You are on page 1of 5

SENIOR

KARANASAN NG MGA NAGTATRABAHONG MAG-AARAL NG

MAKILING INTEGRATED SCHOOL PANURUANG TAON 2019-2020

Isang pananaliksik na Isinumete sa

Kagunian ng Departamento ng Senior High School

Makiling Integrated School

Calamba, Laguna

Isang kahingian para sa Titulo ng

Pagbasa at Pagsulat

Abanto, Elane May A.

Caguioa, Cris Jun Mark T.

Vivas, Baby Nicole C.

Marso 2020

1
SENIOR

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Panimula, Teoritikal na

Balangkas…….

Panimula

Maraming mag aaral ang kapos sa buhay, kaya mas pinipili na lang

pag- sabayin ang pag-aaral at pag-tatrabaho upang mapunan o makatulong

sa kanilang pamilya at sa kanilang pag-aaral. Maswerte ka na lang kung

mayaman ang pamilya mo o laging andyan ang mga magulang mo na

handang tumulong sa lahat ng bagay at mga pangangailangan mo. Bilang

isang working student kailangan mong igugol ang iyong panahon sa trabaho

at sa pag -aaral ng iyong leksyon sa paaralan. Ang edukasyon ay ang

proseso ng pagkatuto ng isang indibidwal sa isang institusyon o paaralan.

Ayon nga sa isang kilalang salawikain mula sa ating pambansang bayani na

si Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, subalit paano na

ang mga kabataang sa murang edad pa lamang ay kinakailangan nang

magtrabaho kasabay ng pag-aaral. Sa panahon ngayon, hindi nabago ang

makatagpo tayo ng mga mag-aaral na mas kilala sa tawag na working

student sa iba’t ibang kadahilanan. Para makapagtapos sila ay kailangan pa

nilang magtrabaho upang masuportahan ang kanilang edukasyong pang-

pinansyal. Karamihan sa ating mga lumang salawikain ang nag sasabi na ang

2
SENIOR

edukasyon ay ang makapag-aangat sa atin mula sa kahirapan, Ano man ang

maaring kahantungan ng isang working student atin itong alamin sa ating

pananaliksik.

Ayon kay Villanueva (2004) ang patuloy na pagtaas ng mga

gastusin gaya na lamang ng tuition fee ang pangunahing dahilan kung

kaya naman pinagsasabay ng mga estudyante ang pag-aaral at

pagtatrabaho. hindi maitatanggi na edukasyon ang isa sa

pinakamahalagang kayamanan ng mga tao. Ito ang tanging pamana ng

mga magulang sa kanilang mga anak na hindi basta- bastang

makukuha ng kahit sino man. Ito rin ang nagbibigay ng lakas ng loob na

humaharap sa ibang tao dahil nagkakaroon ng tiwala sa sarili kung ikaw

ay may kaalaman. Ngunit sa panahon ngayon, nasa kaisipan ng tao na

kailangang makapag-aral ka upang maging matagumpay sa buhay, at

higit sa lahat kailangang makapagtapos ng kolehiyo, ito nga marahil ang

nag-uudyok sa karamihan ng mga mag-aaral sa kolehiyo na pumasok bilang

isang working student. Ito ang dahilan kung bakit pag-aaralan ng mga

mananaliksik kung ano ang epekto ng pagtatrabaho sa pag-aaral ng mga

ilang mag-aaral.

Ayon kay Orszag (2001) mayroong dalawang klase ng nagtatrabahong

mag-aaral o working student: ang part time at ang full time working

student. Ang part time working student ay mga estudyanteng

3
SENIOR

naghahanap buhay na mas binibigyan ng halaga ang pag- aaral.

Karaniwan ng nagtatrabaho ang mga ito ng mahigit kumulang sa 10 oras

sa isang 1 linggo. Itinuturing nila ang sarili nila bilang mga “mag-aaral na

nagtatrabaho” (Student who work). Ang full time working student naman ay

mga estudyanteng naghahanap buhay din pero mas tinutuunan ng pansin

ang pagtatrabaho. Ang mga ito ay kadalasang naglalaan ng mahigit

kumulang 20 oras kada linggo. Sila ang mga “empleyado na nag- aaral”

(Workers who study).

Teoritikal na Balangkas

4
SENIOR

BIBLIYOGRAFIYA

A. Aklat

B. World Wide Web (Internet)

https://www.coursehero.com/file/17816184/3Filbas-Final-Thesis/

You might also like