You are on page 1of 5

SENIOR

Karanasan ng mga Nagtatrabahong Mag-aaral ng (MIS)


2019-2020

1
SENIOR

CHAPTER 1

INTRODAKSYON

Alam naman nating lahat na maraming mag aaral ang kapos sa buhay, ang pag-
aaral at ang ilan sa kanila ay pinag sasabay ang pag-aaral at pag tatrabaho upang
mapunan o makatulong sa kanilang pamilya at sa kanilang pag-aaral. Lahat tayo ay
may karapatan sa ating buhay. Sa mga kabataan, may mga
karapatan sila tulad na lamang ng pagkakaroon ng pangalan, maayos na kalusugan,
makapag-laro, makapag-aral, at marami pang iba.
Edukasyon, ano ba ito? Ang Edukasyon ay ang proseso ng pagkatuto ng isang
indibidwal sa isang institusyon o paaralan Ayon nga sa isang kilalang salawikain mula
sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”, subalit paano na ang mga kabataang sa murang edad Pa lamang ay
kinakailangan nang magtrabaho kasabay ngpag-aaral.
Sa panahon ngayon, hindi nabago ang makatagpo tayo ng mga mag-aaral na
nagtatrabaho o mas kilala sa tawag na “working students” sa iba’t-ibang kadahilanan.
Para sa kanila, para makapagtapos sila ay kailangan pa nilang magtrabaho upang
masuportahan ang kanilang edukasyong pang-pinansyal. Anu-ano nga ba ang mga
tunay na dahilan ng mga kabataang mag-aaral upang maagang maghanap-buhay?
Dahil nga basa kahirapan? Dahil ba sa gustong masubukan ang mga bagay-bagay na
hindi panararanasan? O dahil sa iba pang mas malalim na dahilan?Sa mga
pagkakataong ganito, oras ang isa sa magiging kalaban ng mga mag-aaral
na nagtatrabaho. Paano nila ito kahaharapin? Bakit pa nila ito pinagpapatuloy? Anu-
anoang mga nag-udyok sa kanila? Ang paghahanap-buhay habang nag-aaral. Anu-ano
nga ba ang mga epekto nito?Karamihan sa ating mga lumang salawikain ang nag
sasabi na ang edukasyon ay ang makapag-aangat sa atin mula sa kahirapan, kaya nga
ganoon na lang siguro napipilitan magtrabaho ang ibang mag aaral. Kakayanin kaya
nila ang ganito? Makakatulong ba ito o magdudulot din ito ng panibagong suliranin?
Alinman rito sa dalawang ito ang maaring kahantungan ng isang working student,
atin itong alamin sa ating pananaliksik. At Hindi maitatanggi ng edukasyon ang isa
sa pinakamahalagang kayamanan ng mga tao. Ito ang tanging pamana ng mga
magulang sa kanilang mga anak na hindi basta- bastang makukuha
kaninuman. Ito rin ang nagbibigay ng lakas ng loob na humaharap sa ibang tao
dahil nagkakaroon ng tiwala sa sarili kung ikaw ay may kaalaman. Ngunit sa
panahon ngayon, nasa kaisipan ng tao na kailangang makapag-aral ka upang
maging matagumpay sa buhay, at higit sa lahat kailangang makapagtapos ng
kolehiyo, ito nga marahil ang nag-uudyok sa karamihan ng mga estudyante sa
kolehiyo na pumasok bilang isang working student. Ito ang dahilan kung bakit pag-

2
SENIOR

aaralan ng mga mananaliksik kung ano ang epekto ng pagtatrabaho sa pag-aaral ng


mga ilang mag-aaral. At mayroon dalawang klase ng nagtatrabahong mag-aaral o
working student: ang part time at ang full time working student. Ang part time
working student ay mga estudyanteng naghahanap buhay na mas binibigyan ng
halaga ang pag- aaral. Karaniwan ng nagtatrabaho ang mga ito ng mahigit
kumulang sa 10 oras sa isang 1 linggo. Itinuturing nila ang sarili nila
bilang mga “mag-aaral na nagtatrabaho” (Student who work). Ang
full time working student naman ay mga estudyanteng naghahanap
buhay din pero mas tinutuunan ng pansin ang pagtatrabaho. Ang
mga ito ay kadalasang naglalaan ng mahigit kumulang 20 oras kada
linggo. Sila ang mga “empleyado na nag- aaral” (Workers who
study).

3
SENIOR

4
SENIOR

You might also like