You are on page 1of 67

Gamit ng mga Salita

1. Seryoso/May dignidad ang


tono.
Walang pagbibiro , pinipili at inaayos
upang matanggap ng tagapakinig ng salita.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


2. Repinado/Pino
Walang lugar ang mga salitang
balbal,bastos, maanghang at lisya sa
kagandahang-asal. Iwasan angpaggamit ng
mga salitang may “double meaning” at
iwaksi ang pagiging magaspang sa
pananalita.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


3. Umaalinsunod sa tuntunin
ng grammar
Kailangang mahigpit na maisakatuparan
ang mga panuntunan sa grammar dahil
nakasalalay dito ang kawastuhan,
organisasyon, kalinawan ng pangungusap
at talataan.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Kahulugang Tekstwal at
Kontekstwal
Mahalagang makilala ang tekstwal at
kontekstwal na kahulugan ng salita kapag
retorika ang pinag-uusapan sapagkat
kailangang ingatan ang paggamit ng mga
salita.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Kahulugang Tekstwal

Tinutukoy nito ang kahulugang literal-


kung ano ang salita, iyon ang kahulugang
ibinibigay ng diksyunaryo. Tinatawag din
itong kahulugang leksikograpik o
denotasyon.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Kahulugang Kontekstwal
Mga kahulugang di-direkta o maaaring
pahiwatig lamang ang ipinararating na
tanging sa kabuuan ng pangungusap
lamang mabibigyan ng katuturan.
Tinatawag din itong kahulugang
konotasyon.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Ang Ibat-ibang
Uri Ng
Pangungusap

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Pangungusap
Ang pangungusap ay lipon ng
mga salita na nagpapahayag ng
buong diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap, ang
panaguri at ang paksa o simuno
subalit buo ang diwa.
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga pangungusap na ayon sa gamit:

Maiuuri rin ang pangungusap


bilang pasalaysay o paturol, patanong,
pautos at padamdam:

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Pasalaysay o Paturol - Ito ay
nagsasalaysay ng katotohanan o
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa
tuldok(.)

Halimbawa:
Siya ay maganda.
Tayo ay magkaisa.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol
sa isang katotohanan o pangyayari, at
tandang pananong(?) ang bantas sa
hulihan nito.

Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Nagkita ba kayo?

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Pautos: Ito ay uri ng pangungusap
kung saan ay nakikiusap o nag uutos
ito.

Halimbawa:
Pakiabot naman ng aking libro.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Padamdam: Ito ay nagsasabi ng
matinding damdamin gaya ng
tuwa,pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa.

Halimbawa:
Magaling!...
Wow!...
Nako!...

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Uri ng mga Pangungusap
(Ayon sa pangungusap na
walang paksa)

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga pangungusap na eksistensyal -
nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa
o higit pang tao, atbp.
Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Halimbawa: 
Mayroon daw ganito roon.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga pangungusap na pahanga –
nagpapahayag ng damdaming
paghanga.

Halimbawa: 
Wow!
Galing!

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga sambitla – tumutukoy sa mga iisahin
o dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding damdamin.

Halimbawa: 
Aray!
Naku po!
Diyos ko!

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga pangungusap na pamanahon –
nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Halimbawa: 
Maaga pa.
Uulan na.
Maaraw na.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga pormularyong panlipunan – mga
pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa: 
Magandang umaga po.
Kumusta na po kayo?

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Mga pangungusap na sagot lamang -
sagot sa mga tanong na hindi na
kailangan ng paksa.

Halimbawa:
T:Nandiyan ba siya?
S:Wla/ Oo

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Mga ayos ng pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan
at di-karaniwan.
Kung ang panaguri ay nauuna kaysa
simuno, ang pangungusap ay nasa
karaniwang ayos
Halimbawa
Bumili ng bagong sasakyan si Juan.

panaguri
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
at kung ang simuno naman ang nauuna
kaysa sa panaguri, ang pangungusap
ay nasa di-karaniwan ayos. Ang
panandang "ay" ay kadalasang
makikita sa mga pangungusap na nasa
di karaniwang ayos
Halimbawa
Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.

simuno
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Paksa ng Pangungusap
Pokus ng Pandiwa-pokus ang tawag sa
pinapaksa o simuno ng pangungusap.
Nakikilala sa taglay na panlapi ng pandiwa.
Tulad ng kaganapan ng pandiwa, ang
pokus ng pandiwa ay may pitong uri.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


1. Aktor Pokus o Pokus sa Tagaganap

Ang paksa ng tagaganap ng kilos na


isinasaad ng pandiwa sa pangungusap.
‘Sumasagot sa tanong na ‘sino’ nilalapian
ng mga panlaping ‘mag’, ‘um’, ‘mang-ma’,
‘maka’, ‘makapag’, ‘maki’, ‘magpa’.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Bumili si Leticia ng mga bulaklak.


• Humihingi si Ian ng payo sa
kanyang mga kuya.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


2. Pokus sa Layon
Ang paksa ng layon ng pandiwa sa
pangungusap. Sumasagot sa tanong na
‘ano’. Tinatawag na direct object sa
ingles.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Sumabog ang gulong ng kanyang kotse.


• Nakahuli sila ng malaking sawa sa
bakuran.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


3. Lokatib Pokus/Pokus sa Ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan


ng pandiwa ng pangungusap.
Sumasagot sa tanong na ‘saan’ may
panlaping ‘pag-an’, ‘an-han’, ‘ma-an’,
‘pang-an’, ‘mapag-an’.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Pinagtaniman namin ang bukirin ng


gulay.
• Pinagbilhan namin ang tindahan ng
mga tela.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


4.Pokus sa Tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng


pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na ‘para kanino’. Tinatawag din
itong direct object sa Ingles.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Kami ay ipinagluto ng masarap na


hamon.
• Pinasalubungan naming ng imported
na tsokolate ang mga kasamahan sa
trabaho.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


5. Pokus sa Gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay


na ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa ng
pangungusap.Sumasagot sa tanong ‘sa
pamamagitan ng ano?’ gumagamit ng
panlaping ‘ipang’, ‘maipang’

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Kawali ang ipinangluto niya ng


kakanin.
• Ipinampunas niya ang sirang tela sa
lamesa.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


6. Pokus sa Sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng kilos


ng pandiwa ng pangungusap.
Sumasagot sa tanong na ‘bakit’ may
panlaping ‘i’, ‘ika’, ‘ikina’.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Ikinatuwa niya ang pagkakaroon ng


ng kuryente.
• Ikinalungkot niya ang pagkamatay
ng lola.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


7. Pokus sa Direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon


ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Sumasagot sa tanong na ‘tungo saan’,
‘tungo kanino’, may panlaping ‘an’, ‘han’,
‘in’, ‘hin’.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Halimbawa

• Pupuntahan ni Inday ang simbahan


bukas.
• Nagtungo siya sa madilim na parte
ng bahay.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Ang Talata

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Kahulugan

Ito ay ang pagsasama-sama ng mga


pangungusap na nagpapahayag ng isang
punong kaisipan. Samakatwid, mayroon
itong isang sentral na ideya (topic
sentence) at mga pantulong na
pangungusap na nagbibigay detalye
tungkol sa diwang nais ipahayag.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Tingnan nating ang halimbawa:

Magtatapos ako.
Nais kong tulungan ang aking mga
magulang.
Mahirap alng kami. May sakit si Tatay.
Di ko sila bibiguin.
Si Nanay ang nagtatrabaho.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


MGA BAHAGI NG TALATA

1. PANIMULA
Ang panimula ay kailangang bigyan ng
emphasis. Kailangan na sa simula ay
napukaw na ang atensyon. Kailangan may
appeal, dating, hikayat ang panimula.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Paano ito magagawa?
 Magpokus sa mambabasa.
 Maglahad ng katotohanan.
 Magtanong.
 Magbigay ng matibay na asersyon.
 Gumamit ng paglalarawan.
 Gumamit ng isang makatas na pangungusap.
 Gumamit ng isang pagsasalaysay.
 Gumamit ng analohiya.
 Gumamit ng tuwirang sipi o sabi.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


2. PANGGITNANG TALATA
May mga pamamaraan na magagamit sa
paglalahad ng panggitna. Ang mga ito ay
sumusunod:
 Kronolohikal
 Ispatyal/Espasyo
 Empatik

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


3. PANGWAKAS NA TALATA
Paano wawakasan ang komposisyon?
 Mag-iwan ng katanungan
 Pagbubuod
 Panghuhula
 Pagsariwa sa suliraning binanggit sa
simula.
 Paggamit ng sipi.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Katangian ng mahusay na Talata

1. Koherens
Ang kombinasyon ng lahat-ang bawat
talataan, bawat pangungusap at bawat
parirala ay sama-samang nagkokonekta
upang mabuo ang buong piyesa.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


2. Kaisahan
Nagkakaroon ng kaisahan ng talakay kapag
nakatuon sa paksa ang sinasabi o sinusulat.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


3. Konsays
Nagiging konsays ang sulatin kapag ang
mga ideya ay ipinahayag sa kaunting salita
lamang hangga’t maaari. Hindi ito nag-
uulit ng ideya, salita, parirala na di
kailangan o di tumutugon sa iyong layunin.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


4. Kalinawan
Hindi maligoy ang pangungusap. Dapat
may direksyong tinutungo ang sulatin.
Alisin ang mga argumentong di kaya
suportahan. Dapat lang na masabi sa
salitang naiintindihan ang gustong sabihin.
Gumamit ng eksakto o tamang salita.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


5. Kasapatan
May sapat na datos-detalye, halimbawa,
tuwirang sabi, rason na sumusuporta sa sinasabi.
6. Kagandahan
May fluency, eloquence, at grace ang sinulat na
narating sa pamamagitan ng lenggwahe/salitang
nagamit nang wasto, piling-pili at may
intelektwal appeal.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


KOMPOSISYON

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Kahulugan

Ito ay itinuturing na pinakapayak na


paraan ng pagsulat.
Ang pagsulat ng natatanging karanasan,
pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na natanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Ang komposisyon ay binubuo ng mga
talata. Ang talata ay binubuo ng isang
pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng buong pagkukuro, palagay o
paksang-diwa. (Ang mga balita
maging maikling kwento ay
kakikitaan ng iisahing
pangungusap.)
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
URI NG KOMPOSISYON
1. DESKRIPTIBONG KOMPOSISYON
Ang layunin ay bumuo ng isang hugis o anyo ng isang
tao, pook o pangyayari sa pamamagitan ng imahinasyon.
1. Karaniwan/Obhetibo
-di sangkot ang damdamin ng mga manunulat
-paglalarawan ayon sa nakikita ng mata
2. Masining/Subhetibo
-naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong
naglalarawan
-naglalayong pukawin ang guniguni ng mambabasa

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


2. NARATIBONG KOMPOSISYON
Naglalayong magkwento o magsalaysay ng
mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari.
Layunin na makapagbigay ng impormasyon o
makapag-ulat tungkol sa pangyayari batay sa
tamang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa
isang maayos, maliwanag at masining na
pamaraan.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


3. EKSPOSITORING KOMPOSISYON
May layuning gumawa ng isang malinaw, sapat at
walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang
bagay na nasasaklaw kaalaman ng tao.
1. Maanyo/Pormal
Lohikal na paglalahad ng mga kaisipan o may
maayos at maingat na paglalahad ng nilalaman.
2. Di-Pormal
May anyong Malaya sa paraan ng paglalahad at may
himig nakikipag-usap lamang.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


4. ARGUMENTATIBONG
KOMPOSISYON
Ito naman ay may layuning mapatunayan
ang isang katotohanan, na makuhang
mapaniwala at mahikayat ang mambabasa
sa paninindigan ng sumulat.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


5. PROSIJURAL NA
KOMPOSISYON
Ito naman ay naglalahad ng mga
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
sa paggawa ng isang bagay o gawain.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Pagsusuri ng Maikling Kwento

I. Pamagat at May-akda
II. Kaligirang Pangkasaysayan ng akda
III. Tema/Paksa
IV. Elemento
A. Mga Tauhan (with deskripsyon)
B. Tagpuan
C. Banghay
 Simula
 Saglit na Kasiglahan
 Kasukdulan
 Kakalasan
 Wakas

D.Tunggalian/Suliranin
V. Aral
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Maikling
Pagsusulit
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
Tukuyin kung karaniwan o di karaniwan ang pangungusap

1. Dumalo sa pulong ang mga tao.


2. Naghihintay ng matagal ang mga bata.
3. Ipamamahagi na ang bigas sa sako.
4. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.
5. Sila ay tahimik na nagbubukas ng aklat.
6. Ang bata ay naglalaro sa putikan.
7. Lumipad nang napakalayo ang bola.
8. Ang mga bigas ay ipinamahagi sa mahihirap.
9. Si Gian ang kumuha ng bolpen ng ating guro.
10. Si Tatay ay nagluto ng sinigang na baboy.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Tukuyin ang panaguri at simuno,

1. Unti-unting nagbago ang ugali niya.


2. Natuto siyang magsigarilyo.
3. Nakiusap ang ina ni Obet.
4. Nadakip ng dalawang pulis si Obet.
5. Siya ay nanghiram.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


Tukuyin kung anong Pokus ng
Pandiwa ang bawat
pangungusap.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino


1. Kinuha ng bata ang bola sa kanal.
2. Ikinagalit ni Inay ang pagkalasing ni
Itay.
3. Binilhan ni Kuya ng laruan ang
nakababatang kapatid.
4. Pinaglabhan ng magkakapatid ang ilog
sa gubat.
5. Ipinansungkit ng mangga ang mataas
na kahoy.
Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino
6. Naglinis ng bahay si Inay.
7. Papasyalan ng buong pamilya ang E-park.
8. Pinatay ni Lola ang ilaw.
9. Ipinanlinis ni Inay ang walis sa bakuran.
10. Ikinasira ng guro ang pakikipagrelasyon
sa kanyang estudyante.

Filipino 6 Kumunikasyon sa akademikokong filipino

You might also like