You are on page 1of 4

Topic #1

Monday
Magalang na Pananalita sa Hindi- Pagsang-ayon, Pakikipag-argumento, at
Pakikipagdebate:Gamitin

Ang argumento o debate ay isang usaping nagpapahayag ng sariling damdamin o pananaw ng isang tao sa isang
bagay o isyu. Sa pagpapahayag nito ay marapat lamang na lakipan natin ito ng paggalang nang sa gayon ay maiwasan
ang hindi pagkakaunawaan. Inilalahad dito ang mga positibo o negatibong kaisipan upang palutangin at panindigan ang
piniling panig. Kahit na di sinasang-ayunan ang isang isyu ay naipararating pa rin natin sa maayos at magalang na
pananalita ang mga ito. Isa sa mga halimbawa ng argumento o debate ay mababasa natin sa bahagi ng pahayagan.
Ito ay ang editoryal o bahaging opinyon o kuro-kuro. Ang isang pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon hinggil sa isang
pahayag o isyu ay karaniwang pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao. Ngunit sa ating pag-aaral sa araling
ito, hindi dapat nagaganap ang ganito kung tayo ay magalang na sumasang-ayon at tumatanggi sa mga opinyon ng iba.
Marapat din na tanggapin natin kung ano ang pananaw ng taong ating kausap. Magaganap lamang ito kung tayo ay may
paggalang sa isa’t isa at matututong gumamit nang wastong mga pahayag. Narito ang ilan sa mga magagalang na
parirala o pahayag na maaari nating gamitin sa pagbibigay ng ating opinyon, pakikipag-argumento o pakikipagdebate
sa mga napapahon at maiinit na isyu:
- Sa palagay ko… - Ang aking panig…
- Para sa akin… - Tunay na…
- Talagang … - Sa tingin ko…
- Pakiwari ko… - Kung ako ang tatanungin…
- Sa nakikita ko… - Kung ako lamang ang…
Halimbawa:
Sa aking palagay, mas makabubuti kung pag-uusapan muna nating mabuti ang positibo at negatibong epekto ng pag-
aaral sa iba’t ibang pamamaraan.

Para sa akin, maganda ang ipinakikita mong pag-uugali kaya ipagpatuloy mo ang ganiyang gawi.

Talagang makatutulong ang pagkakaisa ng bawat mamamayan upang masugpo ang lumalaganap na virus o sakit.

Pakiwari ko, mas lalong maguguluhan ang mga tao kung paiba-iba ang ipinatutupad na batas sa pagkukuwarantina sa
mga pumapasok sa bansa.

Sa nakikita ko, wala pa ring disiplina ang tao sa tamang paghihiwalay ng mga basura kung kaya’t patuloy ang pagbaha.

Ang aking panig ay ang pag-aralan kung paano maaayos ang problema ng trapiko sa Maynila.

Tunay na malaki ang pag-asenso ng ating bansa kung lahat ay magkakaroon ng disiplina.

Sa tingin ko, dapat tayong sumunod sa tamang pagtatapon ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok.

Kung ako ang tatanungin, may magagawa tayo sa pag-unlad ng bayan kahit sa murang gulang palang natin.

Kung ako lamang ay hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad ng GCQ dahil mas dadami ang kaso ng positibo sa virus.
Lagyan ng tsek ( /) ang talaan kung ginamitan o hindi ng magagalang na pahayag ang mga argumento, debate o
hindi-sinang-ayunang mga isyu o usapin.
Martes
10pts
Gumupit ng isang balita sa news paper at idikit sa notebook, sa ibaba nito ay magbigay ng opinyon ukol dito gamit ang
mga magagalang na pananalita.

Topic #2
wednesday

Pang-angkop
Basahin ang sumusunod na pangungusap:
- Ang Kulturang Pilipino ay dapat nating ipagmalaki.
- Ang pamayanang tahimik ay gusto ng mga taga barangay.
- Mahigpit ang mga batas na pinaiiral sa aming pamayanan.
Pansinin ang mga pahayag na may salungguhit. Ano ang tawag natin sa mga ito? Ito ay tinatawag na pang-angkop. Ang
pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Hindi ito nagtataglay ng sariling
kahulugan. Ginagamit lamang ang mga ito upang maging madulas ang pagbigkas. Ang mga pang-angkop ay -ng -g at
na. Kailan ginagamit ang mga ito sa isang salita?

Pang-angkop na -ng
- Ito ay ginagamit kung ang salitang inaangkupan ay nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o, u).
Halimbawa:
-Masayang pamilya
-mabuting bata
-aleng mabait
-pusong mamon
-tofung malambot

Pang-angkop na na
- Ito ay ginagamit kung ang salitang inaangkupan ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa n.
Halimbawa:
mataas na puno dagat na maalon
hinog na bayabas mahirap na aralin

Pang-angkop na -g
- Ang -g ay ikinakabit o iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa n.

Halimbawa: mayamang asindero biglaang lakad


pinsang buo bayang magiliw
Gawain
Panuto: Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.
1. Maalalahanin__ bata talaga iyang si Kulas.
2. Pinitas ni Thea ang mabango__ rosal sa hardin.
3. Kakarampot ___ pag-asa na lang ang natira kay Bea.
4. Masayahin__ bata si Lumen kaya gusto siya ng mga kalaro.
5. Umiwas tayo sa masama___ bisyo upang guminhawa ang buhay.
6. Pumunta kami sa malayo___ lalawigan ng Cagayan.
7. Nakakita kami ng luntiang bukirin habang binabaybay ang liko-liko__ daan sa Norte.
8. Masisipag ___ magsasaka ang aming nadaanan sa mga bukirin.
9. Kumain kami ng masarap___pancit batil patong sa nadaanang karinderya.
10. Kaysarap maglakbay sa tuloy-tuloy ___ daan sa TPLEX patungong Cagayan.

Gawain #2
Thursday
1-5 – sumulat ng pangungusap na ginamitan ng pang-angkop na ng.
6-10- sumulat ng pangungusap na ginamitan ng pang-angkop na -g.
11-15- sumulat ng pangungusap na ginamitan ng pang-angkop na na.
Topic #3
Friday
#Basahin at pag-aralan.

Sanhi at Bunga

Ang sanhi ay tawag sa bahagi ng pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng dahilan kung bakit nangyari o naganap
ang isang kilos o pangyayari.
May mga hudyat na nagpapahayag ng sanhi sa isang pahayag o pangungusap gaya ng:
-sapagkat
-dahil/dahil sa/kadahilanan sa
-palibhasa
-kasi
Gamitin natin sa pangungusap.
1. Yumaman si Rebecca Bustamante dahil sa kaniyang kasipagan at diskarte sa buhay.
2. Pumasok siya bilang domestic helper sapagkat nais niyang iahon sa kahirapan ang pamilya.
3. Nakatapos siya ng pag-aaral palibhasa siya ay desididong matuto at umasenso.
4. Sinikap niyang itaguyod ang mga kapatid kasi namatay na ang kaniyang magulang.

Ang bunga ay tawag sa bahagi ng pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng resulta, epekto o kinahinatnan ng
isang kilos, gawain o pangyayari.
- May mga hudyat na nagpapahayag ng bunga sa isang pahayag o pangungusap gaya ng:
-kaya/kung kaya/kaya naman
-bunga nito
-tuloy
-na nagresulta
Gamitin natin sa pangungusap.
1. Dahil sa kaniyang abilidad sa pakikisama sa mga tao kaya siya ngayon ay isa ng CEO sa isang malaking kompanya.
2. Ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay nagresulta ng pagiging masikap ni Rebecca sa buhay.
3. Nakaranas ng sobrang hirap sa buhay si Rebecca at mga kapatid tuloy naisip niyang mangibang bansa at maging
domestic helper.

You might also like