You are on page 1of 4

ISANG PAG-AARAL: SALIK NG PAGIGING HULI SA KLASE AT

EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG ASPETO

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Walang taong ipinanganak na mayroon nang kaalaman. Kaya naman
nararapat na mag-aral ang isang taou pang matuto. Ang edukasyon ay mahalaga
sapagkat ito ang susi sa pagkamit ng ating mga minimithing pangarap. Ngunit ang
pag-aaral ay hindi basta-basta sapagkat ito ay isang proseso. At nakakalungkot
isipin na dahil sa kawalang disiplina ng isang mag-aaral ay maaring maglaho ang
lahat ng kanilang pinaghirapan.

Kung hindi mag-aaral ng maayos at mabuti ang mga estudyante, hindi ito
magiging epektibo. Sa panahon ngayon, maraming kinakaharap na problema ng
mga mag-aaral na nakahahadlang sa maayos na pagkatuto. Ilan sa mga ito ay ang
wastong paggamit ng oras nila, pagpapaliban sa mga gawain hanggang sa huling
minuto, pagliban sa klase at ang pinakakaraniwan ay ang pagiging huli sa klase.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging huli kaya may tinatawag
tayong“Filipino time”. Ngunit ang kaugalian na ito ay hindi dapat pinaiiral ng
mga estudyante sa paaralan. Kung dadalhin nila ito hanggang sa paglaki, maari
itong makaapekto sa kanilang hinaharap. Ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan.” Ngunit paano mangyayari ito kung mas pinipili ng mga
kabataan ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan.

Mapapansin na karamihan sa mga mag-aaral ng FIDELIS ay madalas na


nahuhuli sa klase. Ang pagiging huli sa klase ay hindi isang sakit bagkus ay isang
kasanayan at katamaran. (Ellis Mika Triño) Mayroong iba’t-ibang dahilan ang
mga mag-aaral kung bakit sila madalas na huhuli. Mayroong sapat na dahilan at
ang iba naman ay hindi katanggap-tanggap. Ilan sa kadalasang idinadahilan ng
mga estudyante ay mabagal na pag-usad ng mga sasakyan, napuyat sa paggawa
ng proyekto sa isang asignatura, nahuli sa paggising at iba pang samu’t-saring
dahilan. Nararapat na bigyang-pansin ng mga mag-aaral ang epekto nito hindi
lang sa mga gagawin nila kung hindi pati narin sa kanilang akademikong aspeto.
Dahil sa pagiging huli sa klase, ang mga mag-aaral ay may nakakaligtaang
leksyon, nagkukulang sa mga aktibidad at bumababa ang grado. Ang mga ito ay
nagiging dahilan upang bumagsak ang isang mag-aaral sa alinmang asignatura.

Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral na sa tuwing mahuhuli sa klase ay


nananakawang kanilang magandang kinabukasan. (CaniceRenziePayas) Ang oras
ay mahalaga sapagkat kapag ito’y lumipas na, hindi na ito maibabalik pa. Kaya
naman, nararapat na matutunan ng mga estudyante na pahalagahan ang kanilang
oras at disiplinahin ang kanilang sarili upang sa huli ay hindi sila magsisi.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga estudyante ang epekto ng pagiging


huli sa klase sa kanilang moral at akademikong aspeto. Maipauunawa ng tesis na
ito na dapat maging responsable at disiplinado ang mga estudyante sa pagpasok sa
kanilang paaralan. Malalaman ng paaralan at mga guro ang mga dahilan kung
bakit madalas mahuli sa klase ang kanilang mga mag-aaral.

Maipababatid nito sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagdating sa


tamang oras sa paaralan o alinmang pupuntahan. Para naman sa mga respondente,
Malaya silang makapagbibigay ng kanilang ideya at opinion ukol sa mga epekto
ng pagiging huli sa klase.

Mahahasa ng mga mananaliksik ang kanilang kakayahan sa pakikipag-


komunikasyon sa iba sa pamamagitan ng pagsasarbey at mas mapapalawak nito
ang kanilang kaalaman. Ang tesis na ito ay maaaring magsisilbing reperensiya ng
mga susunod pang pag-aaral na may kaugnayan dito.
Layunin ng Pag-aaral

Ang tesis na ito ay may tatlong layunin:

1. Makapagbigay kaalaman ukol sa epekto ng pagiging huli sa klase ng


mga estudyante sa kanilang moral at akademikong aspeto;
2. Maipabatid ang kahalagahan ng pagdating sa tamang oras sa alinmang
pupuntahan;
3. Masagot ang ilang katanungang kaugnay sa pagiging huli sa klase
upang matulungan ang mga estudyante na maiwasani to at hindi
makasanayan.

Paglalahad ng Suliranin

Hindi maikakaila na parte na ng buhay estudyante ang pagiging huli sa


klase. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng pagiging huli sa
moral at akademikong aspeto ng isang mag-aaral.

Binibigyang pansin din ng tesis na ito na masagot ang ilang katanungang


kaugnay sa isyu na ito. Tulad ng:

1. Ano ang mga personal na salik ng mga tagasagot sa mga sumusunod:


1.1 Edad;
1.2 Kasarian at
1.3 Strand
2. Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa salik ng pagiging huli sa klase:
2.1 Personal na Isyu
2.2 Sosyal na Isyu
3. Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa epekto ng pagiging huli sa
klase sa akademikong aspeto:
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga dahilan ng pagiging huli sa klase


at epekto nito sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral ng FIDELIS Senior High
School. Ang pagtitipon ng impormasyon at iba pang detalye ay isasagawa sa First
Asia Institute of Technology and Humanities sa kasalukuyang panuruang taon.

Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng pananaw at saloobin ng


mga respondent. Ang bilang ng respondent ay nilimitahan hanggang isangdaang
katao at mas bibigyang pansin ang mga mag-aaral na may kaalaman sa paksa o
mga estudyante na mas madalas mahuli sa klase. Dahil sa mga ito ay mas
mapapagtibay ang pananaw sa nabanggit na suliranin. Isasaalang-alang din ang
opinyon ng bawat mag-aaral upang maging balance ang isinasaad sa datos.

You might also like