Professional Documents
Culture Documents
Tribung Sulod
-Ang tribung Sulod ay matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz, particular na sa munisipalidad ng Tapaz. Sila
ay mula sa tribung Mundo, isang etnikong grupo mula sa Indonesia na lumipat mula sa Mainland Asia at
nanirahan sa mga bundok ng Panay nang ilang dantaon. Mula sa pangalang “mundo”, napalitan ang kanilang
pangalan ng Bukidnon na kalaunan ay naging “ Sulod” na nangangahulugang “closet” o “ room” . Nagsasalita
sila gamit ang kombinasyon ng diyalektong Kinaray-a at Hiligaynon. Madalas sa mga ito ay monolinggwal.
- Isa sa mga natatanging kultural na paniniwala ng mga ito ay ang pagtatago at pangangalaga sa binukot, ang
magagandang babae na itinatago sa loob ng silid. Pinagbabawalan silang lumabas at mabilad sa ilalim ng araw
at mananatili lamang sa loob mula pagkabata hanggang sa araw na sila ay ikakasal. Ang mga babaing binukot
ang tinaguriang epic chanter ng nasabing tribu. Ang kanilang chant ay maaaring umabot ng tatlumpung oras.
Nagmula sa tribung ito ang kilalang epiko ng Panay na Hinilawod. Ito ay isang oral na poklor na nagpapakita
sa tribung Sulod at ang kanilang sagradong seremonya at ritwal. Umaabot hanggang sa tatlong araw ang
pagbabahagi ng kabuuang estorya. Noon, ang babaeng binukot ay nagdarasal at sumasayaw sa ilalim ng buwan
upang magkaroon ng masaganang ani.
-Kapag ang tribu namatayan ng isang mahalagang tao, tulad ng isang baylan o parangkuton, hindi siya
inililibing sa lupa. Isang kabaong ang inihanda para sa kanya sa pamamagitan ng pagputol ng isang malaking
kahoy at gumawa ng kabaong. At inilalagay ito sa ilalim ng kubong gawa sa cogon ang bubong sa taas ng
bundok.
- Pagkatapos, ginagawan ng butas ang dulong bahagi ng kabaong at inilalagay doon ang isang kawayan na
tinatawag na “ pasuk” bilang daluyan ng “ tagas” o ng tubig na umaagos mula sa patay na katawan. Matapos
ang dalwa o tatlong buwan, inaalis ang buto, hinuhugasan, binabalot sa itim na tela, at inilalagay sa ilalim ng
ambi ng bahay.
Inilipat ang Palawan mula sa Region IV (Luzon) at naging bahagi ng Region VI ( Visayas) noong
May 23, 2005 batay sa EO 429.
Ang mga miyembro ng tribung Tagbanua ay napabibilang sa pinakaunang naninurahan sa isla ng
Palawan at sa nakapaligid na isla nito. Madalas sa kanila ay naninirahan sa sentral na bahagi ng
Palawan. Ang kabuuang bilang ng mga Tagbanua ay bumabaha sa kasalukuyan. Mula 129, 691 na
mga miyembro noong 1987, 10,000 na lamang ang natitira sa kasalukuyan.
May pinaniniwalaang tatlong salin ng katawagang Tagbanua. Una, ito raw ay nangangahulugang
“people of the world” dahil sa “banua” na nanganghulugang world o mundo. Pangalawa, ito raw ay
nangangahulugang “people from our place” mula sa “ banua” na nangangahulugang land o place. At
pangatlo, nangangahulugan raw itong “people from the inland” dahil sa anu ana nangangahulugang
countryside o inland.
2. Ang mga Tagbanua sa kanlurang bahagi- na kilala rin bilang Calamian Tagbanua at
naninirahan sa archipelago ng Clamian, lalong-lalo na sa Coron at Busuanga, at
munisipalidad ng El Nido.
Sila ay may kayumangging balat, payat na pangangatawan, at maitim at mahahabang buhok. Noon,
kapuwa lalaki at babae ang may mahabang buhok, at pinapaitim ang kulay ng kanilang mga ngipin.
Kultura
Gumagawa sila ng sari-saring ornaments tylad ng ear plugs, suklay at pulseras. Dagdag pa, ang mga
babae ay gumagawa ng mga kuwintas, at ang angklet na gawa sa brass at copper.
Isa sa mga kilalang tradisyon ng Tagbanua ay ang paggawa ng basket na may iba’t ibang disenyo at
ginagamit nila sap ag-aani. Mahilig din sila sa musika. Ang kanilang mga instrument ay ang; arudin,
babarak, tipanu, tibuldu, kudlung, gimbal, tiring, at babandil. Mayroon din silang iba’t ibang sayaw:
1. Aballardo, isa itong tradisyunal na sayaw ng mga lalake.
2. Andardi, isang festival na sayaw ito tuwing Pagdiwata.
3. Bugas-Bugasan, sinasayaw ng lahat na dumadalo sa Pagdiwata.
4. Kalindapan, sinasayaw ito ng mga babaeng babaylan.
5. Runsay, sayaw ng mga nakatira sa baybayin. Isinasagawa rin pagkatapos ng healing dance
na sinasayw ng isang babaylan.
Social Class
Mahalaga sa kanila ang pag-aasawa. Kadalasan inaayos ng mga magulang ang kasal.
Mangindusa, diyos na namamahala at nagpaparisa sa may sala
Polo, diyos ng karagtan at tinatawag kapag may sakit
Sedumanodoc, diyos ng mundo, sinasamba para sa masaganang ani.
Tablacoud, diyos sa ilalim ng mundo.
Ebalwasyon
I. Tukuyin ang nasa bawat bilang. Isulat ang kasagutan sa patlang na nakalaan.
- ni Nelia Orpiano-Du
Ang mga B’laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian n dumating at nanirahan sa Pilipinas
mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakaraan.
Sila ang unang gumamit ng bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas.
Nagmula sila Indonesia dahil sa pagkakatulad sa Sistema ng ponemang patinig . Mas gugustuhin ng
mga B’laan na tawagin silang B’laan kaysa Bi-la-an dahil para sa kanila ang pagbigkas na Bi-la-an ay
nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan.
Ayon sa kanila, ang kahulugan ng Bi-la-an tuwing binibigkas ay “ malandi” o “ “kalandian” . Ang
terminong B’laan ay tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo na noon ay tinatawag na Bira-
an, Bara-an, Blaan o Bi-la-an. Ang “ Bila” ay nangangahulugang kaibigan. Karaniwan silang nakatira
sa matataas na bahagi sa mga bulubundukin sa North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands. May
ilan ding nakatira sa palibot sa ng Lake Buluan at ang ilan naman ay naninirahan malapit sa mga
dalampasigan ng Davao.
Ang pamayanan ng B’laan ay pinangungunahan ng datu o village chief na tinatawag na fulong ( wise)
. Ang fulong ang pinakamatanda at pnakamaalam sa baryon a itinuturing na maykaya sa buhay dahil
sa pagkakaroon ng ginto, alipin, a iba pang kultural na kagamitan. Ang fulong ay hindi dumadaan sa
pormal na pagpili. Hindi rin siya humigingi ng mga bagay-bagay bilang pagkilala sa kanya ngunit
maaaring magbigay ang mga tao tanda kanilang paggalang sa kanya. Ang may kayang fulung ay
maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niyang suportahan. Itinuturing siyang pinuno,
tagapagsanggalang, tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa mga suliranan.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan ay pagkakaingin, o inigo sa kanilang wika. May
dalwang magkasalungat na paliwanag tungkol sa replasyon sa lupa ng mga B’laan. Ang una, ang
kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng B’laan na palipat-lipat ng lugar dahil iniisip nilang
hindi kailangan ng permanenteng lupa para sa kabuhayan. At, ikalawa naman ay dahil sa kalikasan ng
kaingin kayanapipilitang lumipat ng lokasyon ang mga B’laan at bumabalik sila kung maayos na ang
lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon. Palay ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at
iba pang pananim.
Ang pagdating ng mga kristiyani ay nagbunsod sap ag-iwan ng mga B’laan sa kanilang minanang
lupa. Ang mga B’laan ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila sa lahat na kinikilala nilang
D’wata ( God) . Siya ang itinuturing na Mele ( planter) ng Langit ( heaven) at Tana (earth)
L’nilong ( fairies), mas mababa sa Diwata. Tagapangalaga
Snalig, tagapangalaga
M’fun D’lag, owner of the forest
Para sa mga B’laan, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan dahul likha ito ng Panginoon. Ang
pagtatanim ng palay na tumatagal ng limang buwan ( Mayo-Oktubre) , samantalang sa susunod na
ilang buwan naman ang sa kamote ( Nobyembre-Marso). Pagkatapos nito ibabalik ng mga B’laan ang
lupa sa komunidad at lilipat ng ibang lokasyon upang isagawa ulit ang pagtatanim.
Ang mga B’laan ay nainpluwensiyahan ng Kristiyanismo. Karamihan sa naging Kristiyano ay naging
protestante na bahagi ng Christian Missionary Alliance Church of the Philippines ( CAMACOP),
United Church of Christ of the Philippines ( UCCP) , United Methodist Church, ibp. Ang ilan
naman ay katoliko. Tinatayang 40 % ng mga B’laan ay naging Kritiyano.
Ang bahay ng mga B’laan ay may taas na anim hanggang sampung pulgada mula sa lupa at may
hagdan na binubuo ng ttalong baytang. Ang dingding ay yari sa kawayan. Nakasabit sa ding-ding ang
mga sandata na gawa sa kahoy . Nag silong ay kulungan ng mga alagang hayop.
Ayon kay Javier (1998), parehong nagsusuot ng tela na yari sa abaka ang kasuotang pantaas ng mga
B’laang babae at lalake. Ang mga blusa ng mga babae ay napapalamutian ng mga makikinang na mga
materyales tulad ng mga beads at mga butons. Ang mga dyaket ng mga lalaki ay di-gaanong burdado.
Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang “ man” (tao) at “daya” ( itaas na bahagi ng ilog). Kaya
ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the Uplands. Sila ay naninirahan sa
bulubundukin ng Katimugang Mindanao sa Davao del Norte, Compostel Valley Province, Agusan del
Sur, at Davo Oriental. Sa Davao oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya. Ang
Sangab ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, sa
munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon.
Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero para makarating lamang sa tuktok ng
Sangab. Minsan may dump truck na naghahakot ng mga produkto.
Ang Sityo Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga sasakyan, malayo sa
polusyon, at walang gulo. Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar kung walang pahintulot
ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain. Council of elders, ang siyang nagpapaalala kung
ano ang katanggap-tanggap sa kanilang lipunan. Isa na rito ang pagsuot ng short ng mga babae.
Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History ang mga Mandaya ay walang
kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na Gawain at sa kanilang pananampalataya.
Nakasanayan nila na manalangin sa Panginoon bago magsimula sa anumang mga Gawain.
Magbabaya (God), galling sa salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay walang pinagmulan at
walang katapusan. Pinaniniwalaan nil ana pagmamay-ari niya ang lahat ng nakikita ng tao.
Bago nakapagsagawa ng pananaliksik, kinailangan munang magsagawa ng panawagtawag ang balyan,
ang priestess at local na manggagamot at isa sa mga naging importante.
Pagpapakasal at Pag-aasawa
Ang pag-aasawa ay paraan lamang nila upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang.
Kaya ang mga magulang ang nag-uusap. Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kalian mag-
aasawa ang isang babae o lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede
na. Ang gawing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi biro at kailangan itong
sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
Sa pagbubuntis, ang babae ay palaging hinahaplasan o pinapahiran ng mga halamang gamot. Ang
mananabang ay gumagamit ng tagal’lumo ( mga bagay-bagay o halaman) . Kadalasan galling ito sa
panaginip o kaya’y itinuro ng kanilang abyan ( espiritu). Ang iba naman ay pamana ng magulang o
pamilya.
Hinihilot ng mananabang ang tiyan ng isang buntis para mapabuti ang lagay ng bata sa loob ng tiyan
at para pagdating ng kanyang kapanganakan ay hindi na siya mahirapan. Sa panganganak, ang buntis
ay hinahaplasan para pampadulas upang mapadali ang paglabas ng bata. Sa pagsilang ng bata ay agad
puputulan ng pusod, lilinisan, payuyukuin, at pipikpikin para umiyak na palatandaang buhay ang bata.
Ang gamit sa pagputol ng pusod ay lais, kawayan na matalas ang gilid at nagsiislbing kutsilyo.
Pagkatapos ng panganganak, ang mananabang ay binibigyan ng mga gamit o di kaya’y pera o hayop
bilang pasasalamat.
Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang maligo. Ang tubig panligo na gagamitin
ay nilalagyan ng sabong ( gabon) o kaya’y dahoon ng kalamansi. Sa ikatlong araw, ang pamilya ay
maghahanda na para sa gagawing bunong, isang ritwal para sa bagong silang na sanggol at sa
kasalukuyan ay tinatawag nil ana isang binyag sa sanggol.
Pagdiriwang ng Kaarawan
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi nila sinusunod. Tanging bunong ( bagong silang) lamang ang
kanilang ipinagdiriwang.
Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang ama ay agad magtatanim ng
punongkahoy sa kanilang bakuran para maging kasabay ito sa paglaki ng kanyang anak. Ang
punongkahoy na itinanim ay magsisilbing tanda rin ng edad ng sanggol.
Ang mandaya ay naniniwala na kung may namatay, ito ay kinuha n ani Ibol ‘l. Siya ay naninirahan sa
ilalim ng lupa at nag-aari sa mga patay. Sa Mndaya, kapag namatay anng isang tao, isang araw lamang
itong paglamayan bago ililibing. Maaaring ilibing sa lupa o kuweba, o di kaya’y ibinibitin sa itaas ng
malaking punong kahoy. Ang patay ay babalutan ng kumot at gagawan ng ritwal bago umalis sa bahay
at kasamng ililibing ang gamit ng patay.
Pananampalataya
Ang Mandaya ay lubusang naniniwala na ang lahat ng bagay ay talagang may nagmamay-ari kaya,
dapat lamang magbigay-galang o respeto gayundin ang pagpaalam sa mga espiritu na naninirahan
tulad ng nasa punongkahoy o di kaya’y sa ibang lugar.
Gamot
Ang kagubatan ay nagsisilbi nilang palengke at parmasiya sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang
pang-araw-araw na pagkain at gamot.
Paniniwala sa Sakit
Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang espiritu na sumanib sa katawan nito
dahil nakaligtaan niyang magpaalam sa mga espiritu ng lugar na kanyang napuntahan.
Pampaganda
Ang kagandahan ay nakikita sa ugali. Kapag ang babae ay byagid o byabagid o ang ngipin nito ay
pinutulan. Ang mga babae ay dapat kumpleto ang gamit, mula sa byatataan (embroidered blouse),
linangaw ( kuwintas), balikog (hikaw), pamul-lang ( set ng pulseras) , kurbata ( breast cover made of
beads) atbp. Ang pampaganda nilay ay kinukuha nila sa mga halaman at bulaklak na tumutubo sa
kagubatan.
Pagluluto
Ang lahat ay niluluto sa kawayan. Kung bigas ang lulutuin ito ay tinatawag na yumbol’l. Gamit ang
kawayan ay babalutin ito ng dahoon ng halamnag bagikik. Ang karne, pasayan, kasili, na niluluto sa
kawayan ay tinatawag na lul’lut. Kung ang isda o karne ay iihawin, ay tinatawag itong sinugba. Kung
ito naman ay binalot sa dahoon ng sgaing at iihawin, ito naman ay tinatawag na bungos.
Ilang Pamahiin
Ang pagputol ng puno ng balite ay napakadelikado sapagkat bahay raw ito ng mga engkanto o
aswang.
Kung may namatay, kailangang maglagay ng apoy sa ibaba ng bahay para hindi lapitan ng aswang.
Kapag ang isang babae ay buntis, kailangang mayroon siyang dalang suwa
( bawang) lalong-lalo na sa kanyang kwarto upang hindi malapitan ng aswang. Pinaniniwalaan na ang
mga sanggol ay paboritong putahe ng aswang.
Upang hindi mahirapan sa panganganak ang isang buntis ay hahakbangan siya ng kanyang biyenang
babae nanag pitong beses.
Hindi rin pwedeng kumain ng buguk o hindi napisang itlog dahil ito raw nakakatamad.
Ang mga dalagang babae ay hindi dapat kumain ng tiwi ( buntot) ng manok upang hindi ito
maglalandi o kekembot-kembot.
Hindi rin dapat kumain ng dobleng saging o anumang prutas upang hindi dumoble ang bata.
Mga Taboo
Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka kumulog at kumidlat.
Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging abnormal.
Bawal tumawa kapag may kulog at kidlat at baka ikaw ay kainin ng kidlat
Konsepto sa Oras
Sila ay nagmamsadi sa araw, bituin at sa nakapaligid na hayop. Kung ang araw ay nakasentro sa gitna
ng bahay, tanghali na. Kung tumitilaok na ang manok sa madaling araw, ala una nga ng umaga. Kapag
nagpapalitan na ng mga tunog ang inahing manok, alas tres na ng madaling araw.
Ang ibong kal’aw naman ay nagtatakda rin sa kanila ng oras. Ito ay humuhuni maya’t maya na may
interbal na tigtatlumpung minute kaya nasusundan nila ang oras sa buong araw.
Ang matatandang Mandaya ay naniniwala na ang sanlibutan ay binubuo ng tatlong leyer. Una, ang
mga nilalang na nasa ilalim ng lupa ay tinatawag na ugsuban. Kabilang na dito si Ibol’l, na
nagmamay-ari ng mga patay.
Ikalawa, ang mandal’luman na tumutukoy sa mga tao. Dito sa mundo ay maraming tukso. Kaya
kailangan ng tao ang ritwal para kaibiganin o suyuin ang masasamang espiritu upang hindi magalit sa
tao.
Ang ikatlong leyer ay tinnatawag na pagawanan,kung saan bahagi nito ang langit. Sa langit
naninirahan si Magbabaya ( God).
Lindol, kapag lumilindol naniniwala sila na gumagalaw ang kasili na nasa ilalim ng lupa.
Eklipsi, ang sanhi nito ay ang pagkagat daw ng ibong tambanukawa sa araw.
Bagyo, naniniwala sis a samot, ang malakas na hangin at ulan na nananatili sa kalawakan at biglang
bumagsak sa isang lugar.
Ebalwasyon
I. Instruksyon: Ibigay ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ano ang tawag sa datu o village chieftain ng mga B’laan at siyang namumuno sa kanila?
________________.
2. Ano ang kahulugan ng bigkas na Bilaan? _______________.
6. Sila ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at naninirahan sa Pilipinas mga 5,000 o
6,000 taon na ang nakakaraan. _______________.
10. Tinatawag din itong fairy at pinaniniwalaang mas mababa kaysa D’wata _____________.
II. Ibigay ang mga hakbang sap ag-aasawa at pagpapakasal ng mga Mandaya ayon sa pagkakasunod-
sunod, at kung ano ang ginagawa sa bawat hakbang.
1. _________________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________
6. ____________________________________________________________________________
7. _____________________________________________________________________________
8. _____________________________________________________________________________
9. _____________________________________________________________________________
10. ____________________________________________________________________________
- nina Nenita Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaundang, Nelia O. Du, at Julie Ann Asari-Orobia
- Kilala ang Bukidnon bilang Pineapple Capital of the World. Isang agricultural na lugar
at lupain ang Bukidnon. Malamig rin ang lugar na ito.
1. Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga taga Bukidnon.
Kahit na sila ay watak-watak, nangingibabaw pa rin ang iisang tradisyon ng bawat grupo.
2. Ang Arumanen- Manobo- Sila ay makikita sa probinsya ng Hilagang Cotabato. Ang
pangunahing pangangailangan ng grupo ay paghahanap ng pagkain at pagsasaka.
5. Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del Norte ang
Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig sabihin ng salitang Tigwahanon ay mula sa salitang guwa o scattered
sa Ingles at mula sa ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira. Sa kasalukuyan, ang mga Tigwahanon
ng Agusan Del Norte, Bukidnon, Agusan del Sur at Misamis Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,
128 ang populasyon.
6. Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa probinsya ng Bukidnon. Kilala ang
tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung magdesisyon at eksperto sa Gubat. Makikilala
sila dahil sa kanilang katamtamang kulay ng balat, katamtamang tangkad, at sa kanilang prominenteng
panga at buto sa dakong itaas ng pisngi o cheekbone. Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks
bilang palamuti sa katawan tulad ng ginakit o kwintas, sining o handbag ng lalaki, at binuklad o
pulseras. Ang populasyon nila ay aabot sa 101, 906.
-Sa mga nabanggit sa itaas, makikita ang mayamang kultura ng Bukidnon. Narito ang mga kahulugan o
deskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo- ang pitong tribu ng Bukidnon-sa isang buong taon.
1. Una, ang pangampo, isang taunang rutwal na nangyari tuwing buwan ng Enero na pumapaloob sa
pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya.
2. Pangalawa, ang panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng Marso at humihingi
kay Magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan.
5. Panlima, ang pangapar, isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang maitaboy ang mga
pinagmulan ng sakit at karamdaman.
Etnikong Awitin
MANSAKA