You are on page 1of 4

Ang

Lampara
Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon
upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa.
Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki
ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang
handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita.
Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang
kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari.
Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na
liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang
paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato
de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay
ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan
--- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa
isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita
sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan
ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si
Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng
pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si
Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio
ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si
Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita.
Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya
pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay
Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag
ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di
mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa.“Kinuha ni Isagani
ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog.
Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para
sa isang paghihimagsik sa sandatahan.
Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng
karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng
mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at
isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas
buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas,
ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo
niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang
Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng
isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal
ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang
napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas,
kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng
mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-
matatayang kayamanan ni Simoun.

You might also like