You are on page 1of 4

MAY GIYERA SA KATAWAN NI MARK

Ni: Luis P. Gatmaitan

Isa-isang nagkakasakit ang mga kalaro at kaklase ni Mark. Kumakalat ang isang nakahahawang sakit sa kanilang lugar.
Hustong nakauwi mula sa eskwelahan ay kinausap sya ng kanyang tatay at nanay.

"Ayaw naming magkasakit ka rin Mark" sabi ng kanyang Tatay

"Kaya sa sabado patitingnan ka namin sa Doctor at pababakunahan sa kanya" dagdag nito

"Natatakot po ako Tatay"

"Huwag kang matakot anak, ang nga Doctor at nurse ay kaibigan mo, hindi ka nila sasaktan" paliwanag naman ng
kanyang Nanay.

"Pero masakit daw po ang injection sabi ng mga kaklase ko" hirit pa ni Mark

"Masakit ng kaunti, pero kayang-kaya mo" sabi ng kanyang tatay

"Nakaya nga ng ate mo e"

" Ay ganoon po ba?"

Sabay na napatango sina Nanay at Tatay. Pinakita pa ni tatay ang muscle sa kanyang braso kung saan kalimitang itutusok
ng Doctor ang injection.

"Kami man ng Nanay mo ay nabakunahan na rito noong bata pa kami" pangungumbinsi pa ni tatay At heto pati si nanay
ipinakita rin ang marka ng isang klase ng bakuna ang katibayan ng katapangan Nang gabing iyon, kinulit ni Mark ang
kanyang Ate Bianca.

"Masakit ba ang injection, Ate?"

"Oo medyo masakit, mamimigat din ang lugar na nainiksiyunan pagkatapos"

"Sabi ng Lola, parang kagat lang daw ng langgam?"

"Ay, hindi ah. Mas masakit ang iniksiyon kaysa kagat lang ng langgam" bawi agad ni Ate Bianca.

"Pero kaya mo 'yun, Mark. Kayang-kaya mo"

" E kailangan ba talaga iyon, ate"

"Oo, kasi'y proteksyon daw natin iyon, sabi ni titser. Para di tayo maging sakitin"

"Tama ang Ate mo, panlaban mo iyan sa mikrobyo, anak. Gusto mo bang mapasok ng mikrobyo ang iyong katawan, gaya
nang nangyari sa iyong mga kalaro?" tanong ni Tatay na napadaan sa sala

"Naku, ayoko po!" "Tama, Mark! Regalo ng Diyos ang ating katawan. Kaya kapag mayroon silang kaaway dapat ay
tulungan natin silang lumaban" Nagulat si Mark sa narinig "Ha? May kaaway po? Di ko po maintindihan, Tatay....."

"Ganito ang sabi ng Doctor natin. Nang ginawa tayo ng Diyos, naglagay Siya ng mga sundalong bantay sa loob ng ating
katawan. Iisa lang ang trabaho nila: ang tiyaking mahusay ang takbo ng mga bahagi ng ating katawan."

"Pero may kontrabida-- ang mga mikrobyo! Kaaway natin sila, anak. Pumapasok sila sa katawan natin para magdulot ng
sakit" singit aagd ni Nanay habang inaabot ang timplang gatas kayna Bianca at Mark.

"Bad po ang mga mikrobyo!" tugon ni Mark

"Oo, pero dahil mat mga sundalo, hindi agad sila makapapasok, mahaharangan sila" dagdag pa ni nanay.

"Kahit makapasok sila, kung gising naman at aktibo ang mga sundalo, hindi pa rin sila makapapanira." paniniguro ni
tatay.

"May malaking giyerang mangyayari!" Napaisip si Mark sa narinig. May labanan paalng magaganap sa kaniyang
katawan. Sinubukan pa niyang salatin ang kanyang dibdib at tiyan. Tahimik.

"Kung mas malakas ang mga sundali at handa silang lumaban, matatali nila ang masasamang mikrobyo." Muling ipinakita
ni Tatay ang kanyang muscle sa braso.

"Ay! Buti na lang po pala ay may mga sundalo! Kumpleto na po ako sa bakuna, hindi po ba nanay?" hirit pa ni Ate
Bianca. "Oo naman, Anak. Matapang si ate Bianca mo, eh! O matulog na kayo. Gabi na"
HABANG NAG AALMUSAL, bakuna pa rin ang pinag uusapan ng pamilya. Naitanong ni Mark kung anong mangyayari
kapag hindi siya nagpabukana.

"Kung sala ka lang bakuna, ang mga sundalo mo ay inaantok at hindi handa. Lulugo-lugo sila" paliwanag ni Tatay.

"E, saan po ba gawa ang bakuna?" naguguluhang tanong ni Mark.

"Ang bakuna ay gawa sa mga mikrobyong hinuli" paliwanag ni Nanay.

"Ay, gawa po pala sa mikrobyo ang bakuna? E, bakit po kailangang ipasok sa katawan natin? Di po ba masama ang
mikrobyo, Nanay?"

"Masama ang mga mikrobyo, Anak habang malalakas pa abg mga ito. Pero ang sinasabi kong mikrobyo na ginagamit sa
bakuna ay pinahina na o kaya'y pinatay na. Sadya silang pinapasok sa katawan sa pamamagitan ng iniksiyon para gulatin
ang mga sundalong aantok-antok.

"Namilog ang mga mata nina Mark at Ate Bianca aa narinig. Diyata't may mikrobyong sadyang pinapasok sa katawan?

"Akala ng mga sundalo pinapasok na sila ng mga kaaway, nagigising silang lahat at biglang lumalakas at lumiliksi.
Naghahanda silang lumaban sa mga kaaway, at nagsasama sila para malakas ang kanilang puwersa" singit muli ni Ate
Bianca

"Tama, pero false alarm lang pala" agaw agad ni Tatay "Kakaunti lang naman kase ang nakapasok na mikrobyo, tapos
pinahina pa at patay na ang iba, hindi na sila makapagdudulot ng sakit sa katawan mo. Pero ang mahalaga nagising ito, at
ginawang alerto ang mga sundalo"

"Kaya po kung may makakapasok na tunay na kaaway ay handang-handa na ang mga sundalo?" tanong ni Mark

"Tama, ang galing ng anka ko" may pagmamalaking sabi ni nanay Habang papunta sa eskwelahan, hindi mawala sa isipan
ni Mark ang giyera sa pagitan ng sundali at mikrobyo. Ang iniksiyon pala ang paraan para gisingin at palakasin ang mga
sundalo.

"Tatay ang galing po pala ng bakuna" "Oo at habang gising ang mga sundalo, protektado tayo, pero sa paglipas ng
panahon nagsisimula nanaman silang antukin"

"Nako, ano po ang gagawin natin kapag inantok nanaman sila?"

"Kailangan ng paalala, booster shot ang tawag dito, ginigising ulit ang mga sundalong inaantok para lalo pa silang
dumami at maging aktibo"

"Wow, ang galing naman"

"Maraming uri ng mikrobyo kaya marami rin ang uri ng bakuna" sabi ni Nanay

"Sabi nga po ni Titser ang bawat mikrobyo raw ay may katapat na bakuna" sagot ni Ate Bianca

"Ganoon nga ang kalaban natin ngayon ay ang mikrobyong kung tawagin ay Hepa A at Hepa B ang sinisira nito ay ang
ating atay."

"Ay, saan po nakukuha ang mikrobyong iyon?"

"Ang Hepa A ay nakukuha natin sa maduduming pagkain at inumin o kung nakagamit ka ng mga kutsara o tinidor, plato,
baso, laruan o mga gamit ng taong may Hepa A"

"Ang Hepa B naman ay maaaring mang galing sa tusok ng karayom o iba pang matulis na bagay na nagamit na ng taong
impektado ng virus na ito. Maari ring mang galing ito sa naisaling dugo mula sa taong may Hepa B. Kapag namaga ang
ating atay, hindi nito magagawa ang tungkuling nito na mag imbak ng sustansya. Maninilaw tayo, magkukilang tayo ng
sustansya, mamamayat tayo."

"Kailangan ng gisingin ang mga sundalo ko" nag aalalang sabi ni Mark Hindi nya maisip ang sarili na kasing dilaw ng
kalabas at kasing payat ng sitaw.

"Tama kapag nagpabakuna ka buong buhay kana ng hindi mapapasok ng mikrobyong HEPA A at HEPA B"

"Isang iniksyon lang po?"

"Dalawa iniksyon ang kailangan para sa HEPA A, pero tatlong iniksyon ang kailangan mo anak para sa HEPA B"

"Ah! alam ko na po isang pang gulat, kasunod ay paalala"

"Tama, Mark!"

Hindi agad nakatulog si Mark sa gabing iyon, nanalangin sya


"Lord Jesus natatakot po ako sa iniksiyon pero kailangan ko raw po iyon sabi nina Nanay at Tatay. Sana naman po ay
magising agad ang mga sundalo ko, kayo na po ang bahala sa akin bukas. AMEN"

Habang naghihintay sa loob ng klinika naririnig ni Matk ang iyak ng ibang bata pero tahimik lang siya. Nagbuklat sya ng
aklat na pambata.

"Mark, ikaw na ang susunod" tawag ng nurse

"Magandang umaga, iho" masayang bati ng Doctor

“Magandang umaga rin po, Doctor."

"Magalang na bata, ako si Doctor Lozano. Inaalagaan ko ang mga batang kagaya mo."

Nawala ang kaba ni Mark nang makitang palangiti at palabiro ang Doctor. Sinimulan ang pagsusuri kay Mark. Kinuha
muna ang kanyang taas at timbang, pagkatapos ay temperatura. Ineksamin ang kanyang mga mata.

"Tingin ka sa itaas, Mark"

Sinilip ang kanyang tainga.

"Ipinalilinis mo ba lagi ito sa nanay mo?"

"opo"

Sumunod ang kanyang bibig

"ilabas mo ang iyong dila, sabihin mong aaaaaaaAaa..."

Sinalat ni Doctor Lozano kung maga ang mga kulani ni Mark sa gilid mg leeg sa ilalim ng tainga. Pinakinggan nito ang
kanyang paghinga

"Isara mo ang iyong bibig at huminga ka ng malalim, ayan, ganyan nga, hinga. Tapos ilabas mo ang hangin, hinga ulit,
INHALE, EXHALE, INHALE, EXHALE"

Pinakinggan din nito ang tibok ng puso ni Mark, itinapat nito ang stethoscope sa tapat ng dibdib ni Mark, pagkatapos
inilipat ni sa tainga ni Mark ang ear tips ng stethoscope upang marinig nito ang sariling pagtibok ng puso. Labdab
labdab.....

"Wow parang tunog ng kabayong tumatakbo"

Pinisil nito ang tiyan ni Mark medyo bumaluktot si Mark

"Mayroon bang masakit dito?" tanong ni Doctor Lozano

Umiling si Mark nang naka ngisi

"Wala po naikiliti lang po ako"

"Ahhh gusto ko lang matiyak na walang problema ang iyong atay, at bituka"

Tapos na ang pagsusuri, ngumiti ang Doctor

"Wala kang sakit Mark, malusog na malusog ka"

"Ay salamat po"

Samantala, inihanda na ng nurse ang bakuna, kinabahan di Mark ng makita ang karayom pero naalala nya ang paalala ng
kanyang tatay.

"Medyo masakit pero kaya mo"

Pinahiran ni Doctor Lozano ng bulak ng may alcohol ang braso ni Mark. Pinisil ang isang bahagi ng kalamnan. Huminga
bg malalim si Mark.

"Heto na"

Pumikit si Mark at nagsimulang mag isip ng masasayang bagay.

"Paglaki mo anong gusto mo maging?" tanong ng Doctor Nagulat si Mark

"Ay! Doctor din po"

"Talaga? matatapang ang mga Doctor, matapang ka rin ba Mark?"


Tumatango pa si Mark ng sabihin ng Doctor na tapos na.

“O masakit ba?”

"Kaunti po"

Nararamdaman na ni Mark ang pamimigat sa braso nyang na iniksiyunan.

"Ang tapang pala ng anak ninyo Misis" nakangiting sabi ni Dok

"Babalik sa isang buwan ha? Bibigyan kita ng isa pang iniksyon. Pagkatapos non ay isa pa. Ayos ba Mark?" tanong ni
Doctor Lozano

"Opo, Doc"

At tumingin si Mark sa kanyang Nanay

"Ngayon po ba ay gising na ang aking mga sundalo?"

"Oo, Mark hindi na sila kayang talunin ng mga kaaway. Hwag mo kalimutang magpasalamat sa Diyos para sa kanila ha?"

"Opo, at sasabihan ko po ang aking mga kaklase na magpakuna na rin"

Bago sila lumabas sa klinika ay binigyan pa siya ng maliliit na laruang sundalo ni Doctor Lozano

"Oh kunwari ay ikaw ang lider mg mga sundalo, na lalaban sa mga mikrobyo."

Sunod-sunod ang tango ang naging sagot ni Mark. Sabay saludo gamit ang brasong may nakadikit na band aid.

You might also like