Professional Documents
Culture Documents
LAYUNIN
Kalaaman:
1. Makapagsaliksik ng mga pelikulang Pilipino na tumutukoy sa mga napapanahong isyu;
2. Matukoy ang katuturan ng Indie Films at teleserye sa industriya ng pelikula at kultura; at
3. Mailahad ang konsepto at gamit ng documentary films tungkol sa paghahatid ng mga
isyung may kinalaman sa lipunan.
Kasanayan:
1. Makapagtalakay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa katangian ng Pelikulang
Pilipino at iba pang uri nito (Indie Film, Teleserye, Documentary Film);
2. Makabuo ng mahahalagang konsepto tungkol sa mga napapanahong isyu na maaaring
mapanood sa mga pelikula o mainstream at Indie Film;
3. Makapagsagawa ng isang posisyong papel tungkol sa kalagayan ng Pelikulang Pilipino sa
pagpasok ng documentary Film bilang isang yugto sa kalinangan ng pagbibigay
impormasyon;
4. Makagawa ng isang sanaysay tungkol sa implikasyon ng Indie Films sa Pelikulang
Pilipino bilang kultural na kapital;
5. Makapagbalangkas ng isang iskrip para sa isang episodyo ng teleserye; at
6. Makabuo ng isang pagsusuring pampanitikan sa mga Pelikulang Pilipino at mga kaugnay
na uri nito.
Kahalagahan:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga pagdating sa pagtangkilik ng mga pelikulang Pilipino;
2. Makapagbigay ng mga makabuluhang pananaliksik patungkol sa mga pelikulang
Pilipino;
3. Maibahagi ang kahalagahan ng Teleserye at Indie Films na nagpapakita ng kultura ng
mga Pilipino; at
4. Maisaalang-alang ang papel ng documentary films sa pagpapakita ng mga kalagayang
panlipunan.
PANIMULA
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang anyo ng kultura. Bawat isa sa mga ito ay
nagbibigay ng makabuluhang tungkulin upang mapaunlad ang ating bansa. Nagiging daan rin ito
upang magkaroon ng pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan.
Sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay hindi matatawaran ang maraming mga suliranin na
kinakaharap ng lipunang, mga isyung nagpapabigat sa estado ng pamumuhay ng bawat tao at
mga napapanahong usapin na umiiral sa ating bansa. Dahil sa mga ganitong sitwasyon ay
nagkaroon ng ilang mga palabas na mapapanood sa telebisyon kung saan ang mga ito ay
nagpapakita ng mga paksang panlipunan. Ilan na rito ay ang pelikula, documentary films,
teleserye, at Indie films.
Ayon kay Ediny (2010), hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang
mga telebisyon. Para kasing mababaliw ka sa kalungkutan kung wala ito para magbigay saya at
aliw sa atin.
Binaggit ni Omnes (2013) sa kanyang blog na ang panonood ay isang kasanayang
pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa kapaligiran ng tao. Ito ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa higit na malalim na paghihinuha sa mga nakikita
at naririnig. Binanggit din niya mula sa aklat ni Considene na ang panonood ay tumutulong sa
mga bata na madebelop ang isang bagong karunungan – ang biswal na kaalaman na dapat nilang
paunlarin sa isang teknolohikal na mundo.
Sa kabanatang ito ay matatalakay ang kahalagahan at kahulugan ng pelikula, documentary films,
teleserye, at Indie films pagdating sa aspeto ng pagtalakay sa mga napapanahong isyung
kinakaharap ng ating bansa at ang naitutulong ng mga ito sa pagpapataas ng ekonomiya ng ating
bansa.
DALOY NG KAALAMAN
Daloy ng Kaalaman
ANG PELIKULA
GOOGLE IMAGES
Ang pelikula ay kilala rin bilang sine at pinilakang tabing. Isang larangan na sinasakop
ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan. Gumagalaw na larawan ang pelikula sa kasaysayan. Kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong tao”, bagay (kabilang ang
inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun.
Batay sa isinaad na salaysay ni Tan (2008), ang mga Pilipino, kung pakaiisipin, ay hindi
lamang gusto ang mga pelikula, napalapit na din ito sa kanilang mga puso. Ang panonood ng
pelikula ay ginagawang libangan ng mga pamilya, mag-babarkada, at ng mga magsing-irog. Ang
panonood ng pelikula ay nagsisilbing panahon ng kanilang pagkakabuklod-buklod. Makikita rin
kung paaano na naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang pelikula sa pagkahilig nila sa
pagbili o paghiram ng Betamax, VHS, VCD, at sa panahon ngayon, ay ang DVD. Lokal man o
foreign ang pelikula ay dinadagsa pa rin ito ng mga Pilipino.
Ayon kina Ansay-Villaverde, et.al (2013) ang pelikula ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito ay mahalaga
at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispiritwal, pang-edukasyon, pangkultura,
pangmoralidad, at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensyahan ng mga pinapanood na pelikula o mga dulang pantelebisyon. Isang
mahalagang kasanayang dapat malinang sa mag-aaral ang pagsusuring pampelikula bukod sa
pagsusuring pampanitikan. Isang pormal na konsepto o diwa na kamakailan lamang umunlad.
Hinggil kay Magcamit (2013), ang mga pelikulang napapanood sa mga sinehan ay tinatawag na
mga pelikulang komersiyal o mas kilala sa tawag na “mainstream”.
Ayon naman kay Lacunio (2007), isang hamon sa pelikula ngayon ang pagkawala ng
tatak nito bilang isang Pilipinong anyo ng midya. Kung tutuusin, marupok na ang konsepto ng
Pilipino bilang lahi sa ating mga pelikula. Kung ikukumpara sa ibang bansa, mahahalata mo
kung ang napapanood mo ay pelikulang mula sa India o bansang Arabo. Napupuno ng mga
artistang tisoy at tisay na tumatalakay sa mga temang kanluranin. Ang mga naratibong
pampelikula at telebisyon ay nagmumukhang bersiyon ng mga bagay na napanood sa banyagang
midya. Malakas ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa pelikulang banyaga, partikular ang
Amerikano, bahagi marahil ng colonial mentality. Madalas nauuwi sa paghanga ang nasabing
pagtangkilik sa mga pelikula.
Si Carmen Concha Ang unang babaeng direktor sa Pilipinas. Ilan sa kanyang nagawang
mga pelikula ay ang “Magkaisang landas” at ang “Yaman ng Pilipinas (1939). Ilan sa mga
naging sikat na artista bago ang digmaan ay sina:
➢ Fernando Poe, Sr.
➢ Ben Rubio
➢ Monang Carvajal
➢ Alfonso Carvajal
➢ Etang Discher
• Dekada ‘50
Pagkatapos ng digmaan ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan. Ilan sa mga naging
sikat na pelikula sa mga Pilipino ang “Garison 13” (1946), “Dugo ng Bayan”, “Walang
Kamatayan” at “Guerilyera”.
Sa panahon rin na ito nagsimula ang Realismo sa pelikula ng Pilipinas. Base sa mga buhay ng
mga Pilipino katulad ng mga napapanahong mga usapin sa lipunan. Naging popular rin ang
komedya at drama sa panahong ito.
1. Kuwento – Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
2. Tema – Ito ang pinakapaksa ng kuwento. Ang diwa at pinakapuso ng pelikula.
3. Pamagat – Ang pamagat ng pelikula ang naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula. Ito
ay nagsisilbi ring panghatak upang makahikayat ng mga manonood.
4. Tauhan – Mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula. Sa
pagpili ng mga tauhan na gaganap sa isang pelikula, nangangailagan ng masusing pagpili
sa mga ito upang maging maganda ang kahihinatnan ng bawat gagampanang karakter.
5. Diyalogo – Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. sa pagsusuri ng
pelikula ay dapat isaalang-alang ang mga uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento.
6. Sinematograpiya – Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Matagumpay
nitong naisalalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng tamang gamit ng ilaw,
komposisyon, at galaw.
7. Iba pang aspetong teknikal – Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula,
pagpapalit-palit ng eksena, special effects at editing.
• Tunog – naisalin ng buhay na buhay ang mga diyalogo at musika, epektibong
katahimikan at naisaayos ang lahat ng mga ito sa isang malikhaing paraan.
• Musika – Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin, pinatitingkad ang
atmospera at damdamin, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
• Direksyon – Matagumpay ang direktor sa pagbibigay-buhay sa dulang
pampelikula. Nagagawa ng direktor na ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa
materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang element ng
pelikula.
• Editing – Sa pag-eedit ng isang pelikula, nagagawang pakitirin o palawakin ang
oras, kalawakan, at galaw ng bawat eksena.
• Disenyong Pamproduksyon – Naisasakatuparan sa malikhaing paraan ang
tagpuan, make-up, kasuotan at mga kagamitan upang maging mas maganda ang
bawat senaryo sa pelikula.
KABANATA 4
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG SOAP OPERA SA PILIPINAS
LAYUNIN
Kalaaman:
1. Makapagsaliksik ng mga pelikulang Pilipino na tumutukoy sa mga napapanahong isyu;
2. Matukoy ang katuturan ng Indie Films at teleserye sa industriya ng pelikula at kultura; at
3. Mailahad ang konsepto at gamit ng documentary films tungkol sa paghahatid ng mga
isyung may kinalaman sa lipunan.
Kasanayan:
1. Makapagtalakay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa katangian ng Pelikulang
Pilipino at iba pang uri nito (Indie Film, Teleserye, Documentary Film);
2. Makabuo ng mahahalagang konsepto tungkol sa mga napapanahong isyu na maaaring
mapanood sa mga pelikula o mainstream at Indie Film;
3. Makapagsagawa ng isang posisyong papel tungkol sa kalagayan ng Pelikulang Pilipino sa
pagpasok ng documentary Film bilang isang yugto sa kalinangan ng pagbibigay
impormasyon;
4. Makagawa ng isang sanaysay tungkol sa implikasyon ng Indie Films sa Pelikulang
Pilipino bilang kultural na kapital;
5. Makapagbalangkas ng isang iskrip para sa isang episodyo ng teleserye; at
6. Makabuo ng isang pagsusuring pampanitikan sa mga Pelikulang Pilipino at mga kaugnay
na uri nito.
Kahalagahan:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga pagdating sa pagtangkilik ng mga pelikulang Pilipino;
2. Makapagbigay ng mga makabuluhang pananaliksik patungkol sa mga pelikulang
Pilipino;
3. Maibahagi ang kahalagahan ng Teleserye at Indie Films na nagpapakita ng kultura ng
mga Pilipino; at
4. Maisaalang-alang ang papel ng documentary films sa pagpapakita ng mga kalagayang
panlipunan.
DALOY NG KAALAMAN
Kaligirang Pangkasaysayan ng Soap Opera sa Pilipinas
Allan A. Ortiz
Likas sa mga Pilipino na mapaglibang sa mga libreng oras nito. Subalit ang paglilibang
noon ng ating mga ninuno ay nag-ugat sa mga ritwal nito. Gaya ng ritwal sa pagtatanim,
pakikidigma o may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng tao na sinasaliwan ng awitin at
sayaw bilang pagtawag sa mga espiritung kanilang pinaniniwalaan.
Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa, nanatili ang mga ritwal sa mga liblib na
lugar ng bansa at nadagdagan ang uri ng panitikan na sa kalaunan ay inibig ng mga katutubo
dahil bago ito sa kanilang paningin at pandinig. Hindi rin naglaon ang mga uri ng panitikang ito
ay naging bahagi ng buhay ng ating mga ninuno bilang isang uri ng libangan. Mula sa mga
babasahing may temang relihiyon gaya ng mga awit, korido, pasyon ay nabaling sa panonood ng
mga panitikang ito gaya ng senaculo, moro-moro at mga dula-dulaan.
Nang masakop ang bansa ng Amerika ay ipinakilala ang mga makabagong uri ng
panitikan na may kasamang teknolohiyang gamit. Ito ay ang pinilakang tabing/ sine o mas kilala
bilang pelikula at telebisyon.
Makikitang malaki ang inunlad ng panitikan sa ating bansa. Ito ay naging midyum upang
ipahayag ang saloobin, hangarin, pangarap ng isang Pilipino sa mga akdang pampanitikan mula
sa simpleng tula hanggang sa isang pelikulang napanonood.
Malaki ang naging impluwensya ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino gamit ang iba’t
ibang uri ng midyum. Sinasabing ang telebisyon ang pinakamakapangyarihang midyum sapagkat
ito ay may kakayahang abutin ang napakaraming tao dahil sa lawak nararating ng signal nito.
Ang mga dulang pantelebisyon ang pinakatutukan sa loob ng tahanan ng pamilyang
Pilipino noong dekada 50 at kinilala itong soap opera. Ang soap opera ay kuwento tungkol sa
ilang karakter at sa kanilang pakikibaka sa buhay, na inilalahad sa naratibo na punong-puno ng
emosyon (melodrama) at kadalasan, sa eksaheradong paraan. Ang istraktura nito ay ipinalalabas
nang 30 hanggang 45 minuto.. Kadalasan ang tema nito ay kuwentong pamilya – nawalan ng
anak o nagkapalit ng mga anak, kuwentong pag-iibigan ng mayaman at mahirap, o agawan ng
mana. Ang katangian ng mga soap opera ay masalimuot, may nawawalang bagay o tao, may
babawiing bagay o tao at malinaw kung sino ang bida at kontrabida.
Ang soap opera ay kilalang genre ng mga babae dahil sa karamihan sa mga manonood
nito ay babaeng naiiwan sa bahay (Cantor and Pingree, 1983). Ayon naman kay Hobson, ang
mga tauhang babae sa soap opera ay matatapang at isa ito sa pinasikat na katangian ng mga soap
opera. Kitang-kita na ang kapangyarihan ng mga babae sa mga soap opera dahil sa usaping
gender equality. Ang mga babaeng api noon ay palaban na ngayon.
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
LAYUNIN
DALOY NG KAALAMAN
Dokumentaryong Pantelebisyon
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay
ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at
sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino
ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa
paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa
oras na bago matulog sa mga prime time na mga
panooring kabilang na ang mga teledrama, balita at mga
dokumentaryong pantelebisyon.
Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang
kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito
kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho,
Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David.
Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay na kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa.
Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang, ang mga
kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga
pinanood ng mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon- Mga palabas na naglalayong maghatid mh komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.