You are on page 1of 4

Episode 1

PILOT

Ang simula ng kwento ay nagpapakita ng ng pang aalipin ng mga kastila sa mga Indiyo, dito
mahahalintulad ang sinapit nating mga Pilipino sa Kamay ng mga Kastila noong unang pahon at pag-
aakusa ng mga prayle sa Indiyu sa pagiging tamad, Ipinakita din ang pagkasilang ng ating pambansang
bayani na si Jose Rizal.

Sa simula palang ay mababatid na ang paghahari ng mga prayle noong unang panahon ang pag bitay sa
tatlong paring martir, napakasakit makita na sa kabila ng paghahangad ng kabutihan ay humantong ang
tatlong pari sa pagkabitay, tila napaka lupit ng mga prayle noong panahon ng ating panbasang bayani.

Makikita rin dito ay ang kong gaano kabuti at mapag malasakit ng Pamilya Mercado para sa kapya nila at
sa lipunan. Napaka gandang makita sa noong panahong iyon ay isa sa mga kinikilalang pamilya ang
pamilya mercado sa calamba, sa taglay nilang talino at pagkakaroong ng disiplina and mabuting asal.
Hindi nagkukulang ang kanilang magulang sa pagpapa alala at pangral sa kanila. Bata palang ay
makikitaan na kay Pepe ang pagiging mapanaliksik at ang pagkakaroon nito ng malawak na interes sa
maraming bagay gaya ng mga hayop, misteryo at paguhit.

Nakakatawang makita sa kabataan ng ating pambasabg bayani na namuhay sya na parang simpleng bata
na naglalaro, nakikisalamuha sa iba na walang ka alam alam na sya ang makakapagbago sa ating mga
Pilipino.
Episode 2
ANG MGA MONTEVERDE

Sa episode na ito labis ang galit na aking naramdaman sa pagpapakilala ng pamilya monteverde,
makikita dito sa noong panahon ni Dr. Jose Rizal ay talagang mataas na ang tingin ng mga kastila sa
kanilang mga sarili. Hindi pa man nila lubos nakikilala ang pamilya moteverde ay lubos na nila itong
kinamumuhian, noon palang mababa na ang tingin ng mga kastila sa ating mga pilipino.

Hindi maganda ang pinakita ng pamilya Monteverde sa pamilya Mercado, Ngunit sa kabila nito ay
hinayaan na nila ito sa halip ay pinakisamahan nila ito ng maayos. Nakakalungot man makita na sa
unang pagkakataon ay nakaranas si pepe ng pagkatalo sa larangan pagkanta, pinatawanan at napahiya
sya, masakit para kay Pepe lalo na sa kanyang Ina at sa kanyang pamilya. Damang dama ang kalungotan
kay Pepe, Ngunit sa kabila nito ay nagpakita ang kanyang pamilya ng katatagan at suporta para kay
Pepe. Maging si Tiya Lina ay nagang pangitiin si Pepe. Sa kabaila ng naransan ni Pepe ay unti unti itong
bumalik sa dati nitong sigla. Ngunit sadyang maiinit ang dugo ni Venchito kay Pepe, Hindi magandang
tingnan na sa mura edad nito ay pinapakita nya ang pagiging bayolente. Ang pananakit nito kay Pepe ay
hindi magandang asal lalo na at walang namang ginanagwang masama si Pepe sa kanya.

Sakabila ng hindi magandang nararanasan ni Pepe ay andon parin ang positbo at matulungin niyang pag
uugali para sa iba. At sa murang edad ay nakikitaan na sya ng galing sa mga bagay lalo na sa pag guhit.
Nakakatuwa na maging mga ibang lahi ay humahanga sa kakayahan ni Pepe.

Isa sa mga hinahangan ko ay ang kanyang Tiyo na si Jose Alberto na lubos ang tiwala at paghanga kay
Pepe, Tinuruan nya itong maging malakas at maipagtanggol nito ang kanyang sarili. Dumaan ang mga
araw at unti unting nagkakaraon si Pepe ng lakas ng loob na sa susunod na paghaharap nila ay matatalo
na nya si Venchito.
Episode 3

Ang pagsubok ng pamilya Mercado

Si Pepe ay lumaking mabuting tao, sa pamamagitan ng tamang pagpapalaki sa kanya ng kanyang Ina
kasama ang kanyang tiya Lina. Sa murang edad ay makikita na ang aking galing ni Pepe sa ibat ibat
larangan at pagkakaroon ng malikot na pag iisip.

Tayong mga Pilipino ay natural na malapit sa ating mga pamilya. Kong kaya ganun nalamang amg pag
aalala Ni Donya Lolay sa kanyang kapatid na Si Don Jose na humaharap sa pagsubok sa kanyang asawa
na si Toedora, Napaka buti ng hangarain ni Donya Lolang sa asawa ni Don Francisco na si Teodora sa
kabila n hindi magandang trato at tingin nito sa Pamilya Mercado ay nakuha pa nya na tumulong dito at
bigyan ng pagkakataon na magbago.

Ngunit si Donya Teodora ay sadyang may hindi magandang pag-uugali, inakusahan nya si Donya Lolay na
tangkang pagpatay dito, Hindi ko lubos maisip ang hindi magndang panyayari kay Donya lolay at sa
pamilya Mercado at kay Pepe.

Ang mapagbintangan ng isang bagay na hundi mo ginagawa ay napakasakit na pangyayari sa buhayng


isang tao. Para kay Pepe at bata palang at lubos na malapit sakanyang ina, ito ay isang dagok sa kanya at
sa kanilang pamilya. Ngunit sa pagkakataon itong, kailangan nila maging matatag bilang isang pamilya,
lalo’t alam naman nila na walang kasalanan ang kanyang Ina.

Hindi na bago para sa atin ang sitwasyon na tulad kay lolay, merong talaga tao na walang ibang hinangad
para sa iba kundi kasamaan. Kaya igalng isang tao kailangan natin maging matatag upang ipaglaban an
gating karapatan at lumaban kontra sa mga mapang isa na mga tao.
Episode 4

Ang paglilitis kay Doña Lolay

Napakabigat para sa sa isang anak at sa kanyang pamilya na makita ang kanyang Ina na nililitis at
naghihirap sa kulungan. Napaka tindi ng paghihirap na aking nadarama para sa kay Pepe at sa pamilya
nito. Ang mapagbintangan sa kasalanang hindi naman kanyang ginawa ay lubhang napakasakit sa
pakiramdam. Sa kabila nang nararanasan ni Pepe ay kahanga hanga na makita na nagagawa pa din nya
na manguna sa klase at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral.

Ang paglilitis na ginawa kay Donya Lolay ay nakakainis at nakakagalit, sapagkat nakikita dito kong gaano
ang sistema ng hustisya sa ating bansa sa panahon ng mga Kastila. Ngunit tila hindi ito nalalayo sa
kasalukuyang panahon, nakakalungkot man ngunit yon ang nakikita ko sa sistema ng hustisya natin
nagyon. Maraming Pilipino ang namamatay ng walang kasalanan, nakukulong ng walang kalaban laban,
sa kamay mismo ng ating mga kababayan.

You might also like