You are on page 1of 2

KUMILOS AT MAGKAISA

Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo


ng bote at plastik na nakatambak sa mga basurahan at looban ng
ilang kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at maruruming damit ay
nagkalatdin kung minsan.
Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang, patapon, at wala
nang silbi kaya naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng
mga kalat. Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at
insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan
ng tubig at sanhi ng pagbabaha. Nakakasama rin ang mga ilan sa
mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging
ating nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot
ng mga basura. Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

TANONG:
1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao ?
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
6. Basahin ang bahagi ng kuwento na tumutukoy sa
pangunahing ideya.
7. Batay sa iyong karanasan, ano ang maaari nating gawin para
mabawasan ang ating basura?
Bukang Liwayway
ni: Chona O. Basabe

Tuwing umaga sa balkonahe ng isang simpleng tahanan, sa may tabing


dagat laging matatanaw ang batang si Jaybee. Pinapanood niya ang bukang
liwayway. Sapagkat, nagdudulot ito ng positibong pananaw sa kanya upang upang
maiahon ang pamilya sa karalitaan ng buhay.

Para sa batang si Jaybee ang bawat pagsikat ng araw ay katumbas ng


pag-asang kanyang inaasam. At nakatiim sa kanyang murang-isipan na hindi
siya titigil na mangarap at kumilos para sa kanyang kinabukasan at sa buo
niyang pamilya.

Alam niya na sa darating na bukas, kasabay ng pagsikat ng araw ay


kanya ng makakamtan ang kasaganaan at kagandahan ng buhay tulad ng bukang
liwayway.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang tauhan sa kwento?
a. Si Jay c. Si Jaydee
b. Si Jaycee d. Si Jaybee

2. “Maiahon sa karalitaan ng buhay”. Ano ang kasingkahulugan ng salitang


karalitaan?
a. katuwaan c. kapayapaan
b. kahirapan d. kayamanan

3. “Sa kanyang murang-isipan hindi siya titigil na mangarap”.


Ano ang kasingkahulugan ng tambalang salita na ginamit sa pangungusap?
a. mithiin c. batang-isipan
b. kaisipan d. matandang kaisipan

4. Anong katangian ang tinataglay ng batang si Jaybee?


a. masipag c. maalalahanin
b. mapagmahal d. may positibong pananaw

5. Sa iyong palagay, anong buhay ang kinakaharap ni Jaybee sa darating na


panahon?
a. Iiwanan niya ang kanyang pamilya upang mamuhay mag-isa.
b. Magiging isa siyang mngingisda sapagkat malapit siya sa dagat.
c. Mananatili siyang laging nakaupo sa kanilang balkonahe sapagkat
nagagandahan siya ditto.
d. Kaasabay ng pagsikat ng araw, magandang buhay at masayang
pamilya ang sa kanya ay naghihintay.

You might also like