You are on page 1of 4

Gramatikal at Diskorsal at Kaugnayan

Nito

Itinakdang Bunga ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin sa yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makatamo ng mga
sumusunod na kakayahan :

❖ Nakikilala ang katangian ng isang mabisang pangungusap


❖ Nagagamit ang kaalamang natamo sa pagbuo ng pangungusap.
❖ Nagagamit ang angkop na mga tayutay sa iba’t ibang pagkakataon
❖ Nakabubuo ng isang anyong pampanitikan na nagtatglay ng mga
matatalinghagang salita/tayutay.
❖ Nakabubuo ng skit na ginagamitan ng mga matatalinghagnag salita at mga
tayutay.

Panimula:
Mahalaga ang kakayahang gramatikal at diskorsal sa pagkakaroon ng mainam at
maayos na pahayag. Ang mahusay na pagpapahayag ay gumamit ng pili at angkop na
salita batay sa kahulugan at damdaming nais ipaabot batay sa tuntunin ng
gramatika.Kinapalooban ang aralin sa yunit na ito ang kaayusan ng mga pangungusap ,
ang wastong gamit ng mga salita sa pahayag , ang relasyon ng mga ideya,paggamit ng
rhetorical devices, uri at anyo ng mga salita at pahayag, at mga matalinghagang
pagpapahayag at mga tayutay.

Ano ang Kakayahang Gramatikal at Diskorsal ?


Ayon kina Michael Canale at Merril Swain ang kakayahang gramatikal ay
nagbibigay kakayahan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ang kanyang ginagamit na mga
salita.Ang kakayahang diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng
nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang
salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan
nito.

Komponent ng Gramatikal na Kakayahan :

Kaayusan ng mga pangngusap

1. Karaniwang ayos- ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang pang-uri sa simuno
Hal. Masayahin ang mga Pilipino

2. Di –karaniwang ayos- ang ayos ay may ay na nag-uugnay sa simuno at pang-uri


Hal. Ang mga Pilipino ay masayahin.

Kayarian ng Pangungusap

1. ANG PAYAK NA PANGUNGUSAP AY MAAARING BINUBUO NG:

a. Payak na Simuno at Payak na Panag-uri. (PS+PP)


Halimbawa: Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.

b. Payak naSimuno at Tambalang Panaguri (PS+TP)


Halimbawa: Ako ay nagliligpit at nagsasaayos ng aking mga basura.

c. Tambalang Simuno at Payak na panag-uri (TS+PP)


Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit ng ating mga basura.

d. Tambalang Simuno at Tambalang Panag-uri (TS+TP)


Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsasaayos ng ating
mga basura.

2. ANG TAMBALANG PANGUNGUSAP – ito ay pangungusap na binubuo ng


dalawang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng "at", "o",
"ngunit", "habang", "samantala", o "pero“
Halimbawa:

❖ Tao ang dahilan ng problema sa basura ngunit tao rin ang makagagawa
ng solusyon para rito.

❖ Susunod ba tayo sa Bohol o maghihintay na lang ba tayo sa Cebu?


❖ Nagbabasa ng novela si Denise habang tumutugtog ng piano si Magiting.

3. ANG PANGUNGUSAP NA HUGNAYAN - ito ay pangungusap na binubuo ng


isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi nakapag-iisa na
pinakikilala ng mga pangatnig na "kapag", "pag", "nang", "dahil sa", "upang",
"sapagkat", at iba pa.
Halimbawa:

❖ Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya (sugnay na nakapag-iisa)


dahil sa magandang ugaling pinakita niya. ( sugnay na di-nakapag-iisa)
❖ Tayo ay dapat maging responsable sa ating mga basura (sugnay na makapag-
iisa) Upang maiwasan ang kalat sa paligid. (sugnay na di-makapag-iisa)
4.  LANGKAPAN – Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa
o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
❖ Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan
upang tumatag ang ating ekonomiya.
❖ Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinusunod nila
ang utos ng Panginoon.

Ikatlong Gawain:

I. Sumulat ng maiksing salaysay tungkol sa inyong karanasan na ginagamitan ng karaniwan at


di-karaniwang ayos ng pangungusap. Salungguhitan ng isang beses ang karaniwan.
I-highlight naman ng dilaw ang mga payak na pangungusap, dilaw na berde ang mga
tambalang pangungusap, bughaw ang hugnayan at rosas ang mga langkapang pangungusap.

II. Magsaliksik ng 5 pares ng mga salitang nababaliktad ang gamit. Isulat kung paano gamitin.
Gamitin ito sa pangungusap.
III.
Hal. Kung at kong
kung - pangatnig na ginamit sa hugnayang pangungusap
kong - nanggaling sa panghalip na ko na inangkupan ng ng.

Magpapaalam ka muna sa iyong ina kung aalis ka.


Ang mga minamahal kong mga magulang ang dahilan ng aking pag-uwi ng Pilipinas.

You might also like