagniningasin ni Simoun ang galit ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng pag-uudyok niya na magsimulan ang himagsikan.
5. Karunungan ang adhikain ng lalong pinakamaunlad na bayan ayon kay
Basilio.
6. Ang pagpapaumanhin ay hindi lagging kabaitan at nagiging masama ito kung
nag-uudyok ng paniliil.
7. Tinuruaan ni Simoun ng pangangamkam ang mga nasa pamahalaan upang
maghirap ang bayan.
8. Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng m ga mag-aaral na magkaroon ng
pagtuturo ng wikang Kastila.
9. Napaunat si Simoun sa kanyang pagkakaupo at tila isang tigreng napakislot
at handing saklamin ang pangunahing dumating.
10. Hindi sang-ayon ang mga kaparian sa lihis na hangarin.

9
PAGSASANAY 3:

Panuto: Ayusin ang mga nagulong letra at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. T L U O G A N M I T A K – ______________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
2. D A S U G N O G A P –
___________________________________________
Kahulugan: ____________________________________________________
3. N G A T N G E W K A A I L - _____________________________________
Kahulugan: ____________________________________________________
4. K P S I A A T A M - ____________________________________________
Kahulugan: ____________________________________________________
5. K P A L A M A N A G D A L A P- __________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________

PAGLALAGOM

Laging isaisip at pahalagahan ang mga mahahalagang


kaalaman tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
matatalinghagang pahayag dahil nagbibigay kulay o
palamuti sa ating pagkikipagtalastasan at pagsusulat.

APLIKASYON

Naunawaan mo na bang mabuti ang aralin? Sana ay


naging kapaki-pakinabang ang mga panibagong kaalaman
na iyong natutuhan tungkol sa sa pagbibigay ng
10 sa akda na kung saan ginamit din ito ni
kahulugang ginamit
Dr. Jose Rizal upang mapatingkad pa ang kanyang nobela.
Panuto: Hitik sa matatalinghagang salita ang nobela. Naging marikit at lalong
makahulugan ang mga pahayag dito kaya unawain at ipaliwanag mo ang mga
nakalahad sa bawat kahon.

Ikaw ay matiyaga, nagsikap nang buong katigasang-loob, at katulad ko rin ay


mayroon kang pautang na dapat singilin…. Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa
katarungan… kaya kailangan tayong magtulungan,

Kahulugan ng Pahayag:

Panginoon, ang batang iyan ay lumaki lamang na parang kabute! Pinabasa ko siya
nang apatnapung ulit ng polyeto ngunit wala siyang natandaan, parang basket na
puno lamang habang nasa ilalim ng tubig.

Kahulugan ng pahayag:

11
PAGTATAYA

I. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang letra ng pahyag na nagbibigay-


kahulugan sa salitang sinalungguhitan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
a. mahirap
b. mga buto sa tagiliran
c. ipinapahid na kolorete o make-up
d. lumalabas at sumasama sa hangin kapag may apoy
e. pagpapatalim sa anumang bagay na panghiwa
f. instrument sa musika

1. Higit na maganda ang hitsura ng babaeng hindi naglalagay ng pintura sa


mukha.
2. Madugo ang mga katanungan sa pagsusulit..
3. Palaging basain ang kutsilyo upang tumalim.
4. Lumabas ang gitara sa katawan ng lalaki.
5. Nangangamoy usok ng inihaw na isda sa bakuran

II. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga nasa Hanay A. Isulat
sa kuwaderno ang sagot.
HANAY A HANAY B
_____1. butas ang bulsa A. mahinhin
_____2. bukas palad B. mahirap
_____3. pusong mamon C. walang trabaho
_____4. anak pawis D. mabait
_____5. nagbibilang ng poste E. masayang masaya
_____6. nakalutang sa ulap F. kalimutan
_____7. tinik sa lalamunan G. mapagbigay
_____8. akyat-bahay H. sagabal sa ninanais
_____9. ibaon sa hukay I. ubos na ang pera
_____10. di-makabasag pinggan J. magnanakaw

12
k. mayaman
III. Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay ng angkop na
pagpapakahulugan sa salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Maraming plastik sa mundo kaya’t di dapat agad-agad na magtitiwala.


a. sisidlan na yari sa material na plastik
b. taong may mapagkunwaring pag-uugali
2. Mapait na karanasan ang sinapit ni Simoun sa pagtratrabaho sa ibang
bansa.
a. isang uri ng panlasa o lasa ng pagkain
b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhay
3. Ubod ng hangin ang taong nakausap ko kanina.
a. mayroong mayabang na pag-uugali
b. nararamdamang dumadampi sa balat ngunit hindi nakikita
4. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
b. pakiramdam ng taong walang problema
5. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.
a. uri ng pera na yari sa tanso
b. markang naiwan sa balat matapos maghilom ang sugat

13
SANGGUNIAN

Bucu, Amelia V., Carreon Marga B.,Obra Maestra El Filibusterismo.Rex Book


Store, Inc.,2012

De Vera, Estrella E., Bucu,Amelia V. Obra Maestra El Filibusterismo. Rex


Book Store, Inc.,2002

Marasigan, Emily V., Del Rosario, Mary Grace G., Dayag, Alma M.
Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House. Inc., 2016

Villanueva, Voltaire M. Bahaghari 10. Pisara Publishing, 2017

14
SUSI NG PAGWAWASTO

MGA SAGOT SA BALIK-ARAL

1. Maalam
2. Katagalan
3. Monastery
4. Nakatutok
5. Mag-isip

PAGSASANAY 1
1. E
2. C
3. D
4. B
5. A

PAGSASANAY 2
1. bumabalik
6. panggigipit
2. nagkalat
7. pang-aangkin
3. magbibingit
8. pinuna

PAGSASANAY 3
1. TULOG MANTIKA
2. USAD PAGONG
3. TENGANG KAWALI
4. KISAP MATA
5. MAKAPAL ANG
PALAD
MGA SAGOT SA APLIKASYON

1. Sina Basilio at
Simoun ay parehong
nakaranas nang hindi
maganda sa lipunang

15
MGA SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I.

1. c
2. a
3. e
4. b
5. d

II.

1. I
6. E
2. G
7.
H
3. D

III.

1. b
2. b
3. a
4. b
5. b

16
17

You might also like