You are on page 1of 16

ANG PAGPILI NG PAKSA AT

ORGANISASYON NG TALATA
SA PAGBUO NG KOMPOSISYON
HABA NG TALATA AT
KOMPOSISYON

 Ang haba ng talata at komposisyon ay naaayon sa


dami ng tatalakayin ukol sa kaisipang dapat
ihiwalay sa iba bagama’t ang mga ito ay
magkakaugnay.
 Sa isang ideyal na larawan ng talata binubuo ito
ng lima hanggang pitong mga pangungusap.
KAISIPANG NASA TALATA
• Panuto
• Pagsalungat
• Pagsang-ayon
• Sanhi
• Bunga
• Haka-haka
• Buod
• Impormasyon
• Mga Detalye
• Katuturan
KOMPONENT NG TALATA AT
KOMPOSISYON
1. Paksang Talata
Ito ay pangungusap na nagsisilbing gabay sa iba pang
mga pangungusap ng komposisyon dahil narito ang
kabuuang diwa ng talakayan sa loob ng pangungusap.
Madaling makilala ang paksang pangungusap dahil
nangangailangan ito ng patunay o ebidensya.
2. Panimula
Ang panimula ay siyang unang talata ng kabuuan
ng komposisyon. Ang bahaging ito magsisilbing
pinto ng desisyon ng mambabasa ng ng kabuuang
diwa ng paksang tinatalakay. Sa sitwasyong
binanggit, tungkulin ng manunulat na pagbutihin
ang pagkakasulat o pagkakabuo ng panimula nang
sa gayon ito’y basahin o tangkilikin ng mambabasa.
KATAWAN
• Sa bagahing ito nakatala ang kumpletong
talakay ng kaisipan ng komposisyon. Dito
mababatid ang buong pangyayari, ang
mga patunay ukol sa kaisipan, damdamin
at mahalagang ideya sa komposisyon.
WAKAS
• Sa bahaging ito ibibigay ang kabuuan ng
tinatalakay upang mapagnilay-nilayan ng
sinumang babasa. Ito ang magsasaysay ng mga
huling pananalita ng manunulat. Maaaring
ang bahaging ito’y nasa anyong salawikain,
sawikain, patanong o di kayay binuod na
kabuuan ng isinulat.
ANG PAGSISIMULA AT PAGWAWAKAS
NG KOMPOSISYON

•Patanong
•Salawikain/Sawikain
•Pangungusap na makatawag pansin
•Sipi
•Buod ng kabuuang talakay
ESTILO NG PAMAGAT
1. Maaaring mismong ang pangalan ng pangunahing tauhan lalo na
kung paglalarawang pahayag ang isusulat.
2. Maaaring katawagan sa pangunahing tauhan na di ang pangalan
niya. Ito’y kung pagsasalaysay ang bubuuing pahayag.
3. Maaari ring katawagan sa lugar na may malaking kinalaman sa
daloy ng akda. Ito naman ay kung anyong paglalahad ang talakay.
4. Maaaring ang napakahalagang
kaisipan ng komposisyon na
nagsisilbing diwa ng kabuuan ng
komposisyon.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
1.Paghahanap ng paksa
2.Pumili ng paksang isusulat
3.Pag-iipon ng mga datos
4. Pagsulat ng burador
5. Pagbasa ng burador o unang pagrerebisa
6.Muling pagsulat ng burador
7.Ikalawang pagrerebisa
8. Pinal na Pagsulat
PAGLALARAWAN
• Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o
pala-palagay tungkol sa isang tao, sa isang hayop, sa
isang bagay, sa isang lugar o sa isang pangyayari sa
pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at
iba pang mapapandamang – naaamoy, nalalasa,
naririnig – pananalita
URI NG PAGLALARAWAN

1.Karaniwang Paglalarawan
Ito ay paglalarawan na kung ano ang ating
nakikita, nadarama, naririnig o di kaya’y
nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginawang
paglalarawan.
MASINING NA PAGLALARAWAN

•Ito ay ang paglalarawan sa mga abstrak


na di mo nakikita nang kongkreto ang
larawan o imahing isinasaad ng
manunulat. Kadalasa’y gumagamit din
ditto ng mga matatalinghagang pahayag.

You might also like