You are on page 1of 5

KABANATA I

Kaligiran ng Pag-aral

Introduksyon

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, ika nga ng ating pambansang bayani na si Jose

Rizal. Upang maisakatuparan ang pahayag na ito, kinakailangan na ang kabataan ay

mayroong sapat na kaalaman at kasanayan. Ang kaalaman at kasanayan na ito ay magiging

posible lamang kung ang bawat kabataan ay mayroong maayos na edukasyon. Bagamat ang

gobyerno ay may obligasyon na magbigay ng kalidad na edukasyon, tungkulin naman ng

kabataan ang mag-aral upang makatulong sila sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Madaming salik ng lipunan ang dapat ikonsidera sa pag-aaral, iilan dito ay ang

kakayahang pinansyal, kagustuhan ng mag-aaral sa kanyang paaralan, kagiliwan ng mag-

aaral sa kanyang mga kaklase, kagalingang intelektwal at pisikal, at marami pang iba.

Datapwat, hindi na rin maiiwasan na sa kalagitnaan ng pag-aaral ng mga kabataan ay aabutin

sila ng kawalan ng interes sa pagpapatuloy sa pag-aaral. Sa kasalukuyan at maging sa

nakaraan, kapansin-pansin na maraming kabataan ang nawawalan ng wisyo o interes na mag-

aral ng mabuti, nakakaranas ang ilan ng hirap sa pagharap sa mga balakid na kailangan nilang

tawirin (Aranza, 2019).

Sa modernong kapanahonan ngayon, hindi maikakailang isa sa mga lubos na

nakakaapekto sa pag-aaral ng kabataan ang makabagong teknolohiya tulad ng mga gadyets

(Cason, 2017). Masyadong nagiging lulong ang mga mag-aaral sa paggamit ng selpon at

kompyuter hanggang sa napapabayaan na nito ang kanyang pag-aaral at nakapokus na

lamang sa paglalaro o kung anumang kinagigiliwan nitong gawain sa social media. May iilan

namang naniniwala na ang pisikal na kalagayan ng paaralan o ng silid-aralan ay isa ring


dahilan sa pagkawala ng interes ng mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Kung malayo, mainit,

magulo, maliit o madumi ang silid-aralan ay nawawalan ng gana ang mag-aaral na dumalo sa

klase sapagkat hindi ito kumportable para sa kanila. Isa ring nakikitang dahilan ng karamihan

ay ang kakulangan sa suportang pinansyal mula sa kanilang mga magulang kaya nawawalan

na lang ng gana ang mga mag-aaral dahil hirap na rin silang isipin kung papaano nila

matutustusan ang pagpapatuloy nila sa pag-aaral.

May mga pagkakataon ding nababanggit na ang istilo ng pagtuturo ng kanilang mga

guro ay hindi epektibo kaya sila nawawalan ng gana na pumasok sa klase nito. Gayunpaman,

may iilang estudyante din ang inaaming dahil sa sariling katamaran ang rason kung bakit

nawawalan na sila ng interes na mag-aral.

Madaming dahilan ang pagkawala ng interes ng mag-aaral sa kanyang pag-aaral.

Maaaring ang rason dito ay emosyonal, intelektwal, pisikal o pinansyal. Ang mga interapsyon

na nakakagulo at nagpapalito sa kanilang isipan ay may malaking epekto sa kanilang

pagsasakatuparan na gampanan ang akademika (Salino, et al, 2018)


Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang epekto ng

kawalan ng interes ng mga mag-aaral ng Tunggol National High School.

Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Malaman kung anu-ano ang sanhi ng pagkawala ng interes ng mga mag-aaral sa pag-

aaral;

2. Maipaliwanag kung ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang mga sanhing ito; at

3. Matukoy kung paano maipanumbalik ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang resulta ng pananaliksik

na ito ay makakatulong sa mga sumusunod na indibidwal sa paraang mababanggit:

1. Sa administrasyon ng paaralan – upang makabuo sila ng mga programa at mga

aktibidades na makakatulong upang mabawasan ang masamang epekto ng pagkawala

ng interes ng mga mag-aaral;

2. Sa mga guro – upang makapag-isip sila ng mga paraan kung paano maiiwasan ang

mga sanhi ng pagkawala ng interes ng mga mag-aaral;

3. Sa mga magulang – upang maintindihan nila ang sitwasyon ng kanilang mga anak at

matulungan silang maibalik ang interes nila sa pag-aaral;

4. Sa mga mag-aaral – upang marinig ang kanilang mga hinaing at boses ukol sa

pagkawala ng kanilang interes sa pag-aaral nang sa gayon ay maunawaan ng lahat ang

kanilang sitwasyon; at
5. Sa mga mananaliksik sa hinaharap – upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman sa

kanilang pananaliksik na nakabatay sa magkaugnay na paksa na kanilang pinag-

aaralan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang epekto ng pagkawala ng interes ng mga mag-

aaral sa pag-aaral. Saklaw nito ang mga suhestiyon at opinyon ng mga mag-aaral ukol sa

pananaliksik na ito.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa dalawampo’t limang (25) respondente mula sa

Baitang 11 at Baitang 12 ng Tunggol National High School.


DEPINASYON NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Upang mabilis at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa nito, ang mga

sumusunod ay ang depinasyon ng mga terminolohiya batay sa paggamit nito sa pananaliksik

na ito:

1. Epekto – tumutukoy sa resulta; at

2. Interes – ang pagkagusto sa isang bagay o gawain

You might also like