You are on page 1of 1

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KALINGA (LUBUAGAN) (CADAMAYAN FALLS 3) #3


Sa kabila ng kagandahang mayroon ang Kalinga ay likas na mayaman din ito sa
kultura’t tradisyon. Isa na rito ay ang pagtinta sa katawan o pagta-“tattoo”. Ang mga disenyong
inuukit sa katawan ng mga taga- Kalinga ay batay sa mga bagay na kanilang nakikita sa pang
araw araw tulad na lamang mg hagdan, palayan at alupihan. Ang mga ito ay nagsisimbolo ng
kalakasan, kagandahan at katandaan. Mambabatok ang tawag sa mga “tattoo artist” ng
Kalinga. Isa sa pinakamatandang tradisyunal na mambabatok ng Kalinga ay si Apo Whang-Od
sa edad na 92. Ang mga instrumentong ginagamit sa pagta-“tattoo” ay mula sa kawayan at mga
tinik ng halaman na gawa ng mga tao roon. Habang ang tinta ay gawa sa pinaghalong tubig at
uling. Ang tradisyon na ito ng probinsya ng kalinga ay ‘di gaanong tinatangkilik ng mga
kababayan ngunit patok sa mga turista.
Ang Lubuagan ay makikita sa pagitan ng munisipalidad ng Pasil sa hilaga;
munisipalidad ng Tanduan sa silangan; munisipalidad ng Tinglayan sa timog at probinsya ng
Abra sa kanluran. Ito ay may kabuuang sukat na 14,800 hektaryang lupain. Binubuo ito ng
siyam (9) na barangay kabilang ang Dansoy, Mabilong, Mabongtot, Poblacion. Tanglag, Lower
uma, Upper uma, Antonio canao, at Uma del norte(western uma). Ang populasyon ng
Lubuagan ay may bilang na 9, 877; 5,113 na kalalakihan at 4,784 na kababaihan. Pagsasaka
ang industriya ng Lubuagan at kape ang pinakamalaking produkto nito. Sa kabila nito maraming
kabataan ng Lubuagan ang lumilipat sa tabuk at kalapit probinsya upang maghanap ng
pagkakakitaan. Sa loob ng 300 taon ng pananakop ng Espanyol, wala ni isang batas ng
espanyol ang napatupad sa Lubuagan at minsan pa itong naging kapital ng Kalinga.
Ang Cadamayan Falls o sa iba pang tawag ay Asiwabu Falls ay isa sa tinatangkilik na
pasyalan sa Cordillera. Ito ay matatagpuan sa munisipalidad ng Lubuagan, probinsya ng
Kalinga. Ito ay nagsisilbing taga-pagitan ng mga munisipalidad ng Pasil, Labuagan, at
Tinglayan. Mahabang byahe na susuungin kung mangagaling ng maynila kaya’t madaling araw
pa lamang ay naisipan na naming bumyahe sa kabila nito hindi ganoon kahirap ang
trasportasyon patungo sa lugar na ito sapagkat maraming alternatibong paraan upang
makarating rito. Ang eksaktong lokasyon ng Cadamayan Falls ay sa Barangay Uma del norte o
tinatawag ngayon na Western Uma, Isa sa mga barangay ng lungsod ng Lubuagan. Sa kabila
ng hirap at pagod sa pagpunta sa talon na ito ay kabaligtaran ang naramdaman naming nang
makarating dito. Nahaharangan ng mga nagtataasang puno at naglalakihang bato ang daanan
kung kaya’t naging masusi kami sa bawat hakbang na aming binibitawan. Madulas at malambot
din ang lupa dahil na rin siguro sa basa ito mula sa talon. Maraming beses na ako’y kamuntikan
nang madulas at masubsob kaya puro putik na rin ang aking kamay at ibang parte ng kasuotan.
Pagkarating ng mismong Cadamayan Falls, kami ay kumuha agad ng litrato. Aalis na sana
kami ngunit ayon sa aking tila “tourist guide” ay mayroon pang ibang talon na umusbong sa
ibang bahagi ng Cadamayan Falls. Naroon na rin naman kami ay nagpagdesisyunan naming
pumunta narin. Sa una’y nagtaka ako sapagkat paano magkakaroon ng maraming Cadamayan
Falls. Mga ilang minutong lakaran ay narating na rin naming ang isa pang Cadamayan Falls.
Nawala ang aming pagtataka nang masilayan na namin mismo ang talon. Hindi lamang isang
talon ang aming makikita sa lugar na ito kundi higit sa aming inaasahan. Ang dahilan kung bakit
mayroong isa, dalawa, tatlo, apat at maraming bersyon ng talon ang Cadamayan Falls ay
sapagkat sa lawak ng talon na ito ay umusbong sa iba’t-ibang parte ng barangay. Ilang
minutong lakaran lamang ang tagal ng paglalakad sa pagitan ng mga nasabing talon. Ako’y
natuwa sapagkat hindi lamang naibsan ang aking pagod kundi may pasobra pa. Maraming
kaalama akong natuklasan at maibabaon sa aking paguwi sa maynila. Hindi lamang
kagandahan ng mga talon o iba pang pasyalan ang maaalala ko sa lugar na ito kundi pati na rin
ang kabaitan at busilak na puso ng mga tao. Sa ilang araw kong pananatili rito ay nakita ko ang
hirap ng buhay ng mga tao rit. Matatarik na daanan ang nilulusob upang makarating sa isang
lugar ngunit walang reklamo nila itong ginagawa. Matapos naming kumuha ng litrato ay pupunta
pa kami sa iba pang talon, nakakatakot at nakakapagod pero tuloy parin. Iisang bagay ang
makikita sa bawat talon na aming pinuntahan nguit ang nagsilbing kakaiba sa bawat talon ay
ang pormasyon ng mga puno at bato.

You might also like