You are on page 1of 5

SALIGANG BATAS AT MGA TUNTUNIN NG SAMAHAN NG MGA MAGULANG AT

MGA GURO NG OUR LADY OF THE SACRED HEART COLLEGE OF GUIMBA, INC.
(SMGO), GUIMBA, NUEVA ECIJA

KONSTITUSYON

PAUNANG SALITA
Kami, ang mga magulang at mga guro ng mga batang mag-aaral ng Our Lady of the
Sacred Heart College of Guimba, Inc. na humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos sa
pamamagitan ng Our Lady of the Sacred Heart upang kami ay patnubayan sa pagbuo
ng samahan na naglalayong mapanatili ang magandang ugnayan at pagtutulungan ng
mga magulang at mga guro sa kabutihan, kagalingan at kapakanan ng mga mag-aaral
ay aming itinatalaga at ipinoproklama ang Saligang Batas na ito.

ARTIKULO I – PANGALAN NG SAMAHAN


Ang Samahan ay tatawaging “Samahan ng mga Magulang at mga Guro ng Our Lady of
the Sacred Heart College of Guimba, Inc. Sa madaling pagbigkas ay tatawagin itong
“S.M.G.O.”.

ARTIKULO II – LAYUNIN
Seksyon 1. Upang magkaroon ng mabuting pag-uugnayan, pagtitinginan at pagkakaisa
ang mga magulang at mga guro sa paaralan.
Seksyon 2. Upang magkatulungan ang mga magulang at mga guro sa ikabubuti,
ikauunlad at ikapapanuto ng mga mag-aaral sa paaralang ito.
Seksyon 3. Upang magkaroon ng magkaagapay na pagsubaybay sa mga mag-aaral
tungo sa kanilang kinabukasan.
Seksyon 4. Upang magtulungan ang mga magulang at mga guro para sa ikauunlad at
ikabubuti ng paaralan sa mga proyektong isusulong.

ARTIKULO III – KASAPI


Seksyon 1. Ang bawat magulang ng mga batang mag-aaral at mga guro mula sa Basic
Education Department (K-12) ng OLSHCO ay kasapi sa SMGO.
Seksyon 2. Ang mga tumatayong magulang (guardian) ng mga batang mag-aaral na
ang mga magulang ay nasa malayong lugar ang siyang kakatawan sa kanilang
mga magulang.
ARTIKULO IV – PAMUNUAN
Seksyon 1. Ang Pamunuan ng SMGO ay nasa pamamahala ng “Executive Board” na
binubuo ng mga halal na “Parent Coordinators” ng bawat klase. Mula sa
kapulungang ito ay maghahalal sila ng kanilang 15 “Board of Directors”, 10 mula
hanay ng mga magulang at 5 mula hanay ng mga guro. Mula sa 15 “Board of
Directors” ay maghahalal ng pamunuan na binubuo ng Pangulo, Pangalawang
Pangulo, kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Tagapamahalang Pangkalakal,
Tagapagbalita, Tagapamayapa, Lakan at Lakambini.
Seksyon 2. Ang mga halal na Pamunuan ay siya ring mamumuno ng mga ayon sa
sumusunod:
Pangulo: Election and By-LawsCommittee
Pangalawang Pangulo: Ways and Means Committee
Ingat Yaman: Committee on Finance
Tagasuri: Auditing Committee
Tagapamahalang Pangkalakal: Committee on Programs and Projects
Tagapagbalita: Committee on External and Community Affairs
Tagapamayapa: Grievance Committee
Seksyon 3. Ang mga halal na opisyal ng SMGOay manunungkulan sa loob ng isang
taon hanggang ang kanilang kahalili ay maihalal.
Seksyon 4. Ang halal na “Board of Directors” at halal na pamunuan ay maaring
manungkulan ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na taon.
Seksyon 5. Maghahalal ng una at pangalawang parent coordinator sa bawat silid-
aralan. Kung sakaling hindi makadadalo ang unang parent coordinator, ay may
karapatang makipagpulong ang pangalawang parent coordinator.
Seksyon 6. Ang halal na Board of Directors mula sa hanay ng mga guro ay maaari
lamang mahalal sa posisyon ng Kalihim at Tagasuri.
Seksyon 7. Sa pagkakataong ang mga halal na Parent Coordinators, Pangalawang
Parent Coordinators at ibang halal na Pamunuan ay magbitiw sa kanilang
tungkulin, ang Committee on Election and By-laws ay magpapatawag ng
eleksiyon upang mapunan ang nabakanteng posisyon.
Seksyon 8. Sa pagkakataon na ang isang halal sa pamunuan ay hindi nakadalo o
nakadadalo ng Buwanang Pagpupulong ng dalawang magkasunod na
pagpupulong, ang Kalihim ay may tungkuling alamin ang dahilan kung bakit hindi
siya nakadadalo sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham o notice. Ang
pamunuan ay magbibigay ng sapat na panahon (sampung araw) upang tugunan
ang liham. Ang hindi niya pagtugon ay nangangahulugang papalitan na siya sa
kanyang tungkulin.
ARTIKULO V – LUPONG TAGAPAYO
Ang SMGO ay may Lupong Tagapayo na binubuo ng mga sumusunod:

Punong Tagapayo: Executive Vice President o Vice President for Academic


Affairs ng OLSHCO o sinuman na maatasan ng director.

Pangalawang Punong Tagapayo: Punong Guro ng OLSHCO na hihirangin ng


Direktor

ARTIKULO VI – KATUNGKULAN NG BAWAT PINUNO


Seksyon 1. Ang Pangulo ay siyang may karapatang mamuno o manguna sa lahat ng
pulong, regular, espesyal o biglaang pangangailangang pulong, para sa
kabutihan ng paaralan lalo na ng mga mag-aaral.
Seksyon 2. Ang Pangalawang Pangulo ang siyang pansamantalang tatayo sa tungkulin
ng Pangulo kung ang huli ay may karamdaman o sa mga panahong hindi
maiiwasang dumalo sa pulong o magsasagawa ng kanyang tungkulin.
Seksyon 3. Ang kalihim ang siyang magtatala ng lahat ng mga tinalakay sa pulong.
Siya rin ang mag-iingat ng mga kasulatan at lahat ng mga mahahalagang
dokumento ng SMGO.
Seksyon 4. Ang Ingat-Yaman ang siyang mag-iingat ng salapi ng samahan ayon sa
pamamaraang pinagkasunduan ng “Executive Board”. Siya rin ang mag-iingat ng
tala ng lahat ng mga salapi na nalikom at nagamit ng SMGO. Maglalabas lamang
siya ng salapi kung may pahintulot ng Pangulo o “Executive Board”. Ang salapi
ng samahan ay ilalagak sa Bangko.
Seksyon 5. Ang mga Tagasuri ang siyang may tungkulin na sumuri sa salapi ng
samahan na nasa Pag-iingat ng Ingat-Yaman. Sila rin ang susuri sa lahat ng
mga naging transaksyong pananalapi at gastusin ng samahan.
Seksyon 6. Ang mga Tagapamahalang Pangkalakal ang mangangasiwa ng proyektong
pangkalakal ng SMGO. Sila ang mamimili at mamamahala sa mga kakailanganin
sa pagtitipon, pulong o programa ng samahan.
Seksyon 7. Ang mga Tagapagbalita ang may tungkulin na magbigay ng anumang
Impormasyon para sa mga kasapi o para sa publiko tungkol sa mga programa ng
SMGO na may pahintulot ang Pangulo o “Executive Board”.
Seksyon 8. Ang Tagapamayapa ang siyang taga-pangalaga nang kaayusan at
katahimikan ng samahan sa bawat pulong at pagtitipon.
Seksyon 9. Ang mga “Board Members” ang siyang magbibigay tulong sa mga gawain
na maaring mai-atang ng pamunuan sa kanila.
Seksyon 10. Ang “Parent Coordinator” at “Pangalawang “Parent Coordinator” ay siyang
magiging kinatawan ng mga magulang sa seksiyon na kinabibilangan niya sa
“Executive Board”. Kaniyang tungkulin na dumalo sa lahat ng mga pulong ng
“Executive Board” at magbigay ulat ng mga mahahalagang bagay na natalakay
sa pulong, sa mga magulang sa seksiyon na kinakatawan niya.

ARTIKULO VII – BAYAD AT KONTRIBUSYON


Seksyon 1. Ang “membership fee” ng bawat magulang ay ISANGDAANG PISO
(100.00) nakalaan para sa mga proyekto at programa ng SMGO. Ang halagang
ito ay sisingilin sa panahon ng pagpapatala hanggang sa unang pagpupulong ng
mga magulang.
Seksyon 2. Ang mga kasapi ay maari lamang hingan ng kontribusyon o tulong kung
may mga proyekto ang SMGO na inaprobahan ng Pamunuan ng samahan at ng
Pamunuan ng Paaralan.

ARTIKULO VIII – PAGPUPULONG


Seksyon 1. Ang pangkalahatang pulong ng mga magulang sa samahan ay gaganapin
tuwing bigayan ng marka o “Report Card” ng mga mag-aaral.
Seksyon 2. Maaaring tumawag ng espesyal na pulong sa mga biglaang
pangangailangan sa pamamagitan ng liham ng Kalihim at may lagda ng Pangulo
ng SMGO.
Seksyon 3. Ang mahigit na kalahati ng mga kasaping dumalo ay sapat na upang
magkaroon ng korum na siyang batayan upang ituloy ang anumang Pulong na
nauukol sa samahan. -> Ordinary meeting walang korum.

ARTIKULO IX – PAGLIBAN SA PULONG NG MAGULANG


Seksyon 1. May apat na regular na pagpupulong ang lahat ng mga magulang sa loob
ng isang taong panuruan, bukod sa mga espesyal na pagpupulong na maaring
ipatawag ng Pamunuan ng Paaralan.
Seksyon 2. Ang maaari lamang na dumalo sa pulong ng mga magulang ay ina o ama,
Tagapangalaga (guardian), nakatatandang kapatid o sinumang kuwalipikadong
naatasan ng mga magulang.
ARTIKULO X – HALALAN
Seksyon 1. Ang paghalal ng “Parent Coordinator” sa bawat klase ay sa pamamagitan
ng nominasyon. Mamimili ang mga magulang sa mga kandidato sa pamamagitan
ng pagtataas ng kamay.
Seksyon 2. Ang paghalal ng mga opisyal ng “Executive Board” ay sa pamamagitan ng
“secret voting” o pagtataas ng kamay.
Seksyon 3. Ang mahigit na kalahati ng mga kasaping dumalo ay sapat na upang
magkaroon ng korum at ang kandidato na may pinakamataas na bilang ng boto
ang siyang itututring na panalo
ARTIKULO XI – SUSOG
Seksyon 1. Ang anumang Susog sa Saligang Batas na ito ay maaring sang-ayunan sa
pamamagitan ng boto ng mayorya (majority vote) sa isang regular o espesyal na
pagpupulong ng mga magulang at guro na lalahukan na hindi bababa sa
animnapung bahagdan (60%) ng lahat ng mga miyembro at magkakabisa
lamang pagkatapos sang-ayunan ng pamunuan ng paaralan.
Seksyon 2. Ang anumang Susog ay dapat dumaan sa “Executive Board” upang
kanilang pag-aralan at aprobahan bago maratipikahan ng mga miyembro sa
isang regular o espesyal na pulong.
Seksyon 3. Ang Saligang Batas na ito ay maaring gawan ng anumang Susog sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang “Constitutional Assembly” na bubuuin ng
“Executive Board” o ng Pamunuan ng Paaralan mula sa mga hanay ng
magulang at guro o ng binuong “Committee on Election and By-laws”.

ARTIKULO XII – KATUPARAN


Ang Saligang Batas na ito ng samahan ng mga Magulang at Guro ng Our Lady of the
Sacred Heart College of Guimba, Inc. (SMGO) ay magkakabisa pagkatapos na sang-
ayunan ng Pamunuan ng OLSHCO at magpatibay ng simpleng mayorya sa isang
plebisito na lalahukan ng hindi bababa sa animnapung bahagdan (60%) ng lahat ng
mga magulang.

PAGPAPATIBAY
Ang Saligang Batas na ito ng Samahan ng mga Magulang at Guro ng Our Lady of the
Sacred Heart College of Guimba, Inc. (SMGO) ay PINAGTIBAY sa isang Plebesito na
ginanap noong _______________ sa OLSHCO na nilahukan ng ______ na mga
magulang at guro (____%) mula sa kabuuang bilang na _____ na ang bumoto ng YES
ay _______ (____%), ang NO ay _____ (______%), “ABSTENTION” ay ____ (_____%)
at ang “SPOILED BALLOT” ay ____ (____%), at ang sinangayunan ng OLSHCO noong
___________________.

You might also like