You are on page 1of 3

ACTION PLAN PAMPHLET ABT CLIMATE CHANGE

[lagay ng onting scientific info]

1. Ano ang Climate Change?


 ito ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na
nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na
maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.

2. Ano ang sanhi o pinagmulan ng Climate Change?


 Binabago ng aktibidad ng tao ang ating klima sa isang pinabilis na rate. Ang mga pandaigdigang
pagbabagong ito ay nagbabago ng mga ecosystem, pagtaas ng lebel ng dagat, at pagbabago ng mga
pattern ng panahon. Ang ating kapaligiran ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa ating kalusugan.
Kabilang sa mga epekto ng pagbabago ng klima ang tumaas na pagkalat ng sakit, kawalan ng
seguridad sa pagkain at tubig, at pagbaba ng kalidad ng hangin. (EXTRA INFO)
 Isa sa mga sanhi ng climate change ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-
ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o
init sa hangin na bumabalot sa mundo.
 Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases (GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya
sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na
nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

3. Ano ang epekto ng Climate Change?

- Epekto sa Kalikasan

 Tagtuyot - nagkakaroon ng mas mainit na temperatura na nagreresulta sa mabilis na pag singaw ng


tubig o tinatawag na evaporation. Kapag ito’y nangyayari nagkaroroon ng kakulangan sa lupa na
magdudulot ng pagkatuyo ng lupa.
 Pagdami ng insekto at peste – sa panahon ng climate change, mayroong mabilis na pabago-bago ng
klima na gusto ng mga insekto at peste. Napapalala ng climate change ang kanilang pagdami dahil mas
nakakapag angkop sila kapag pabago-bago ang panahon.

- Epekto sa mga Hayop

 Pagkasira ng kanilang tirahan – dahil nga sa extreme weather na nararananasan dulot ng climate
change, nagkakaroon ng pagkasira sa natural na tirahan ng mga hayop sa mundo.
 Extinction – magkakaroon ng pagkaubos ng ilang species ng hayop dahil sa hindi natural na pabago –
bago ng klima. Mahihirapan silang maki angkop na maaaring maging dahilan ng kanilang pagkamatay.

- Epekto sa pamumuhay ng tao

 Problema sa Kalusugan – ang kalusugan ng tao ang isa sa mga pinaka naaapektuhan ng sakunang ito.
Dahil nga nagkakaron ng taghirap sa food supply sa panahon ng climate change, maaari itong magdulot
ng kagutuman sa ilang mga tao, na magiging epekto ng kanilang pagkakasakit.
 Pagkaudlot sa pagunlad – ang mga imprastruktura na pinapatayo ng mga tao ay dinesenyo upang
gawin sa mahabang panahon, lalo na kung isa itong malaking proyekto. Isa pa, ang kanilang mga plano
ay puwedeng maging pabago – bago dahil kinakailangan nilang iangkop ang disenyo nito batay sa
panahong nararanasan sa bansa.

3. Gaano katagal na natin nararanasan ang Climate Change?


 Noong 1800s, ang mga eksperimento na nagmumungkahi na ang carbon dioxide (CO2) na gawa
ng tao at iba pang mga gas ay maaaring mangolekta sa atmospera at mag-insulate ng Earth ay
natugunan ng higit na pag-usisa kaysa pag-aalala. Sa huling bahagi ng 1950s, ang mga
pagbabasa ng CO2 ay mag-aalok ng ilan sa mga unang data upang patunayan ang teorya ng
global warming. Sa kalaunan, ayon sa isang data, kasama ang pagmomodelo ng klima at mga
kaganapan sa real-world na panahon, nagpapakita na ang global warming ay totoo at nagpapakita
ng maraming sakuna na kahihinatnan.

[REASONING]

4. Maaari bang mawala ang climate change? Oo o hindi, at bakit?


 Ang mga tao ay nagdulot na ng mga malalaking pagbabago sa klima, at inaasahan pa rin ng higit
pang mga pagbabago. Dahil dito, ang tanging magagawa na lang natin ay huminto sa paglabas
ng mga greenhouse gases ngayon, upang sa gayon ay humupa ang pagtaas ng temperatura sa
buong mundo. Kinakailangan na rin nating maghanda sa pag angkop sa mga mangyayari pang
mga pagbabago na dulot ng ating kapabayaan.

6. Ano ang posibleng mangyari kapag hindi ito nasolusyonan?

 Ayon sa mga eksperto, kapag hindi nagtulungan at nagkaisa ang mga tao sa pagsugpo ng
pagbaba ng mga carbon emissions sa mundo, mas malala pa ang magiging masamang epekto
nito sa atin. Magiging mas mainit ang ating atmospera na magreresulta sa hindi normal na
pabago – bago ng panahon, malalang tagtuyot and mga bagyo sa buong mundo na makakaapekto
sa ating ecosystems at mga tao.

[RECOMMENDATIONS]

7. Bilang isang magaaral, ano ang magagawa mo? *maglista ng 3 pwedeng gawin sa loob ng paaralan na
makakatulong sa laban against climate change*

 IBAHAGI ANG KAALAMAN - ang pagbabago ng ating kalikasan ay hindi magagawa ng


isang tao lang. Ikaw nga “no man is an island” kaya kung ang kaalaman mo ay maipapamahagi
mo sa iba at mahihikayat mo sila na tumulong sa pagprotekta sa ating kalikasan ay tiyak na
mapapabilis ang pagbabago na matagal na nating inaasam
 MAGSAGAWA NG MGA PROGRAMA – imungkahi mo sa iyong paaralan kasama ng iyong
mga kapwa estudyante na magsagawa ng mga programa na makakatulong sa paglinis at
pagprotekta sa inyong kapaligiran.
 PAGTITIPID SA PAGGAMIT NG PAPEL – Ang pagbabawas ng paggamit ng papel ay dapat
matutunan, base sa unang paraan kailangan magtanim ng puno dahil isa ito sa pinagkukunan ng
materyales upang gawing papel. Kaya kung gagamitin natin ang papel sa angkop na paraan
pwede tayong makamabag upang mabawasan ang pagpuputol ng puno.

8. Bilang isang mamamayan, ano ang magagawa mo? *3 tips ulit pero ‘yong mga gagawin naman sa
community*
 MAGTANIM – ilan sa atin ay hindi alam kung gaano kahalaga ang pagtatanim ng puno, kahit sa
ating mga bakuran lamang. Ang mabilis na pag-init ng planeta ay isa sa mga dahilan sa pagnipis
ng ating ozone layer dulot ng climate change. Kaya naman ang pagtatanim ng puno at hindi basta
basta pagputol ng mga punong kahoy ay labis na
makakatulong upang mabawasan ang labis na init na siyang nakakasira sa kalikasan.
 PAGTITIPID SA PAGGAMIT NG ENERHIYA - Makakatulong ang pagtitipid ng enerhiya
upang mabawasan ang init na nailalabas nito patungo sa ating kalangitan dahil kung sobra-sobra
ang init sa ating planeta ay maaring lalong numipis ang ozone layer at patuloy na pagkasira ng
pagkasira ng planeta. Kaya ang simpleng pagtipid sa pagkonsumo ng kuryente ay malaking
bagay upang makatulong sa kapaligiran, bukod pa dito ay makakatipid din sa gastusin.
 ITAPON ANG BASURA SA TAMANG TAPUNAN - Ang pagtatapon ng basura sa tamang
tapunan ay isang simpleng gawain lamang, ngunit kung ito ay makaka-ugalian ay malaki ang
maitutulong nito sa ating kapaligiran. impleng pagdampot ng kalat, maliit man o malaki at ang
hindi pagsunog ng mga basura ay makakalikha ng malawakang pagbabago.

You might also like