You are on page 1of 4

Slogans Tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao (Values

Education)
1. Laging igalang ang magulang upang pagpapala ay makamtan, kaya huwag silang
kakalimutan upang hindi nila tayo tatalikuran. - by wilkins dableo

2. Lagi mong isipin na ang pagrespeto sa mga matatanda ay dapat panatilihin, kaya
dapat silang pakamahalin upang pagpapala’y aanihin. - by wilkins dableo

3. Ang taong mabait, sa Panginoong Diyos lumalapit, subalit ang taong masama,
kailanma’y hindi niya makakamtan ang tulong, at awa. - by wilkins dableo

4. Ang taong mababa ang loob biyaya ay ipagkakaloob, ang taong mapagmataas laging
mapipintas. - by wilkins dableo

5. Laging sumunod sa utos ng magulang, upang kagalakan nila’y makamtan, dahil sa


oras na sinaway natin ang kanilang kautusan, alam na natin ang maging kahinatnan. -
by wilkins dableo

6. Baguhin ang ugaling masama upang mapaunlad ang sarili sa tama, dahil kapag hindi
natin binago ang ugali ang pagkakamali’y mapapanatili. - by wilkins dableo

7. Ang batang gumagalang sa matatanda ay mapagmalasakit, samantang ang batang


ayaw rumispeto sa matatanda ang hatid ay sakit. - by wilkins dableo

8. Ang taong tumatanggap ng pagkakamali, pag-unlad sa sarili’y mapapanatili.- by


wilkins dableo

9. Ang matulungin sa kapwa tao, kailama’y hindi nang-aabuso, subalit ang taong
mapagsamantala kinukuha ang hindi naman sa kanya. - by wilkins dableo

10. Ang taong palakaibigan ay maraming tulong ang mapagkukunan, subalit ang taong
suplado kailanma’y hindi makahihingi ng saklolo. - by wilkins dableo

11. Huwag mong gawan ng masama ang iyong kapwa, bagkus ibigin mo siya ng buong
puso, at awa . - by wilkins dableo

12. Ang taong mapagbigay sa kanyang kapwa, ay laging tumatanggap ng biyaya, at


pagpapala. - by wilkins dableo

13. Ang taong matatakutin sa Panginoong Diyos ay laging sumusunod sa lahat ng


kaniyang utos. - by wilkins dableo
14. Ang batang masunurin sa magulang ay mabait, Pero ang batang masuwayin sa
magulang ay makulit. - by wilkins dableo

15. Ang pagiging tapat sa kapwa tao ay pundasyon, para tumatag ang pagsasamahan
ninyo na parang korporasyon. - by wilkins dableo

16. Ang magulang ang gumagabay sa atin noong tayo ay bata pa, kaya dapat natin
silang igalang, at pahalagahan samantalang nabubuhay pa sila. - by wilkins dableo

17. Ang mapagmalasakit sa kapaligiran ay ang taong minamahal ang likas na


kayamanan, pero ang pagsira sa likas ng kalikasan ay isang kalapastanganan. - by
wilkins dableo

18. Mapagmahal ang matulungin sa kanyang kapwa, subalit masungit ang nagkakait ng
kanyang awa. - by wilkins dableo

19. Ang masunurin sa utos ng Diyos kailanma’y hindi lumalabag sa kanyang utos. - by
wilkins dableo

20. Ang lumalabag sa kabawalan ay napaparusahan samantalang ang sumusunod sa


batas ay napagpapaumanhinan. - by wilkins dableo

21. Hindi puro agresibo ang nalalaman, dapat mo ring masusing pinag-aaralan, upang
ang tagumpay ay makamtan. - by wilkins dableo

22. Dapat kang magpakatapang, lalo kapag ang katotohanan ang iyong pinaninindigan,
kaya ang pagsisinungaling ay hindi dapat panatilihin. - by wilkins dableo

23. Paunlarin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsusuri, huwag mong tingnan
ang iba kung ayaw mong mapintasan nila. - by wilkins dableo

24. Ang pagiging matulungin sa lahat ay nagpapakita ng tuwa’t galak, samantalang ang
pigiging madamot ay laging nakasimangot. - by wilkins dableo

25. Ang nagtitiwala sa kaibigan ay nag-iimbak ng katapatan, pero ang kawalan ng


katatagan ay nagbubunga ng bagabag, at kalungkutan. - by wilkins dableo

26. Huwag mong ipagdamot ang kayamanan, bagkus ipamahagi mo ito sa


nangangailangan. - by wilkins dableo

27. Disiplinahin ang sarili, upang ang kagandahang asal ay mapanatili. - by wilkins
dableo

28. Magtulungan ang bawa’t isa, upang umunlad, lumago, at sumulong ang ating
bansa. - by wilkins dableo

29. Dapat suwayin ang lahat ng kabawalan, at sumunod sa batas ng lipunan. - by wilkins
dableo

30. Dapat pakamahalin ang mga matatanda, habang sa mundo’y hindi pa sila
nawawala. - by wilkins dableo

31. Huwag mong sarilinin ang iyong karunungan, bagkus ituro mo ito sa mga kapos ng
katalinuhan. - by wilkins dableo

32. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pakitang tao, bagkus ito’y dapat magmula sa
bukal ng iyong puso. - by wilkins dableo

33. Huwag kang malungkot kung nakatulong ka sa iyong kapwa, ang dapat mong
ikalungkot kung nakakagawa ka ng sala. - by wilkins dableo

34. Huwag mong pagtawanan ang taong malungkot, bagkus tulungan mo siya upang
hindi na siya nakasimangot. - by wilkins dableo

35. Lagi mong tatandaan na ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi


makararating sa paruruunan, kaya huwag kang magpalalo, upang makikita ang sarili sa
pagbabago. - by wilkins dableo

36. Huwag kang manghihinayang na tumulong sa iba, sapagkat sa panahon ng iyong


pangaingailangan nandyan sila para tulungan ka rin nila. - by wilkins dableo

37. Respituhin mo ang iba, upang rerespituhin ka rin nila. - by wilkins dableo

38. Hindi man ako kasing gwapo sa kanila, pero matulungin naman ako sa iba. - by
wilkins dableo

39. Aanhin mo ang kagandahan, kung hindi naman tumutulong para sa kapakanan ng
bayan. - by wilkins dableo

40. Hindi man ako kasing talino para sa kanila, ang mahalaga nakabahagi ako ng
kaunting kaalaman sa iba. - by wilkins dableo

41. Tingnan mo ang iyong sarili kung ano ang maiuunlad, hindi iyong humahanap ka ng
kapintasan upang siraan ang kanilang pag-unlad. - by wilkins dableo
42. Ang pagtulong sa taong nangangailangan ay pagpapakita ng tunay na
pagmamahalan. - by wilkins dableo

43. Ituon mo ang iyong pansin sa paruruunan, upang ang tagumpay mo’y walang
katapusan. - by wilkins dableo

44. Lagi mong alalahanin na ang nag-aalaga sa iyo ay ang iyong magulang, kaya dapat
mong suklian ang kanilang pagmamahal ng pagmamalasakit, at buong paggalang. - by
wilkins dableo

45. Ang nagsasauli ng gamit ng iba ay pagmamalasakit, pero ang pagnanakaw ng gamit
ng iba ay hindi maganda. - by wilkins dableo

46. Ang pagdidisiplina sa sarili ay lubhang kailangan, lalo na kapag ang pag-uusapan ay
ang kapakanan para sa lipunan. - by wilkins dableo

47. Ang masuwayin sa batas ay makukulong, pero ang masunurin sa batas ay


susulong. - by wilkins dableo

48. Huwag laging maging negatibo, dapat laging positibo upang ang pagbabago sa
sarili’y laging matamo. - by wilkins dableo

49. Pagsabihan mo ang mga lumalabag, at gabayan mo sila para sa kanilang pag-
unlad. - by wilkins dableo

50. Dapat panatilihin ang pagpapaunlad sa sarili, at pagpapakatao para pagdating ng


panahon ikaw ay magbabago, at maging produktibo. - by wilkins dableo

You might also like