You are on page 1of 4

Magandang umaga mga turista! Kami ang inyong tourist guide ngayong araw!

Chester:Ako si chester chaz laja

Andrea: at ako naman si Andrea Hernan

ipapasyal naming kayo sa pinaka maganda at kabighabighaning lugar na makikita sa


silangang asya.

Welcome sa pilipinas!

Chester: Sa mahigit 7,100 na isla sa Pilipinas, tiyak na mapupukaw ng Perlas ng


Silanganan ang iyong pansin. Mula sa mga naggagandahang beaches, makapigil hiningang
views, malilinaw na tubig sa lagoons, talagang mabibighani ka sa dami ng magagandang
tanawin sa Pilipinas. 

Andrea: Sa katunayan nga, ilang beses ng napapangalanan ang Pilipinas bilang Best Island
in the World ng mga international travel magazines! Kaya naman hindi na kataka-taka kung
bakit maraming banyaga ang gustong bumisita sa Pilipinas.

Chester: halos lahat naman sa atin alam kung saan at ano ang pilipinas diba?

Andrea: tama ka jan! ngunit heto pa ang ilang ideya para mas mabighani at mahanga kayo
sa pilipinas!

Chester: limang Pinakamagandang Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas, Sa dinami-rami


ng magagandang tanawin sa Pilipinas, tila ba ang mga ito ay parang tanawin drawing
na hindi makatotohanan at gustong iguhit mo ang pamayanan na matatagpuan sa ating
lungsod. Narito ang listahan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas with description
mula hilaga hanggang timog ng bansa

Andrea: banaue rice terraces; Kung nais mong gumawa ng magagandang tanawin
drawing, pumunta ka sa Ifugao! Pinaniniwalaang ginawa ilang libong taon na ang
nakalilipas, hindi pa rin kumukupas ang ganda ng tanawin na ito na tinatawag na Hagdan-
Hagdang Palayan o Banaue Rice Terraces sa probinsiya ng Ifugao. Kabilang ito sa
UNESCO World Heritage Sites ng Pilipinas. Malamig ang klima rito kaya kung bibisita ka,
siguraduhin mong may dala kang jacket, Dahil located ito sa mataas na bahagi ng bansa,
medyo challenging ang pagpunta rito. Kailangan mong mag-hike ng ilang oras para
marating ang Hagdan-Hagdang Palayan. At kapag nandoon ka na, lahat ng pagod mo ay
mapapawi dahil sa ganda ng view. Kaya ‘wag mong papalagpasin ang Banaue Rice
Terraces dahil ito ay isang magandang tanawin sa Luzon.
Chester: susunod naman ang tayid light house! Isa pa sa mga magagandang tanawin sa
Luzon ay ang Tayid Lighthouse sa Batanes. Sa lahat ng lighthouse sa Batanes, ito ang
pinakamaganda! Mayroon itong hexagonal tower deck na kakaiba sa mga ordinaryong
lighthouse sa probinsya. Kapag nandoon ka na, mapapanganga ka na lang sa ganda ng
view dahil kitang-kita mo ang Pacific Ocean, Mt. Iraya at Diura Fishing Village! Kapag nakita
mo ito, tila ba ikaw ay tumitingin sa isang tanawin drawing na hindi makatotohanan dahil sa
sobrang ganda.

Andrea: pangtatlo sa listahan ay ang kagayan lake! Dubbed as the “cleanest lake in the
Philippines” and one of the cleanest in Asia, ‘di ka bibiguin ng Kayangan Lake sa Coron,
Palawan na isa sa pinakamagandang mga lugar sa Pilipinas! Malinaw at malamig ang
tubig, matataas na limestone formations—ilan lamang ito sa mga dahilan para bisitahin mo
ang Kayangan Lake. Kung gusto mong makita ang buong lugar from above, kailangan
mong umakyat nang 300 steps para makarating sa hill kung saan makikita mo ang picture-
perfect view. Isa pa ito sa mga lugar na para bang isang tanawin drawing dahil sa sobrang
ganda. Para sa iba pang magagandang lugar na puwedeng puntahan sa Coron, basahin
mo ang blog na ito.

Chester: kasali nadin ang Puerto princessa underground river, dahil sa natural na ganda at
spectacular limestone karst landscapes, nailathala ang Puerto Princesa Underground
River sa Palawan sa Pilipinas bilang UNESCO World Heritage Site. Ayon sa UNESCO, it
encompasses one of the world’s most impressive cave systems. Bukod sa pagiging
UNESCO World Heritage Site, kabilang din ang magandang tanawin na ito sa 7 Wonders of
Nature. Dahil isa ito sa mga magagandang tanawin sa Luzon, madalas nagkakaubusan ng
ticket papunta rito kaya siguraduhin mong may ticket ka na bago pumunta rito. 

Andrea: hindi mag papahuli ang mayon volcano! A stunner and a killer—ganito karaniwang
inilalarawan ang Mayon Volcano sa Albay. Ito ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas at
itinuturing na isa sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas. May perfect cone shape ang
Mayon kaya gustung-gusto itong puntahan ng mga turista. Marami ring historical tourist
spots na malapit sa Mayon kaya one-stop-shop na ito. Kung titingnan mo ito, para ka ring
nakatitig sa magagandang tanawin drawing dahil sa ganda. Kaya kung gusto mong masulit
ang iyong 12 oras na biyahe, puntahan mo ang Mayon dahil isa ito mga magagandang
tanawin sa Luzon.

Chester: iyan ang limang magagandang tanawin na pwede niyong bisitahin sa pilipinas!

Andrea: ngayon dumako naman tayo sa pagkain nanguguna sa listahan ay ang adobo
Kapag sinabing pagkaing Pilipino, agad maiisip ang adobo. Pinaghalong alat at asim ang ito
Pero may iba na ang gusto sa lutong ito ay manamis-namis, depende na sa iyong panlasa.
Karaniwang laman ng adobo ay baboy at manok. Toyo at suka ang pinakang nagpapalasa
sa sabaw ng adobo, ang iba naman ay naglalagay ng laureal leaf.
Chester: susunod an gang sisig pangalawa sa ating pagkaing Pinoy list ay ang sinigang
dahil halos lahat ng Pilipino, ito ang paborito. Kapag ito’y iyong tinikman, mapapangiwi at
kikiligin ka sa asim ng sabaw dala ng sampaloc. Sinigang na baboy ang pinakasikat na luto
rito pero puwede ka rin magsahog ng manok, isda, at hipon. May sangkap din itong mga
gulay gaya ng sitaw, kangkong, okra, at gabi.

Andrea: pangatlo ay ang sisig! Karaniwang gawa sa tinadtad na maskara, tenga o mukha
ng baboy ang sisig. Hinahaluan ito ng toyo, sibuyas, calamansi, at itlog. Mas nagiging
masarap pa ito kapag sa sizzling plate inihahain. Sa sobrang sikat ng pagkaing Pinoy na
ito, available ito kahit saang lupalop ng bansa. Pero kung gusto mong matikman ang
authentic sisig, pumunta ka sa Pampanga kung saan ito nagmula.

Chester: hindi mag papahuli ang kare-kare Malapot at malinamnam—ganito mailalarawan


ang sabaw ng kare-kare. Kulay dilaw ito dahil sa mani at peanut butter na pangunahing
sahog sa pagkaing Pinoy na ito. Pinakasikat ay ang kare-kareng baka. May iba naman na
gumagawa ng kare-kareng bagnet at seafood kare-kare na talagang mapapa-oh wow ka sa
sarap!

Andrea: Hindi mawawala sa ating listahan ng mga pagkaing Pinoy ang lechon. Malutong
ang balat at juicy ang laman na masarap i-pares sa liver sauce. Sa Cebu at Batangas
matitikman ang pinakamasarap na lechon sa Pilipinas. Sabi nga ni Anthony bourdain, it’s
the best pig ever! 

Andrea: hays nakakagutom naman pala talaga ang sasarap ng mga pagkain!

Chester : ngayon dumako naman tayo sa katangian ng mga Pilipino. Ano nga ba sila? Ano
nga ba tayo?

Andrea: hindi mawawala sa pagiging isang Pilipino ang pagiging magalang Isang
magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano
sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata
matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay,
kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at
nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. Ipinakikita rin ang paggalang ng mga
batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at
magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po."
Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate,
manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Chester:susunod ang pagtutulungan,Nagsisimula ito sa sariling tahanan.


Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito.
nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at
mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang
Pilipino. Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan.
Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking
gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang
maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito
tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa
ibang lugar.

Andrea: iyan lamang mga konting impormasyon dito sa pilipinas na sanay


nagustuhan ninyo.

Chester: pano bayan dito na magtatapos ang ating paglalakbay.

Hanggang sa muli mga turista! Paalam!

You might also like