You are on page 1of 3

University Of Perpetual Help System DALTA 1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Lahat ng kabataan ay gusting makatulong sa kani-kanilang pamilya para


maiwasan ang kahirapan. Hindi lahat ng estudyante ng Pilipinas ay ipinanganak
na mayaman. Lahat ng magulang ay naghihirap sa pagtatrabaho para sa
edukasyon ng anak. Kaya nagiging isa ang dahilang ito kung bakit marami tayong
nakikilalang working student sa ating bansa. Lahat ng klase ng mabababang
trabaho ay pwedeng pasukan ng mga estudyante para makahanap buhay para sa
pamilya at sa sariling gastusin. Lahat ng kabataan ay dapat mag aral, ngunit hindi
lahat ay kayang makapag aral dahil sa pinansyal na problema ng pamilya.
Masasabing mataas ang bilang ng kahirapan sa Pilipinas kaya mas madami ang
bilang ng estudyante sa mga pampublikong paaralan at doon mas maraming
matatagpuang working students. Ang lahat ng estudyante ay nag-aaral dahil sila
ay may pangarap. Ngunit sa pag-aaral at gastusin pa lamang sa paaralan ay
nahihirapan na sila dahil hindi lang dito umiikot ang kanilang buhay.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na “Pagtataya sa epekto ng pagiging Working Student sa


pag-aaral ng mga piling mag-aaral ng SHS sa UPHSD-LP” ay naglalayong
masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang adbentahe ng pagiging working students?

- Ayon kay Salma, S,. Isang magandang paraan upang maging responsable at
marunong tumayo sa sarili ang isangmag-aaral ay sa pamamagitan ng
pagtatrabaho o pagiging
working student. Sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho, lumalawak ang
karanasan ng mag-aaral at hindi nalilimitahan sa paaralan. Ayon sa isang pag-
aaral, nakakatulong ang pagtatrabaho ng maaga satagumpay ng mag-aaral dahil
nagagawa nitong paunlarin ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamahala ng
kanyang oras, sa pagpapauna ng gawain at pakikisama sakapwa. Sila ay kadalasan
nagigingmatagumpay sa mga ginagawa nila dahilan na rin sa pagkatuto nila
mamahala ngoras nila at kung ano ang dapat unahin. Ayon naman sa ilang
mananaliksik “ang mag-aaral na may naiambag para sa kanilang
sarilingedukasyon ay mas nagpapahalaga sa kanilang pag-aaral (Hampton, 2001).
Nagpapakita din sila ng pagiging magandang halimbawa at lider sa mga
estudyante. Dahil sa pagtatrabaho ay masnapahahalagahan nila ang perang kinita
nila dahil galing ito sa sarili nilang dugo at pawis.

2. Ano-ano ang epekto ng pagiging working student?


University Of Perpetual Help System DALTA 2

-Ayon kay Reich Gabrielle Villeroz. Ang pangengempleyo habang nag-aaral ay


pwedeng makapagpataas ng marka kung ang trabaho ay nagpapakilala ng mga
aspetong pang-akademiya. Katulad ng pagiging masipag, pagbabalanse ng oras.
Ngunit maaring maging sanhi ito ng hindi magandang resulta sa marka ng
estudyante dahil sa kakulangan ng oras at enerhiya na pwedeng gugulin sa pag-
aaral kung ito ay working student. Dahil sa pagod, kadalasang inaantok ang mga
mag-aaral pagdating ng klase. Kadalasangidinadaan na lamang nila ito sa pag-
inom ng bitamina at pagkakaroon ng mentalidad na walangmangyayaring
masama.

Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay binuo upang alamin ang kahalagahang dulot ng paksa
sa iba’t ibang aspetong kinasasaklawan nito. Tinutukoy ng naturang pag-aaral ang
kabutihang dulot at benipisyo ng paksa sa mga sumusunod:

Layunin ng aming grupo na malaman ang dahilan kung bakit nag hahanap
buhay/trabaho ang mga studyante ng UPHSD upang mag karoon ng sapat na
kaalaman sa kanilang pagtratrabaho at sa kanilang mga karanasan. Nais din
naming malaman kung ito pa kaya ay nakakatulong sa mga working students ng
UPHSD.
Alam naman nating lahat na mataas ang lebel ng kahirapan sa Pilipinas, kaya sa
panahon ngayon hindi imposible na magkaroon tayo ng isang mag-aaral na
working student, nang dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Para matustusan ang
kanilang pinansyal na pangangailangan.

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Global at Lokal

Sa bahaging ito nakapaloob ang iba't ibang pag-aaral at literatura sa loob


at labas ng bansa na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik. Sa
pamamagitan ng paghahambing ng mga nakuhang kaugnay na pag-aaral at
literaturang lokal at global ay malalaman kung ito ba ay makakatulong sa pag-
aaral. Ang mga sumusunod na kaugnay na pag-aaral at kaugnay na literatura ay
maaaring pagtibayin ang pananaliksik na ito o kaya naman ay pasusubalian
lamang o hindi makakatulong sa isinagawang pag-aaral.

Konseptuwal na Balangkas

Sa bahagi ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output model upang


maipakita ang proseso sa pag-aaral na ito. Sa input, dito inilalahad ang personal
na impormasyon ng bawat respondente. Sa process naman ay inilalahad kung
paano at ano an gaming ginawa upang makapag bigay impormasyon sa pag-aaral
University Of Perpetual Help System DALTA 3

tungkol sa mga working students. Sa output naman ay malalaman ang bawat


dahilan at resulta sa kanilang pagtatrabaho habang nag-aaral.

INPUT PROCESS OUTPUT

Impormasyon ng
mga respondente: Mga dahilan at
Pag interbyu
resulta bilang
Edad Survey
isang estudyante
Pangalan Dokumentasyon
na nagtatrabaho.
Kasarian
Kaugalian

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Katuturan ng mga Katawagan

BILINGGWAL . Paggamit ng dalawang (2) magkaibang wika.

You might also like