0% found this document useful (0 votes)
357 views8 pages

LP 5 EEd5

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng semantika o kahulugan ng mga salita sa wikang Filipino. Binigyang diin dito ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon, ang pagbabago ng kahulugan ng mga salita sa paglipas ng panahon, ang pag-aaral ng mga magkasingkahulugan at magkasalungat na salita, at ang paggamit ng konteksto upang maintindihan ang kahulugan ng isang salita.

Uploaded by

Angelyn Jayan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
357 views8 pages

LP 5 EEd5

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng semantika o kahulugan ng mga salita sa wikang Filipino. Binigyang diin dito ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon, ang pagbabago ng kahulugan ng mga salita sa paglipas ng panahon, ang pag-aaral ng mga magkasingkahulugan at magkasalungat na salita, at ang paggamit ng konteksto upang maintindihan ang kahulugan ng isang salita.

Uploaded by

Angelyn Jayan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

52

3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

YUNIT 5: SEMANTIKS SA WIKANG FILIPINO


 

5.0 Mga Layunin


a. Naibibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng salita.
b. Natutukoy ang kasingkakahulugan at kasalungat ng mga salita.
c. Nasusuri ang intensidad ng magkakasingkahulugang salita ayon sa antas ng kahulugan.
d. Nagagamit nang wasto ang matatalinhagang pahayag sa pangungusap.
e. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pag-aaral ng semantika sa komunikasyon.

5.1 Panimula
Ang pag-aaral sa kahulugan ng salita ay isa sa mahahalagang sangay sa larangan ng
linggwistika. Marapat lamang na matutunan ng bawat indibidwal ang iba’t ibang paraan ng
pagpapakahulugan sa salita, parirala o pangungusap upang maiwasan ang di
pagkakaunawaan.
Ang wikang Filipino ay isang mayaman at dinamikong wika maging sa larangan ng
semantika. Nagbabago at nag-iiba ang pagpapakahulugan sa maraming salita dala na rin ng
mga salik na nakakaaapekto dito sa pag-agos ng panahon. Sa yugtong ito, ating pag-aaralan
ang iba’t ibang paaran ng pagpapakahulugan at iba pang salik na maaaring makaapekto sa
kahulugan ng salita.

5.2 Mga Paksa


Ano na ba ang alam mo?

Panuto: Bilang paunang pagtataya, maglista ng limang lumang salita na mayroon ng iba o
bagong kahulugan.

SALITA DATING KAHULUGAN BAGONG KAHULUGAN

C. M. D. Hamo-ay
53
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

SEMANTIKS SA WIKANG FILIPINO

Kahulugan ng Semantiks

 Ang semantika ay ang pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan ang
mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag
 Pag-aaral ito ng katangian, kayarian at lalo na ng pagbabagu-bago ng mga kahulugan ng
mga salita.
 Ang fokus ng semantiks ay ang kahulugan ng salita, parirala o pangungusap.

Mahalagang isaalang-alang na ang wikang katutubo ng isang bayan ay


naiimpluwensyahan ng mga dayuhang wika kaya lumalago ang bokabularyo o talasalitaan.
Totoong buhay at dinamiko ang wika kaya nangyayari ito.
Ang historikal (pinagmulan at hiniramang wika ng isang salita), sikolohikal, sosyo-
kultural-pulitikal-ekonomikal na pag-aaral at klasipikasyon sa pagbabago ng forma at paglitaw
ng salita ay binibigyang halaga sa linggwistik debelopment (agham sa pag-aaral ng wika).
Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. Ang mga katuturang ibinigay
ngayon sa salita ay maaaring lumago, lumawak, maiba sa isang henerasyon o partikular na
panahon. Kinukunsidera natin ang pagiging nasyunal o pambansa, kadalisayan at pana-
panahong gamit bilang “batis” ng katumpakan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.

Konotasyon at Denotasyon
Sa aklat nina Cardenas, Austero et. al. tinukoy nila ang kahulugan ng salita sa pamamagitan
ng:
(1) Kahulugang Konotasyon
Mga implayd (implied) o “suggested meaning” kasama ng lahat ng emosyunal, pabor na
tono na walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan. May mga pangyayari na sa pagbibigay
ng konotasyon, may ilang gulo itong nalilikha sapagkat maaaring iba ang gustong “palitawing
kahulugan” kaysa sa tunay na kahulugan ng salita. Kapag tinawag nating baboy (pig), daga (rat),
ahas (snake), pagong (turtle), tuta (puppy) ang tao ay may hindi paborableng bagay na ibig sabihin
ito kaya hindi matatanggap ng pinatutungkulan.
Halimbawa:
* Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan. (babae)
* Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.
(magulang/angkan)

(2) Kahulugang Denotasyon


Ito ang literal na kahulugan ng mga salita. Kung tawagin ito ay “dictionary meaning” na ang
ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak, tuwirang kahulugan. Tinatawag din itong “core meaning” ni G.
Porter at G. Perrin, isang dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang pasubali; kinikilala,

C. M. D. Hamo-ay
54
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao. Ang etimolohiya (pinagmulang wika), ang bahagi ng
pananalita, ang sinonim at antonim ng salita, at ang kahulugan ng salita ang ipinaliliwanag ng
diksyunaryo.
Halimbawa:
* Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
* Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay.
(halamang lumalaki nang mataas)

Talinghaga at Idyoma
- Ang matalinhagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa
karaniwan.
- Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
- karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa
buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
- katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang
wika.

Halimbawa:

Matalinhagang Pahayag Kahulugan


1. anak dalita mahirap
2. taingang kawali nagkukunwaring walang naririnig o nagbibingi-bingihan
3. pantay na ang mga paa namatay o namayapa na
4. balitang kutsero balita o kwentong hindi totoo o walang konkretong batayan
5. ‘di makabasag pinggan mahinhin
6. pinagbiyak na bunga magkahawig o halos pareho ang hitsura
7. tulog mantika mahimbing na pagkatulog
8. usad pagong mabagal na pagkilos o paggalaw
9. magdilang-anghel umaasa na magkatotoo ang sinabi
10. pagputi ng uwak walang kasiguraduhan o imposibleng mangyari
11. tinik sa lalamunan sagabal sa ninanais
12. makapal ang palad masipag
13. mababaw ang luha madaling umiyak
14. nagbibilang ng poste walang trabaho o tambay
15. ibaon sa hukay kalimutan ang mga bagay o pangyayaring pinagdaanan
16. nakalutang sa alapaap masayang-masaya
17. butas ang bulsa ubos ang pera
18. magsunog ng kilay mag-aral nang mabuti
19. ilista sa tubig kalimutan na lang
20. pag-iisang dibdib pagpapakasal

C. M. D. Hamo-ay
55
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

Magkasingkahulugan at Magkasalungat
May mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maintindihan. Kapwa magkapareho ang
kahulugan nito. May mga salitang kabaligtaran naman ang inihahatid nito.

(1) Magkasingkahulugan – ang tawag sa pares ng mga salitang magkapareho ang kahulugan.
Halimbawa:
masipag – masikap, matiyaga
malusog – malakas, matipuno
maganda – marikit, kaakit-akit, marilag
maykaya – mayaman, masalapi, maharlika
malinis – dalisay
payapa – matiwasay, matahimik
mahirap - dukha, maralita, pulubi

(2) Magkasalungat – kung ang pares ng salita ay kabaliktaran ang kahulugan.


Halimbawa:
masipag – tamad
malusog – mahina, payat
maganda – pangit
maykaya – pulubi, maralita, dukha
malinis – marumi
payapa – maingay, magulo
mahirap - mayaman, masalapi, maharlika

Tindi ng Kahulugan o Clining


Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intinsidad o tindi ng kahulugang nais
ipahiwatig.
Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin at pwedeng ipanghalili sa
pwesto ng salitang kasingkahulugan nito sa loob ng pangungusap. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit
ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito.
Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.

Halimbawa:

Iba pang Halimbawa:


a. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.

C. M. D. Hamo-ay
56
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba
naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.

hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol

b. Pansinin ang salitang hinango sa teksto na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng
pagpapahayag.
Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.
pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
nasira → nawasak

Paggamit ng Kontekswal na Clue


- Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
b. Makitid ang tulay kaya't mahirap tawirin.

Apat na Uri ng Kontekstwal na Clue:

1. Depinisyon
- Ang kahulugan o depinisyon ng bagong salitang pag-aaralan ay nakapaloob sa
binabasa.

Halimbawa: Sa butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay.

2. Paghihinuha
- Ang estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay/ opinyon/
konklusyon mula sa mga katotohanan o katwiran.
Halimbawa: Ang paligid ay kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa
daigdig ang barungbarong, lusak na estero, nanlilimahid na babae’t lalaki.

3. Paghahambing/ Kontras
- ito ang pagbibigay-halaga sa mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba tulad ng
pangatnig na subalit, pero, at ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng kahulugan
ng isang salita sa isa pang salita.
Halimbawa: Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa rin sa maraming
nakasahod na kamay.
4. Pagsusuri
- Ang pagsusuri sa pagkakabuo ng mga salitang-ugat at panlapi, nahuhulaan ng
mag-aaral ang kahulugan ng salitang pinag-aaralan.
Halimbawa: tao-tauhan, panalag-sinalag, digma-mandirigma

Iyong nalaman ang iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa salita maging ang iba pang
mahahalagang aspeto ng semantika. Malinaw mo nang maipapahayag sa iyong kausap ang nais

C. M. D. Hamo-ay
57
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

mong iparating. Mabibigyan mo na rin ng tamang interpretasyon ang iyong binabasa at naririnig.
Ngayon, handa ka na ba sa pagsusulit? 😊

Ano ang iyong mga natutunan?


I. Denotasyon at Konotasyon
PANUTO: Ibigay ang denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan sa mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang mga tamang sagot sa kahon. (10 puntos)

liwanag susi malaglag bibig parusa


kalsada umibig pag-asa madaldal sinusuot sa beywang

1. Ang daan sa pag-abot ng mga pangarap ay sipag at tiyaga.


Denotasyon:
Konotasyon:
2. Siya ay natatakot na muling mahulog ang loob sa isang lalaki.
Denotasyon:
Konotasyon:
3. Malalakas na hagupit ng sinturon ang inabot nya sa kanyang ama.
Denotasyon:
Konotasyon:
4. Bunganga ng bunganga ang tinder sa palengke.
Denotasyon:
Konotasyon:
5. Sumisikat ang bagong araw sa mga biktima ng digmaan.
Denotasyon:
Konotasyon:

II. Kasingkahulugan at Kasalungat


PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nakapahilig at may salungguhit.

Kasingkahulugan Pangungusap Kasalungat


1. Mabilis tumakbo ang mga sasakyan.
2. Ang pagkain na ito ay malinamnam.
3. Malakas ang katawan ng boksingero.
4. Ang unang pangkat ay magaling umawit.
5. Binigyan ng medalya ang magiting na sundalo.
6. Makuwarta ang lalaking iyan kaya malaki ang bahay
niya.
7. Masigla ang mga bata tuwing narito ka.

C. M. D. Hamo-ay
58
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

8. Ang mga gawain na ito ay wasto.


9. Ano ang nais mong gawin mamaya?

III. Tindi ng Kahulugan o Clining


PANUTO: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga salita o parirala ayon sa tindi ng ipinahahayag nito.
Isulat ang titik sa patlang.

1. Pagpapatindi ng salitang “gutom”


a. kumakalam ang sikmura
b. hayuk na kayok
c. nagugutom

______  ______ ______

2. Pagpapatindi ng salitang “masaya”


a. lumulutang sa alapaap
b. naiiyak sa tuwa
c. nag-uumapaw ang puso sa galak
d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
e. maaari nang mamatay dahil sa kaligayahan

______  ______ ______ ______ ______

3. Pagpapatindi ng salitang “mahal”


a. gusto kita
b. crush kita
c. type kita
d. sinasamba kita
e. mahal kita

______  ______ ______ ______ ______

IV. Matatalinhagang Pahayag


PANUTO: Gamitin ang sumusunod na matalinhagang pahayag sa pangungusap. (2 pts./ pangungusap)

1. daga sa dibdib ___________________________________________________________________


2. di mahulugang-karayom __________________________________________________________
3. kapilas ng puso/dibdib____________________________________________________________
4. maanghang ang dila ______________________________________________________________
5. mababa ang loob _________________________________________________________________
6. magaan ang kamay________________________________________________________________
7. malikot ang kamay________________________________________________________________
8. mapurol ang utak_________________________________________________________________
9. matigas ang leeg ___________________________________________________________________
10. matigas ang ulo____________________________________________________________________

C. M. D. Hamo-ay
59
3 | Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I

11. may ipot sa ulo_____________________________________________________________________


12. may krus ang dila__________________________________________________________________
13. may magandang hinaharap__________________________________________________________
14. nagbabatak ng buto_________________________________________________________________
15. nagbukas ng dibdib_________________________________________________________________

Ano ang naitutulong ng pag-aaral ng semantika sa komunikasyon? (5 pts.)

5.3 Talasanggunian
Daigo, C. (21 November 2016). Ano ang kahulugan ng Matalinhagang Pahayag?
___https://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-language/sawikain-idyoma-o-idioms-ano-
___mga-matalinhagang-pahayag-at-mga-halimb-5832d2bed1ffb
Department of Education Filipino 6 Module 4
Dinglasan, D.D. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rex Printing Company, Inc.
Guro sa Filipino. (6 July 2010). Mga Salita Ayon sa Tindi ng Ipinahahayag.
___http://gurosafilipino.blogspot.com/2010/07/mga-salita-ayon-sa-tindi-ng.html
Sanchez, D.A, Ceballos, H.P. & Galit, G.C. (2014). Masusing Pagbasa at Malikhaing Pagsulat
___Tungo sa Pananaliksik. Unlimited Books Library Services & Publishing, Inc.

5.4 Pagkilala
Ang mga larawan, talahanayan, pigura at impormasyon na nakapaloob sa
modyul na ito ay kinuha sa mga sangguniang nabanggit sa itaas.  

C. M. D. Hamo-ay

You might also like