You are on page 1of 2

Marc Anjelou Galleta

Grade 12 – St. Therese


Talumpati

Magandang umaga!
Ang ating mundo ay kailangan na ng pansin kung saan nasisira
na at unti unting kumukupas, sa mga pangyayaring ito tayo mismo
ang dahilan.
Dati, ang hangin ay sariwa, ang tubig ay malinis, at ang ating
mundo ay malusog. Ngayon, masangsang ang amoy ng hangin,
malinaw ang pagkarumi ng tubig, at ramdam ang kakila-kilabot na
init ng araw; lahat ng bagay ay marumi!
Lalong lumalala araw-araw. Ang sakit ng mundo ay isang
malalang bagay para sa bawat nilalang na nakatira dito, tao man o
hayop. Bakit nagkaganito? Ano ang nagiging sanhi ng pagbagsak ng
kalidad ng pamumuhay dito sa ating planeta?
Dulot nadin ng mga iresponsableng tao. Wala silang pakialam
sa ating mundo. Nagsusunog sila ng mga bagay na walang
limitasyon, tinatapon ang kanilang mga basura sa dagat, at pinutol
ang mga puno na daan-daang taon ng nakatayo sa mga dating
malulusog na gubat.
Wala silang pakialam. Ang mga tao ay walang konsiderasyon.
Hindi nila iniisip ang mga bunga ng kanilang mga gawain. Ang lahat
ay tungkol sa benepisyo, pagkamakasarili, at kasiyahan sa sarili
Ang mundo lamang ang ating nag-iisang tahanan. Sisirain paba
natin? Hahayaan ba natin? pagkamasarili na lang ba? Sariling
pakanan nalang ba? pano din ang tahanan mo ang mundo? Habang
may buhay may pag-asa nga sabi kaya't ang natatanging paraan ay
magkakaisa tayo babangun ulit at muling ibalik ang dating mundong
kinikilala natin kaysa ngayon!
Marc Anjelou Galleta
Grade 12 – St. Therese
Lakbay-sanaysay

Pilipinas
Ang mundo ay pinapalibotan ng mga magagandang tanawin at lugar
na kung saan maraming tao ang nagkakagustong lumakbay sa ibat ibang
dako dito sa mundo. Tulad nalang ng South Korea sa Seoul, sa Paris ang
Eifeil Tower o kilala bilang City of love, at marami pa. Maliban sa mga
nabanggit, ang pilipinas ay isa sa mga dinadarayuhan ng mga torista galing
sa ibang bansa, dinadayuhan nila ang Boracay, Baguio, Vigan, Palawan
tourist spots, and Hundred Isalnds sa Pangasinan at iba pa. Hindi lamang
ang ganda ang dindayuhan kundi pati na rin ang mga pagkaing tradisyon.
Ako naman na nangangarap makapunta sa mga sikat na lugar dito sa
bansa. Ang napuntahan ko pa lamang ay ag vigan sa calle crisologo, Bantay
Tower, sa may Dancing Fountain at damang dama mo ang ganda lalo na ang
vigan ay papular sa mga tao dto sa mundo. Masarap din ang kanilang
pagkain at ang kanilang espesyal ay ang longganisa vigan, bagnet, kornik,
at marami pang iba. Napuntahan ko na din and isa sa mga papular na
carnival dto sa bansa ang Star City, Bata man o matanda damang dama mo
amg pagkabata dto, iba't ibang sasakyan at mga laro ang nandito, ang
feriswhell, roller coaster, ang haunted house, at ang diko makakalimutan
dun ah kasama ko si mama doon at mga pinsan ko pero sa di inaasahang
pangyayari sa Star City kakakailan ay nasunog ito sa nakaarang buwan pero
base sa balita mula sa ABS-CBN NEWS muli daw itong bubuksan sa petsang
oktubre sa susunod na taon (2020). Nakapunta narin ako sa Luneta Park sa
Laguna, dito matatagpuan ang statwa o statue ni G. Dr. Jose Rizal ang
pambansang bayani ng Pilipinas, Kasama ko parin dto si mama at mga
pinsan ko, hinintay namin ang dancing fountain show sa oras ng 6:00 pm.
Sa SkyLine, kompara sa mga napuntahan kong lugar dito talaga ako nahilo
ng sobra kasi yung daanan nila sa tabi lang ng bundok kasi bundok din
naman yung SkyLine tapus ang nakakainis naman ay pagdating na namin
doon, di namin nakita yung ganda kasi hinarangan ng ulap. Sa aming
barangay (Baluarte, Salcedo, Ilocos Sur) meron din matatagpuan na talon o
agilla falls. Madadama mo dito ang saya at lamig sa halagang 10 pesos.
Maliban sa mga napuntahan ko, madami pa akong gustong puntahan.
Masyado pa akong bata para maglakbay mag-isa. Gusto ko pang lakbayain
ang mga kayaman ng ating bansa at alamin ang mga tradisyong gawain ng
mga tao sa iba't ibang lugar kasama ang aking kaibigan o ang aking pamilya
at sana hindi magkukupas ang ganda at yaman ng Pilipinas.

You might also like