You are on page 1of 2

Valiente, Ben Bryan L.

11 – Ongkiko

“Di Inaasahang Aral”

Taun-taon ay naglalaan ang taunang Lakbay-Aral ang iba't-ibang paaralan. Ito ay may
layuning palawigin at dagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral na nagnanais sumama o
makilahok. Layunin din nito na buksan ang kaisipan ng mga mag-aaral sa mga natatanging aral
at kasaysayang iniwan sa atin ng panahon.

Noong ika-walo ng Pebrero taong 2019, nagdaos ang aming paaralan ng isang 'SET'
(Strand Exposure Trip). Ito ay isang lakbay-aral kung daan nagkakasama ang bawat 'strand' ng
Senior High School. May iba't-ibang lugar na nakatakdang puntahan amg bawat strand. Ito ay
upang iugnay sa kung anong asignatura maiuugnay ang bawat lugar na aming pupuntahan. Ang
aming strand (HUMSS) ay tumutukoy sa antropolohiya at kasaysayan kaya't wming pinuntahan
ang 'Light and Sound Museum' sa Intramuros. Sa loob nito ay ipinakikita ang kasaysayan ng
Pilipinas simula noong una na naganap sa ating bansa. Ito ay isinasadula sa pamamagitan ng mga
ilaw, larawan, palamuti, at manekin na nagsisilbing tagaganap upang bigyang buhay ang
pagsasalarawan ng kasaysayan. Madaling mauunawaan ng mga taga-pakinig ang bawat senaryo
dahil maryoong isang tao na nagsisilbing gabay namin upang magpaliwanag.

Pangalawa, aming pinuntahan ang Villamor Air Base. Matatagpuan dito ang iba't-ibang
sasakyang pamhimpapawid na ginamit noon sa pakikidigma at ang iba nama'y ginamit ng.mga
tanyag na tao sa ating lipunan. Tulad na lamang ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos.
Matatagpuan din dito ang iba't-ibang armas na siyang sandata ng mga sundalo noong panahon ng
ikalawang digmaang pandaigdig. Makikita rin dito ang mga taong nagsilbing taga-pagtanggil ng
ating bansa. Makikita rin dito ang iba't-ibang pananamit ng mga sundalo noon.
At ang kahuli-huling lugar ay ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Matatahpuan naman
dito ang iba't-ibang rides na siyang ginagamit na makina na nadiskubre noong lumalawak ang
kaalam tungkol sa siyensiya at teknolohiya. Kung iyong ililinga ang iyong paningin, makikita
mo ang isang sign board at mababasa mo ang ilang detalye kung paano naimbento ang ilan sa
mga rides na ito.

Tunay ngang kasiya-siya ang Lakbay-Aral na naganap. Nguni5 mas lalong kasiya-siya
kung iyong palalawakin ang iyong kaalaman at handang malinang at matuto sa mga aral na
mayroon ito.

You might also like