You are on page 1of 3

KABANATA I

"Dahilan ng mababang marka sa mga mag-aaral sa baitang 11 sa mataas na komprehensibo ng Donsol"

Panimula

Ang mababang marka ay hindi lamang nakakaapekto sa pag-aaral ng isang indibidual, ito rin ay
nagbabago ng kanyang pananaw at pakiramdam patungkol sa pag-aaral. Sa nakaraang taon, marami ng
mga kabataang naranasan ang mga hamong ito sa kanilang buhay paaralan, kung saan ang mga mababang
marka ay naging pangkaraniwang dahilan ng kanilang hindi pagpipilit sa pag-aaral.

Ayon kay Paula Gail I. Torres base sa kanyang pasisiyat ,tatlo ang kanyang nakita dahilan sa pagbaba ng
marka sa akademiko ng mga mag-aaral Ang kakulangan sa preparasyon, kawalan ng gana at katamaran, ito
ang mga maaaring salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral.Ayon kay Torres ang tagumpay sa paaralan ay
hindi nakakamit sa pawang katalinuhan lamang. Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin
ito ipalalago? Tandaan, sa patuloy na pagdami ng ating mga nakakalap na impormasyon, mas lalo lamang
natin idinidiin ang katotohanang isang maliit na bahagi lamang iyon ng isang malawak na mundo ng
kaalaman. Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat. Lyan ay nasa kalikasan na natin bilang tao.

Ayon kay Edna Wells Handy, hindi sapat ang katalinuhan upang makapasa sa isang pagsusulit. Ang
katalinuhan, kapag ipinares sa sipag at tiyaga, ay maaaring makapagdulot ng mga dakilang bagay. Hindi
dapat mawalan ng saysay ang pag-aaral at pagbabalik-aral dahil dito tayo tunay na natututo.

Ayon kay Kohn (2014( ang mababangmarka ay maaring makabawas sa interes ng mga mag-aaral sa
pagkatuto gayun din sa kagustuhan nila nahumahamon sa sakanilang mga bagay mental nakapasidad.Ang
marka ang pinaka basi kong batayan ng performans ng isang estudyante sa klase. Iba’t-iba ang pananaw ng
mga mananaliksik hinggil sa epektong marking nakukuhang mga estudyante sa kanilang pag- aaral. Ayon
sa iba, ang mababang marka ay nag dudulot sa mga estudyante ng kawalan nila ng gana sa pag-aaral ng
kanilang mga leksyon. Ngunit Maaari din naman itong magdulot kagustuhan nila napag-butihin ang
kanilang pag-aaral.Nadadagdagan nito ang kanilang motibasyon sa pag-aaral.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, bukod sa nawawala angquality time ng mga bata,
lumalawak din uman ang communication gap sa kanilaat nawawala ang tutok nila sa pag-aaral. Dahil may
maganda rin naman dawnaidudulot ang internet sa kaalaman ng mga kabataan, sinabi ni Arcena
nakailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa
pangalang Nick 12-anyos, inaminng bata na nahumaling siya noon sa internet particular sa Facebook
kayabumagsak ang kanyang marka ng hanggang 65. Pero kung dati ay nagbababadsi Nick sa mga internet
shop ng mula hapon hanggang hatinggabi araw-araw,ngayon ay dalawang oras na lang umano para
makabawi sa kanyang pag-aaral.

Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy o malaman ang epekto ng pagkaroon ng mababang
marka ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Mataas na Paaralan ng Komprehensibo ng Donsol.

Sinasagot sa pag-aaral na ito ang mga katanungan.


1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral sa ika- 11 baitang?
a. Strand na mayroong mababang marka?
b. Edad
c. Kasarian
d. Tirahan/address
2.Ano ang dahilan ng mababang marka sa mga mag-aaral?

3.Ano ang maaaring gawin ng mga mag-aaral upang mapataas ang kanilang marka?

Saklaw at delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga dahilan ng mababang marka ng mga mag-aaral. Ito ay

naglilimita ng mga mag-aaral sa baitang 11 mula sa Donsol, National Comprehensive High School. Ang pag-

aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-aaral na ito katulad ng mga pangyayari

sa paaralan at mga mag-aaral. Ang hangganan ay

Kahalagahan ng pag-aaral

Mag-aaral - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang kanilang mga kaalaman
kung paano maging isang mahusay na mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang
kaisipan at kakayahan sa kanilang pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki
para sa epektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa wastong pamamaraan sa pag-aaral.

Guro - Ang pag-aaral na ito ay nakapaghihimok sa mga guro na tulungan at bigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral sa kanilang marka upang maabot ang tagumpay sa pamamagitan ng personal at
propesyonal na paglago ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at kabuhayan.

Magulang - Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga magulang dahil ito ay nagbibigay ng kakayahan at
kaalaman upang gabayan at ituro ang tamang mga kaalaman sa kanilang mga anak, sa pamamagitan ng
pag-aaral, ang mga magulang ay nagiging mas komportable at may kakayahang magpakita ng magandang
sa kanilang mga anak, bilang halimbawa ng mga taong mas Nakakatanda at may kaalaman.

Susunod na mananaliksik - Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa susunod na mananaliksik dahil ito ay
nagbibigay ng mga pundasyon at mga kasanayan sa pagsasagawa ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga
konsepto, metodolohiya at mga kasanayan sa pagsusuri ng mga datos at impormasyon. Sa pagpapakita ng
mga epekto ng mababang marka sa mga estudyante, maaaring magtulongan ang mga guro, magulang at
iba pang nakapaligid sa kanila upang magbigay ng tamang suporta. Maging katuwang sa kanilang
pagpapalakas ng kanilang loob upang kaya nilang harapin, ang anumang hamong dulot ng mababang
marka. Itanim sa kanila ang kaisipang Hindi hadlang ang kanilang tagumpay at ang lahat ng dapat malaman
nilaa upang maiparating sa kanilang mga kabataan.

Susunod na henerasyon - Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa susunod na henerasyon dahil ito ay
nagbibigay ng mga kaalaman at kakayahang imungkahi ng mga pagbabago sa ating lipunan upang
mapaigting ang kalidad ng buhay ng lahat.
DAHILAN NG MABABANG MARKA NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG
LABING ISA

Ipinasa nina:

Frisie V. Buenaobra
Lara Mae L. Belga
Patrick De Borja
Charice Castro
Denmark Bañares

Grade 11 - Gas B

You might also like