You are on page 1of 1

Ang operant conditioning ni B.F Skinner ay isang maaring susi upang malutas ang suliraning ito.

Masasabing ang buhay ng mag-aaral ay nakasalalay sa paraan ng pagtuturo ng guro. Sila ang may
pinakamalaking gampanin na dapat gawin upang maisakatuparan ang pagbabago sa mga maling
kasanayan ng mga mag-aaral. At dahil sakagustuhan na ito nagsasagawa na ng ilang pananaliksik ang
mga mag-aaral sa bansa o labas man nito.

Batay sa pag-aaral ng “Analysis on Student’s Late-Coming Factors in Selected Secondary School in


Zaria: Implications for Educational Managers” ni Abubakare M. Jumare et. al. (2015), ang “punctuality”
ay ang kaluluwa ng isanh hanap-buhay at wala nang mas hahalaga pa sa “punctuality” pagdating sa pag-
aaral (Ezewu, 1982). Ang “punctuality” ay maaaring makita sa dalawang dimensyon, yun ay ang
pagpasok sa tamang oras at pag-uwi sa tamang oras. Ang ugaling “punctuality” ay parehong
responsibilidad ng bawat guro at mag-aaral. Ang mga guro’y di maaaring makapagtrabahokumg walang
mag-aaral at gayon din kung babaliktarin. Matutulungan ang mag-aaral ng kanilang “punctuality” upang
magkaroon ng opurtunidad na sila’y makadalo sa bawat programa ng kanilang paaralan at mga
aktibidad.

Ayon kay Philip C. Chua, M.D. (2007) sa kanyang artikulong “The Filipino Time Syndrome” sa
tuwing naririnig niya ang tanyag na palusot o deskripsyon na “Filipino Time” ay nakakadama siya ng
napakalalang pang-iinsulto sa kanyang kapwa, kahit na na ang generalisasyon ay madalas na masambit
ng kanyang kapwa Pilipino. Para matanggap ang paratang na nag tardiness ay isang katangian na ng mga
Pilipino simula ng sila’y isinilang dapat nating pagsabihan ang ating kapwa o ating aminin na tayo ay
hindi pa sapat na disiplinado ukol sa ating kultura, na bastos ang ating lipunan at para bang walang
kabihasnan.

You might also like