You are on page 1of 1

Kaya mo bang mabuhay ng mag-isa at walang kausap? Bakit?

‘’no man is an island’’ yan ang sikat na kasabihan sa ingles kung saan
ipinakakahulugan nito na kailanman ang tao ay hindi mabubuhay ng mag-isa lamang.
Maging ako rin ay hindi ko makakaya na mabuhay na mag-isa at walang kausap
dahil nanininwala ako na mas masarap at mas masayang mabuhay sa mundo na may
tao o mga tao akong makakasama araw-araw. Hindi mahalaga kung marami o nag-iisa
lamang ang taong yon basta ang importante ay mayroon akong maituturing na kaibigan,
makakausap sa tuwing ako ay mag-isa, makakaramay kapag ako ay malungkot, at higit
sa lahat ay masasandalan ko sa oras ng aking kailangan. Mahalaga rin na mayroon
akong laging kasama at kausap, lalo na iyong susuporta sa akin sa pagharap ko sa
buhay at magsisilbing inspirasyon ko narin sa pag-abot ng aking mga pangarap. Higit
sa lahat ay iyong tutulong sa akin sa oras ng aking pangangailangan at gagabay narin
sa akin kapag ako ay naliligaw sa maling landas.
Bagama’t sinasabi nila na dapat tayong matutong tumayo sa sarili nating mga
paa, at nasusukat ang katatagan ng isang tao sa pagharap sa mga pagsubok na
dumarating sa kanyang buhay ng mag-isa, mas masaya parin iyong mayroon kang
makakasabay habang ikaw ay naglalakad, makakasalo sa pagkain at
makakakwentuhan habang ikaw ay nag-iisa.
Sabi nga nila, ‘’the more, the merrier!’’

You might also like