You are on page 1of 1

Pangalan: Mylyn T. Miano Baitang/Pangkat: 11- St.

Andrew

K+12, Nakakatulong nga ba?


Dapat ba o Hindi Dapat Sang-ayunan?
Walong taon ang lumipas mula nang iimplementa ang K-12 kurikulum sa Pilipinas, patuloy
pa rin naging isyu sa mga mag-aaral at sa mga pamilya. Ang dinadahilan ng pamamahalaan sa
pagpapatupad nito ay mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Maraming mga
estudyante at mga magulang ang tumatanggi sa implementasyon ng programa na ito, at
naiintindihan ko kung bakit. Ayon sa gobyerno, mababa raw ang kalidad ng edukasyon natin dito
sa Pilipinas at sa pamamagitan ng pag-implementa ng programang K to 12 ay mapatataas ang
kalidad ng ating edukasyon. Gayunpaman ay bumababa ang kalidad ng ating edukasyon dahil sa
mga problema na nararanasan natin ngayon.

  Bilang isang mag-aaral ng senior high school, ang unang reaksyon ko ay hindi ako
nasisiyahan at nadismaya ako dahil dagdag sa problema lamang ito sa mga mag-aaral. Sa
implementation pa lang ng mandatory kindergarten ay tampok na ang kakulangan ng pamahalaan
sa mga pisikal na pangangailangan ng mga paaralan. Nakakalungkot para sa akin na
pinapatupad ang K to 12 sapagkat hindi insinaalang-alang ang mga kakulangan ng mga
kagamitan at ang kalagayan ng mga tao, lalong lalo na yung mga mag-aaral na nasa rural na mga
lugar.

Maraming mga problema sa edukasyon ng Pilipinas ang nararanasan ng lahat na


nangangailangan ng karagdagang debate at lalim na pagsusuri pati na rin ang resolusyon para
nito. Ang mga problemang kinakaharap natin ngayon ay kakulangan ng badyet para sa
edukasyon, kakulangan ng silid-aralan, textbooks, at mga kagamitan, pagkakaroon ng unlicensed
na mga guro, mababang sweldo ng mga guro, pagtaas ng mga batayang bilihin at matrikula.
Patuloy ang bawas-badyet sa edukasyon. Hindi nga mailaan ng gobyerno sa edukasyon ang 6%
man lamang ng Gross Domestic Product ng bansa para makasunod sa standard ng United
Nations. 

Sa pag-aaral ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), ang


haba ng pag-aaral ay hindi nangangahulugan ng mas magandang grado. Sa aking opinion, ang
pagkakaroon ng mataas na marka ay hindi batayan upang maging matagumpay at maunlad ang
mga mag-aaral. Maraming mga estudyante ang nahihirapan sa pag-aaral. Makikita natin sa mga
balita, sa mga post sa social networking sites ang mga kalagayan ng mga mag-aaral, kasama na
rin ang kanilang mga magulang. Mapipilitan ang kanilang magulang na ipasok sa kindergarten at
junior at senior high school ang kanilang mga anak, naging mabigat na ito sa kanilang mga
babayarin. Ang pagbabayad ng kanilang matrikula ay hindi lamang ang bagay na kailangan nilang
bayaran, mangagailangan parin sila mag-gastos para sa pagkain, gamit para sa paggawa ng
projects, pamasahe, at pangbayad ng ibang gastusin sa silid-aralan.

Para sa akin, hindi nakakatulong ang K to 12 na programa dahil dumadagdag lamang ito
ng mga problema sa mga mag-aaral at mga magulang. Hindi tayo makapag-aral ng mabuti dahil
sa mga kakulangan ng pangangailangan. Maraming mag-aaral ang nahihirapan kaya mananatili
ang pagtaas ng bilang ng dropouts at out-of-school youths dahil sa mababang kalidad ng mga
edukasyon. Lalong maghirap din ang mga magulang dahil baon na sila sa mabibigat na mga
bayarin.

Bilang konklusyon, sana lang inuuna muna ng gobyerno ang mga kakulangan sa
edukasyon. Lalo lamang gugulo ang sistema at maaring bumaba pa ang kalidad ng edukasyon sa
bansa. Hindi alintana ang iba't ibang mga hamon na kinakaharap ng programa, naniniwala ako na
bibigyan ng prayoridad ng mga gobyerno na alamin ang mga bagay na kailangang pagtrabahuin
upang mapabuti ang sistema ng edukasyon.

You might also like