You are on page 1of 27

Pangatnig

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na


edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay
ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na
edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating
araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang
katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Matematika, Siyensya, Ingles at mga bagay na tungkol
naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang


matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito,
at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng


kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin
at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan
ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo
at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat
ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung
saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin
sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang
edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa
isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito
ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang
lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito. 
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng
sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang
karanasan at pormal na programa na nakukuha sa
mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang
maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa,
nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat
ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang
mga pangarap na nais nilang matupad.
Ang pagkakaroon ng isang Ang kanilang kabataan
mataas at matibay na ang siyang estado kung
edukasyon ay isang saligan saan nila hinahasa ang
upang mabago ang takbo ng kanilang mga kaisipan at
isang lipunan. damdamin sa mga bagay
na kailangan nila sa
kanilang pagtanda.

Ang edukasyon ay kailangan


ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang
magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan.
Sa ating pagpapahayag, gumagamit tayo ng mga
salitang nag- uugnay ng mga salita, parirala, o sugnay
na ginagamit natin sa pangungusap.

Pansinin ang mga pahayag na nasa ibaba.


 Ang agham at teknolohiya ay pag- aaral tungkol sa
isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao.
 Sinasabi nating ang agham ay bahagi ng
pangkalahatang karunungan upang magsanay sa
sining ng pag- iisip.
 Dahil sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon
tayo ng tiyak na pagpapakahulugan.
Ang mga nakahilig na salita: at, upang,
dahil; ay mga pang- ugnay din. Ginagamit ang
mga pangatnig sa pang- uugnay ng dalawang
salita, parirala, o sugnay na pinagsunod- sunod
sa pangungusap.
Halimbawa:

Dalawang salita
- Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay ginagawa ng
pamahalaan.
Parirala
- Ang pag- aalaga ng hayop at pagtatanim ng gulay ay
nakatutulong sa paghahanapbuhay.
Sugnay
- Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang patnubay
nito.
Mga halimbawa ng pangatnig

Pati O Maging Subalit


Kung Bago Ni Upang
Kapag Kaya Saka Ngunit
Nang Sapagkat
Uri ng Pangatnig
1.Pamukod 6. Panlinaw
2.Panubali 7. Panimbang
3.Paninsay 8. Pamanggit
4.Pananhi 9. Panulad
5.Panapos
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya
ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay
mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger
man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi
sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking
anak.
2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya
ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.

Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating
palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi
nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling
lumitaw ang buwan.
3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit,
datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit
na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa
palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang
bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o
katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga
ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang
5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng
pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at
sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong
promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.
6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na
silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si
Berto.
7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya,
anupa’t.

Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para
makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad
ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di umano.

Halimbawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng:
kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya
rin.

Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari
ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
 
Subukan mo!

You might also like