You are on page 1of 2

“DAHILAN AT EPEKTO NG PAGLIBAN NG ESTUDYANTE SA KLASE”

I. RASYONALE

Sang-ayon sa ating pag iisip at sa pagsusuring ito. Ang pagpasok sa paaralan ng regular
ay mahalaga sa pananatili ng matibay na pundasyon ng pagkatuto. Kadalasang napaloob sa
panahong pang-elementarya ang simula ng ating pagkalap na impormasyong pang sosyal at
pang akademikong kasanayan na nagbubunga ng pagbuo ng ating pagkatao maliban na lamang
kung tayo mismo ang nagiging hadlanng sa ating sariling kapakanan.

Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang
pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o
kung minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral. Sinabi
ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo ay tumutungo sa
maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan. Alam
natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa ating kinabukasan. Marami
silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito, makakaapekto ito sa kanilang mga grado
at maari rin tong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit na naman sa asignaturang iyon
ayon kay Vincint Linawan.

Dagdag pa sa mga dahilan ng pag-liban ng mga estudyante sa kanilang klase ay ang:


biglaang traffic, may sakit, hindi magandang panahon, maling balita, walang allowance, na-
stranded, may mahalagang okasyon na pupuntahan at iba pa. Ngunit bilang lang sa mga dahilan
na ito ay may katotohanan. Minsan ginagawa lang itong rason ng katamaran. Hingid sa
kanilang kaalaman na ang pagliban sa klase ay isang oras na kawalan sa mga bagay bagay na
dapat ay natutunan mula sa mga masisipag na guro. Hindi lang ang pag-bagsak sa asignatura
ang epekto ng pagliban kundi pati narin ang pagkasayang ng tuition fee at ang pagkasanay ng
personalidad na lumiban sa klase hanggang sa ito'y paulit-ulit nalang.

Ang pagbubuti ng pag-aaral ngayon ay nakakatulong sa ngayon at sa hinaharap. Ang


pag-aaral ay nakakatulong din sa mga mag-aaral sapagkat mamumulat sila sa katotohanan na
hindi maganda ang madalas na pagliban sa klase. Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga
magulang upang magabayan nila ang kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na huwag
lumiban sa klase. Ito ay makatutulong sa mga guro sapagkat maaari silang gumawa ng hakbang
upang hikayatin ang mga estudyante na dumalo sa klase.

Ipinasa ni: Regie T. Gentizon


II. LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay:

1. Makatulong upang malaman ng bawat isa ang epekto ng madalas na pagliban ng


mga estudyante sa klase.

2. Magsisilbi din itong gabay upang maiwasan na nila ang kanilang madalas na
pagliban sa klase.

3. Makapagbigay ng impormasyon sa magiging resulta ng pagliban sa klase sa


kanilang pinapangarap na buhay.

4. Ipaalam na ang pag-aaral ay mahalaga at ito'y hindi dapat ipinagsasawalang-


bahala.

III. METODOLIHIYA

Magkaroon ng sarbey sa mga paaralan at hingiin ang pananaw ng mga mag-aaral na


nasa senyor hayskul, mga guro at mga magulang ng mga estudyante sa pamamagitan ng
pagbibigay talatanungan tungkol sa mga dahilan at epekto ng pagliban ng estudyante. Sa
pamamagitan nito, malalaman ang mga persepsyon at opinyon ng mga nasabing respondents.

IV. INAASAHANG BUNGA

Sa gitna ng pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at pagbabago ng pamamaraan sa pag


aaral ay dapat na patuloy na itatak sa isipan ng bawat isa ay tayo mismo bilang mismo bilang
magaaral ang may pinakamalaking parte sa pagtulong sa ating mga sarili upang mapunan an
gating nais na matuto. Kaya naman na tunay ngang nakagugulat ng libu-libo nang magaaral
lalo na sa elementarya ang nasa kalagitnaan na lamang sa pagtamang patuloy na pagkatuto
dahil sa malimit na pagliban. Nais mapunan ng konseptong papel na ito ang mga impormasyon
dapat ay alam ng mga estudyante upang hindi na lumiban pa sa klase. Inaasahan din na
mabawasan ang mga beses na lumiliban sa klase ang mga estudyante. Malaman ng mga
magulang kung paano at bakit sila lumiliban at mabigyan ng sulosyon. At masubaybayan ng
mga guro at mabigyan sila ng counseling kung kinakailangan. Upang magkaroon ng mas
mabuti at tiyak na magandang hinaharap ang mga estudyante. Inaasahan ng papel na ito na
maisapuso ng bawat estudyante na sa bawat isang oras na ginugugol sa pagdalo sa klase ay
mahalaga at isa ito sa mga pundasyon na kinakailangan upang makamit ang pangarap.

Ipinasa ni: Regie T. Gentizon

You might also like