You are on page 1of 19

KAKAYAHANG

DISKORSAL
Diskurso
“pag-uusap at palitan ng kuro”

-UP Diksiyonaryong Filipino (2010)


Kakakayahang Diskorsal

-kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak
na wika.
DALAWANG KARANIWANG URI NG
KAKAYAHANG DISKORSAL

1. kakayahang tekstuwal
2. kakayahang retorikal
Kakayahang Tekstuwal
Kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at pag-
unawa ng iba’t ibang teksto
Kakayahang Retorikal

Kahusayan ng isang indibidwal na


makibahagi sa kumbersasyon.
DALAWANG PANUNTUNAN SA
PAKIKIPAGTALASTASAN

•Pagkilala sa pagpapalitan ng
pahayag
•pakikiisa
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
kataga gaya ng pa, ba, naman, nga,
pala at iba pa.
Hal:
May ulam ba?
May ulam pa.
May ulam pa ba?
May ulam nga pala
May ulam naman pala.
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
panuring – napahahaba ang
pangungusap sa tulong ng mga
panuring na na at ng.
Hal:
Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
Siya ay anak na bunsong babae.
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento – komplemento;
bahagi ng panaguri na nagbibigay ng
kahulugan sa pandiwa.
URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA
a. Komplementong tagaganap –isinasaad
ang gumagawa ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang ng, ni
at panghalip
Hal:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
Ibinalot ng kanyang kaibigan ang mga tirang
pagkain.
URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA
b. Komplementong tagatanggap –
isinasaad kung sino ang nakikinabang sa
kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol
na para sa, para kay, at para kina.
Hal:
Naghanda ng regalo si Thea para sa
kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay
Jave.
URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA
c. Komplementong ganapan – isinasaad
ang pinangyarihan ng kilos.
-sa at mga panghalili nito.
Hal:
Namamalagi sila sa evacuation area.
Namamalagi sila rito.
Namamalagi sila roon.
URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA
d. Komplementong sanhi – isinasaad ang
dahilan ng pangyayari o ng kilos.
- dahil sa o kay at mga panghalili rito.
Hal:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa
pagkalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan si
Michelle.
URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA
e. Komplementong kagamitan – isinasaad
ang instrumenting ginamit upang
maisakatuparan ang kilos.
-sa pamamagitan ng at mga panghalili
rito.
Hal:
Sa pamamagitan ng internet, napapabilis ang
pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
pagtatambal – napagtatambal ang
dalawang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga pangatnig na
at, ngunit, datapwat, subalit, saka,
at iba pa.
Hal:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at
nagtitinda sa palengke ang kaniyang ina.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang
mataas ang kaniyang marka sa mga pagsusulit.

You might also like