You are on page 1of 2

Kwentong pag ibig

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na


nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa
pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing
damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa
estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy
ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking
kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining.
Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong
mga pelikulaat tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting
sikat o musikang pop.

Kwentong kaibigan
Ang kaibigan ay isang uri ng tao na maaari mong hilingan ng tulong
sa oras ng pangangailangan. Kabaligtaran ito ng isang kaaway. Ang
kaibigan ay isang uri ng tao na laging naka agapay sa iyo.

Kwentong pamilya
Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na
magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa
pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan. Mahalaga
ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming
pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang kasapi nito.
Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.

Kwentong kalikasan
Ang kalikasan ay ang lahat ng bagay na natural at katutubong mula
ito sa mga kababalaghang nagaganap sa pisikal na mundo, at maging
sa buhay din. Ang mga bagay gawa ng tao at ang pakikihalubilo ng tao
ay hindi itinuturing na bahagi ng kalikasan maliban na lamang kung
itutukoy ito bilang kalikasan ng tao.

You might also like