You are on page 1of 45

TAYUTAY

TAYUTAY
Ito’y isang sinadyang paglayo sa
ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang
pagkakalahad. Di tahas ang kahulugan
kaya’t masasabing lumilikha ito ng
larawan o imahen. Di karaniwan ang
pagkakapahayag
URI NG
TAY UTAY
PAGTUTULAD (SIMILE)
simpleng paghahambing ng dalawang magkaiba
sa pangkalahatang anyo subalit may mga
magkakatulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng
dalawa. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang
tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, anaki’y,
animo’y, gaya ng, tila atbp.
HALIMBAWA
• Ang buhay ay tulad ng isang kandila.
• Ang kariktan ni Elisa’y katulad ng isang tala.
• Parang isang pagong kung siya’y kumilos.
• Animo’y impyerno ang daraanan mo.
PAGWAWANGIS (METAPORA)
halos katulad din ng pagtutulad na naghahambing
ng dalawang bagay. Ngunit sa pagwawangis tuwiran
ang ginagawang paghahambing ng dalawang bagay.
Ipinapalagay na ang dalawang ito’y iisa. Pinaglalapat
ang pangalan, katangian o gawain ng isang bagay sa
bagay na inihahambing. Hindi na kailangan ang mga
pariralang ginagamit sa pagtutulad.
• Ang puso niya ay bato.
• Ang mga mata niya ay bituin sa langit.
• Langit ang piling niya sa piling ni Sonny.
• Ang ahas ng angkan ay iniiwasan.
PAGBIBIGAY-KATAUHAN
(PERSONIPIKASYON)
paglilipat ng katangian ng tao sa mga walang buhay.
Ang mga bagay ay itinuturing na parang tao na may
damdamin at kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng
kalungkutan o kaligayahan at nag-iisip na parang tao.
•Ang bulong ng hangin ay may dalang lagim.
•Masipag na lapis.
•Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
•Pati daho’y nagsisayaw nang siya ay
manalo.
PAGMAMALABIS
(HAYPERBOLE)
pagpapasobra sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag. Ginagamit ang
pagmamalabis sa mga pagpapahayag na kaugnay ng
matitinding damdamin.
• Dumanak ang dugo nang sila ay nagsuntukan.
• Namuti ang buhok kakahintay sayo.
• Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.
• Umuulan ng dolyar nang dumating ang kanyang
ina.
PAGTANGGI

Kadalasang pinangungunahan ng salitang “Hindi” o “di”.


Subalit ito’y upang magpahayag ng pagsang-ayon sa sinasabi o
upang bigyan ng diin ang makahulugang pagpanig sa
katotohanan ng sinasabi.
• Hindi sa madamot ang mayamang donya, ayaw niya lang ng
pag-aaksaya.

• Di sa pagyayabang, kami ay mayaman.


• Hindi sa pagmamalinis ngunit di ko kayang gawing
manloko.
PAGPAPALIT-SAKLAW

pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang


katapat ng kabuuan. Maaaring ang kabuuan naman ng isang
bagay ang katapat ng isang bahagi.
• Libu-libong kaluluwa ang dumalo sa parada.
• Matatalas na tainga ang humagip ng balita.
• Ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa pamamahay na
ito!

• Sumalubong sa kriminal ang mga matang matatalim.


PAGPAPALIT-TAWAG

karaniwang ginagamit sa pagpapalit ng pagtukoy o


pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y isang uri
ng tayutay na nagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na
tinutukoy.
• Napag-aralan namin si Rizal noong nakaraang semestre.
• Igalang ninyo ang mga taong puting buhok.
• Si Eda ang nagmana ng korona.
• Siya ay pumapanig sa mga pulahan.
ONOMATOPEYA
paggamit ng mga salitang ang tunog ay
taglay ng kaisipan at kahulugan nito.
•Umingiyaw ang pusa.
•Langit-ngit ng kahoy
•Dagundong ng kulog
ALITERASYON
pag-uulit ng magkakatulad na mga tunog na
katinig sa magkakasunod at makakalapit na salita.
• Botika, bituka, butiki
• minaniko ni Monika ang makina ni Moniko
• Kaskas, kiskis, kuskus
PANG-UYAM
ipinahihiwatig sa paraan ng tono ng pagsasalita .
Ito’y isang pangungutya sa tao, bagay o pangyayari.
Ang pamamaraan ay tila baga pumupuri sa simula
subalit lilitaw rin ang nais ipahayag na isang pag-
aalipusta o pamimintas.
• Ang bango naman ng bunganga mo, pamatay.
• Ang ganda naman ng damit mo pampatay.
• Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na
gumigiray at kay rami pa ng ipis.

• Kay talino ng babaeng nagpapaloko sa kanyang kasintahan.


PAGSAGUSAY
Pagpapahayag ng retorikal na katanungan na
pumupukaw ng isip at umaantig ng damdamin. Hindi
humihingi ng tandisang katugunan.
• Bakit kailangang tiisin ang lahat ng ito?
• Saan nagkamali ang martir?
• Paano niya ipapaabot ang mensahe?
PORMASYON NG MGA
SALITA

salitang-ugat
panlapi
Salitang-ugat
ang salitang ugat ay salitang buo ang kilos.
ito’y mga salita na nakakatayong mag-isa na
may taglay na kahulugan.
• Lakad, alis, sayaw, kain, ganda
MGA PANLAPI
UNLAPI

ito ay mga panlapi na ikinakabit sa


unahan ng salitang-ugat. a, mag, pag, pang,
atpb.
Mahusay, palabiro, tag-ulan, makatao,
malaki
GITLAPI

ito ay panlapi na ikinakabit sa gitna ng salitang-


ugat. –in-, -um-,
Lumakad, tinalon, sinagot, pumunta, binasa.
HULAPI

ito’y mga panlapi na ikinakabit sa hulihan


ng salitang-ugat. –an, -han, -in, at –hin.
Talaan, aralin, punahin, sulatan
KABILAAN

ito’y mga panlapi na ikinakabit sa unahan at


hulihan ng salitang-ugat.
Kagandahan, namulatan, inalayan, nasabihan
LAGUHAN

ito’y mga panlapi na ikinakabit sa unahan,


gitna, at hulihan ng salitang-ugat.
Magdinuguan, pagsumikapan,
Ipagsumigawan
MGA TAMBALANG SALITA

TAMBALANG GANAP
TAMBALANG DI-GANAP
TAMBALANG GANAP

dalawang salitang pinagsama na nagkakaroon ng


ibang kahulugan.
Bahaghari, amoy-lupa, balat-sibuyas, tengang-kawali,
sirang plaka
TAMBALANG DI-GANAP

dalawang salita na kapag pinagtambal ay di


nawawala ang kahulugan.
Anak-mayaman, silid-aklatan, bahay-kubo,
bungangkahoy
PAGBABALIGTAD
1. Buong salita
bata-atab
maganda-adnagam
bahay-yahab
2. Pagpapantig
pulis-lespu kotse-tsikot
tigas-astig taksi-sitak
PAGGAMIT NG AKRONIM
1. gg – galunggong
ksp- kulang sa pansin
pg- patay-gutom
tl- true love
2. RADAR – Radio Detection and Range
BCSI –Brokenshire College of Socksargen Incorporated
PANGHIHIRAM NG MGA SALITA
SA KASTILA
ventana – bintana chinela-tsinelas
pizarra – pisara cuchillo – kutsilyo
SA INGLES
reporter – reporter nurse-nars
technical – teknikal development - debelopment
PAGSUSULIT
I. Ibigay kung anong uri ng tayutay ang nailahad sa
bawat bilang.

• TIGRE KUNG MAGALIT.


• ANIMO’Y IMPYERNO ANG DARAANAN MO.
• HINDI NAIS NG BUKID NA SIYA AY MATIWANGWANG
• KABUNDOK NA LABAHAN
• SINO ANG LILINAW NG KATOTOHANAN?
• NAKAKITA AKO NG DALAWANG ULO SA KANILANG BAHAY.
• PINAG-ARALAN NAMIN SI RIZAL.
• KALUSKOS NG DAHON
• NAKAKATAKOT, NAKAKAIYAK AT NAKAKAINSPIRE ANG NAKITA NAMIN NI
NENYA.

• DI SA PAGYAYABANG AKO AY MAGANDA.


II. Ibigay ang pormasyon ng
salita
1. maganda
2. humiyaw
3. pinagsumikapan
4. kaibigan
5. laruan
Iii. Uriin kung ito ay tambalang salita (ganap o di
ganap), pagbabaligtad, paggamit ng akronim, o
panghihiram ng salita.
• NFA
• ANAK-PAWIS
• ECNALUBMA • DOH
• KOMPYUTER • TOMJONS
• ISIP-BATA • AWDITORYUM
• MATANGLAWIN • SSS
• Tigre kung magalit.
(PAGWAWANGIS O METAPORA)

• Animo’y impyerno ang daraanan mo.


(PAGTUTULAD)

• Hindi nais ng bukid na siya ay matiwangwang


(PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON)

• Kabundok na labahan
(PAGMAMALABIS)
• Sino ang lilinaw ng katotohanan?
(PAGSAGUSAY)

• Nakakita ako ng dalawang ulo sa kanilang bahay.


(PAGPAPALIT-SAKLAW)

• Pinag-aralan namin si Rizal.


(PAGPAPALIT TAWAG)

• Kaluskos ng dahon
• (ONOMATOPEYA)
• Nakakatakot, nakakaiyak at nakakainspire ang nakita namin ni nenya.
(ALITERASYON)
• Di sa pagyayabang ako ay maganda.
(PAGTANGGI)
• Maganda
Maganda (unlapi)

• Humiyaw
Humiyaw (gitlapi)

• Pinagsumikapan
Pinagsumikapan (laguhan)

• Kaibigan
Kaibigan (kabilaan)

• Laruan
Laruan (hulapi)
• NFA
NATIONAL FOOD AUTHORITY (AKRONIM)

• ANAK-PAWIS
ANAK NG MAHIRAP (TAMABALANG GANAP)

• ECNALUBMA
AMBULANCE (PAGBABALIGTAD)

• KOMPYUTER
(PANGHIHIRAM)

• ISIP-BATA
BATA MAG-ISIP (TAMBALANG DI GANAP)
• MATANGLAWIN
MATALAS NA PANINGIN (TAMBALANG GANAP)

• DOH
DEPARTMENT OF HEALTH (AKRONIM)

• TOMJONS
GUTOM (PAGBABALIGTAD)

• AWDITORYUM
(PANGHIHIRAM)

• SSS
SOCIAL SECURITY SYSTEM (AKRONIM)

You might also like