You are on page 1of 3

PANGALAN: JOHN MARK B.

BOSTRILLO BEEd 1
KURSO: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
TAGAPAGTURO: MR. REYNON RION A. PANTUAN

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Gaano ka importante ang assignaturang Filipino?. Ang assignaturang Filipino ay


napakaimportante sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan nito
nakilala tayo bilang isang mamamayang nagkakaisa at nagtutulungan. Malaking tulong
din sa ating bansa ang kursong ito sapagkat isa ito sa mga dahilan upang ating
matamasa ang ating minimithing kalayaan mula sa mga mananakop. Sa replektibong
sanaysay na ito marami akong nais isulat. Uunahin ko sa aking impresyon at
ekspektasyon sa kung ano ba ang magiging bunga ng kursong ito sa akin bilang isang
kasalukuyang guro. Sa kursong ito inaasahan kong palalawigin pa nito ang aking
kaalaman, pakikipagkomunikasyon, at pagiging isang mabuting mamamayan. Ang
aking impresyon ay hindi madaling matutunan ang mga aral sa kursong ito kung kaya
nararapat talaga na pagtuonan kung pansin at paglagakan ng oras ang kursong ito
sapagkat isa itong magandang instrumento na inaasahang magagamit ko sa aking
paglawig bilang kasalukuyang guro. Katulad ng sinabi ko sa aking impresyon at
ekspektasyon malaki ang maitutulong nito sa akin bilang mag-aaral at kasalukuyang
guro lalo na ngayong pandemya. Naging tulay ko ang Filipino upang magbahagi ng
kaalaman at impormasyon sa ating kapwa Pilipino tungkol sa Covid-19. Nahubog ang
aking kakayahan sa pakikipagkomunikasyon dahil sa kursong ito. At ngayon, patuloy ko
paring ibinabahagi ang aking mga natutunan gamit ang kursong ito upang kahit sa maliit
na bagay man lamang ay makatulong ako sa aking kapwa tao.
Sa pagpapatuloy ng aking pagbabasa sa kursong ito nalaman kong may
maganda at hindi magandang naibibigay pala ito. Unahin natin sa magandang dulot,
dahil sa kursong ito namulat ang aking kaalaman sa mga bagay na hindi ko pa
nalalaman. Naging isang mapanuri akong indibidwal sapagkat may taglay na akong
kakayahan at kaalaman mula sa aking pagbabasa sa kursong ito. Muli kong nasiyasat
ang mga pangyayaring may kinalaman sa ating pagiging Pilipino. Muli kong nabalikan
ang mga pangyayaring pinagdaanan ng ating mga sinaunang Pilipino sa kanilang pag-
usig sa mga mananakop upang maipagtanggol ang ating bayan at matamo ang
kalayaan. Ang kursong ito ay nagbigay daan upang ako’y magkaroon ng lakas ng loob
upang ipaglaban ang tama sa mali sa tuwing mayroong pagtatalo. Isa ang kursong ito
sa nagbigay linaw ng aking isipan tungkol sa mga kaganapang nakapaloob sa ating
komunidad. Sa kabilang banda, ang kurso namang ito ay may naibibigay na hindi
magandang dulot. Ilan sa mga ito ay ang tinatawag na pagbibigay ng maling
impormasyon. Minsan ay nakakapagbahagi ako ng mga maling impormasyon sa aking
kapwa tao at masasabi kong ang dahilan kung bakit ako nakapagbahagi ng maling
impormasyon ay dahil sa mahirap unawain ang ibang ideya na nakapaloob sa kursong
ito. Ang pagbabahagi ng maling impormasyon ay nakapagdudulot ng hindi magandang
epekto sa ating kapwa tao. Kung kaya'y malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng
tagapagturo na siyang magpapaunawa sa atin sa tuwing tayo’y may hindi
nauunawaang konsepto
Mula sa aking pagbabasa sa kursong ito maraming mga aral ang aking
natutunan. Sa unang aralin, natutunan ko ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa
at kung gaano ito kahalaga sa ating pagkakakilanlan. Hindi biro ang pinagdaan ng ating
mga bayani bago tayo nagkaroon ng Wikang Pambansa. Maraming mga proseso ang
naganap bago naipanukala ang ating Wikang Pambansa. Napagtuonan ding pansin sa
araling ito ang pagtatanggal ng Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo. Kung kaya ay
maraming mga tao ang tutol sa hakbang na ito sapagkat alam nila alam nila kung
gaano kahirap ang pagdaanan upang maisakatuparan ang isang inaasam na
kagustuhan. Sa ikalawang aralin, natutunan ko ang ibig sabihin ng
pakikipagkomunikasyon at ang mga bahaging nakapaloob sa isang mabisang
pakikipagkomunikasyon. Ang pakikipagkomunikasyon pala ay isang proseso ng
paghahatid ng mensahe ng tagapaghatid patungo sa tagapagtanggap ng mensahe.
Nalaman ko na ang pakikipagkomunikasyon ay may iba’t ibang elemento, uri, anyo at
konteksto. Ang mga bahaging ito ay napaka-mahalagang pag-aral sapagkat kung ikaw
ay may kaalaman sa mga ito magiging mainam ang iyong pakikipagkomunikasyon.
Kabilang din sa araling ito ang kategorya ng sanggunian, direkta at hindi-direktang
plagiarismo, pagbubuod, synthesis at pananaliksik. Binigyan ko talagang pansin ang
pagbabasa at pagsaulo sa mga konseptong ito upang ako’y magkaroon ng kaalaman
sa mga ideyang nakapaloob sa konseptong ito. Sa ikatlong aralin naman natutunan ko
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga susunod na konsepto: tsismisan at umpukan,
talakayan at pulong-bayan. Kasama sa aralin ding ito ay ang pagbibigay sa iba’t ibang
anyo ng komunikasyon di-berbal.
Ang ginamit kong mga stratehiya sa pag-unawa sa mga konseptong nakapaloob
sa kursong ito ay ang mainam na pagbabasa, pagsulat sa mga mahalagang
impormasyon at pangangalap ng impormasyon sa Internet sa tuwing mayroong hindi
maintindihang konsepto. Malaki ang aking pagpapasalamat dahil sa kursong ito kasi
binigyan nito ng kabuluhan ang aking buhay. Marami akong natutunan at marami narin
akong maibabahagi kapag ako ay naging isang guro. Ang rekomendasyon ko naman ay
sana patuloy pang payabungin ang kursong ito upang higit na maraming mga mag-
aaral ang maglakas loob sa pagbabasa ng kursong ito. Sa kabuuan, batay sa aking
rekomendasyon at mungkahi napakamahalaga ng kursong ito sa akin.
Sa pagtatapos ng replektibong sanaysay na ito gusto kong ibahagi ang aking
pagpupugay at pagpapasalamat sa aming tagapagturo Mr. Reynon Rion A. Pantuan sa
pagbibigay sa amin ng mga makabuluhang mga aralin. Sa totoo lang hangang-hanga
po ako sa iyong pamamaraan ng pagtuturo kasi iniintindi niyo ang kalagayan naming
mga mag-aaral. Isa sa mga katangiang nalaman ko sa iyo ay ang pagbibigay ng lakas
ng loob sa amin lalo na noong nagkaron kami ng oral recitation. Sana po ay patuloy
niyo po kaming alalayan sa aming paglawig at pagkamit ng aming minimithing pangarap
na ang maging isang dakilang guro katulad niyo. Mensahe ko naman sa aking sarili ay
kaya mo yan. Panatilihin mong maging responsabling mag-aaral at huwag maging
tamad sa mga gawaing sa paaralan kung gusto mong umasenso at umangat sa buhay.
Tibayan mo ang iyong sarili kung may mga pagkabigo kamang naranasan. Isipin mo
lang na ang lahat ng pagkabigo ay isang paraan upang ikaw ay matuto at maging
responsabling tao na sa susunod. Isipin mo lang na lahat ng ginagawa mo ay inaalay
mo para sa iyong pamilya kasi ikaw ang kanilang pag-asa.

You might also like