You are on page 1of 6

Talentado at Responsableng Pilipino

Composed by: Irene DS. Torreda

Ang iyong talento ay galling sa D’yos

Paunlarin at gamitin, tuklasin at kilalanin

Bawat talentong bigay sa atin

Karapatang ipakita ito, sa ating kapwa Pilipino

Simulan natin ang pagbabago

Upang tayo’y maging produktibo

Chorus

Tagumpay ay nagsisimula, sa ating pagsasabuhay

Mabuting asal na ating natutunan sa bahay at sa paaralan

Hindi lamang karunungan ang dapat nating pahalagahan

Talento at kabutihang asal palaging isabuhay

II

Sa bawat karapatan natin kaakibat pananagutan

Tagumpay nating hinahangad tiyak nating makakamtan

Maging responsible tayo sa pagsunod sa guro’t magulang

Pagsasabi ng tapat sa tao, pagsasagawa ng trabaho

III

Magalang na pananalita huwag iwaglit sa buhay

Respeto sa ating kapwa ang taglayin at isabuhay

Kaya’t gamitin at pagyamanin talentong tinataglay natin

Kagandahang asal natin ay lagi nang pairalin

IV

Mula nang tayo ay isilang kaugaliang kinamulatan

Hindi dapat kalimutan at iwaglit ng kahit sino man

Talentong magsisilbing puhunan sa katagumpayan natin

Tunay na di magmamaliw ang kagandahan ng puso natin

Kaylangan nating magsikap sa pag-abot ng ating pangarap

Lumaking matalino, mabuti at may kapwa tao

Tunay na makakatulong ka isang Pilipinong talentado

May wastong pagpapakatao at responsableng Pilipino


Kayamanan walang saysay

Kung ang buhay ay salat

Sa kabutihang asal

At talentong bigay sa atin ng tanging may kapal

Tayong lahat ay may natatanging mga kaloob,

talento, at kakayahan

na ibinigay sa atin ng ating maykapal

Mula ng isinilang taglay na natin ang mga ito


Kayat gamitin, pagyamanin, talentong tinataglay natin.
Chorus
Tagumpay ay nagsisimula sa ating pagsasabuhay

mabuting asal na ating natutunan sa bahay at sa paaralan

hindi lamang karunungan ang dapat nating pahalagahan

Talento at kabutihang asal, palaging isabuhay

Talento mo, tuklasin mo

Tungkulin nating paunlarin

ang mga talentong ibinigay sa atin.


Ang responsableng tao ay may-katalinuhang

gumagamit ng kaniyang abilidad

karapatan at kalayaang gamitin

Kaya tara na’t ipakita at gamitin

Talentong kaloob sa atin

Simulan na natin ang pagbabago

Kumilos ng tama at may pagkaedukado

Dahil ang talento mo ang syang tutulong

Sa ikatatagumpay mo.

Ang mabuting ugali ang susi ng tagumpay ng bawat nilalang

Habang ang masamang ugali ay pintong bukas sa kabiguan

Ang Mabuting Asal ay hindi dapat palagpasin,


Dapat laging nasa isip, laging alalahanin,
Kahit nino man, ipagpakita natin ng respeto,
Para ang lahat ng tao ay magiging kaibigan mo.

Wag na wag tayong maging bastos,


Sa paggamit ng po at opo,
Magiging masaya ang Diyos,
At matutuwa din siya dito.

Ang katapatan ay makabuluhan rin,

Ang mga mali ay dapat mong tanggapin

Ang kahinaan ay dapat din alamin

Tara, dapat nang simulan ang baguhin

Kabutihang asal, nasaan ka na ba?

Ang loob ko’y patuloy na tinitira.

Magpakita ka na rin sa mga iba.

Mga naghahanap ng asal, na maganda.

Mayaman o mahirap, basta mabuti.

Magandang asal, sila ang nagwawagi.


Sinusunod nila, ang bawat layunin.

Pati sa bansa, ginagampanan din.

Kagandahang Asal, merong mga uri.

Ilan kaya? Siyam? Walo? Pito? O Anim?

At ilan kaya ang iyong gagamitin?

Hay! Ang mahalaga – hindi babaliwalain.

Ang bayani ay kailangang mabait.


Hindi lamang iyon, pero mayroong malasakit.
May kinakamit dapat ito para sa mundo,
Gagamitin ang ulo, pati na rin ang puso.

Bawat tao may kanya kanyang hilig at talento..


Pagpipinta, pagluluto,o pagkukumpuni ng kahit ano..
Hilig at talento  dapat nating palawakin at eensayo..
Sayang kung kakalawangin lang ang mga ito..

Ang iyong talento ay galing sa Diyos


Kaya huwag nang mahiya na ipakita ito.
Ibahagi ito sa kapwa mo
Simulan na natin ang pagbabago.
Pagbabago sa sarili mo ang nais ng Diyos.
Kaya huwag ng malungkot na ikahiya ito.

Akoy mabuting batang Pilipino

Sumusunod sa mga payo at panuto

Magulang ay iginagalang ko

Mga kapatid minamahal ko

Masipag akong mag-aral at matuto

Lagging nakikinig sa aking mga mahal na guro

Upang magamit ang natutuhang bago

Para higit pang maging mabuting tao


Inaalagaan ko ang aking kalikasan

Basura’y itinatapon sa tamang basurahan

Mga gamit na pwede pang pakinabangan

Tinitipon ko’t ginagamit muli kapag kinakailangan

Kung ang bawat Pilipino’y magsisikap

sa pagkamit ng kanilang pangarap

lumaking matalino , mabuti at tapat

Makatutulong tayo sa minimithing pag-unlad

Upang ang bansa nati’y sumulong at umunlad

Tayong mga Pilipino’y mababait at magagalang

Po at opo ay ginagamit ng palagian

Tayo ay maingat sa ating pananalita

Upang di makasakit ng ating kapwa

Tayo ay mapagparaya sa mga nakakabata

At tumulong sa may sakit at matatanda

Nagmamano pag-alis at pagbalik

At pabaon naman sa atin ay matamis na halik

Tayo ay likas na uliran at huwaran

Maging sa pagkilos tayo ay dahan dahan

Magalang sa pananalita’y di dapat kalimutan

Kapag kinakausap tayo ng kung sinuman

Tagumpay ay nagsisimula sa ating pagsasabuhay

mabuting asal na ating natutunan sa bahay at sa paaralan

hindi lamang karunungan ang dapat nating pahalagahan

Talento at kabutihang asal, susi sa buhay na matagumpay

bagkus lahat ng aspekto ng ating buhay


higit sa lahat pag-uugali at ispiritwal

kaya ang kagandahang asal

ang kagandahang asal ay palaging pairalin

upang ang buhay natin ay umunlad at guminhawa

You might also like