You are on page 1of 7

Blue Soil Hills

Sumaguing Cave
Mount binaratan
Fertility spring
St. Joseph ,The Husband of Mary, Naneng
Catholic Church
Mabilong weavers village
St. Teresita’s School
Awichon Mesa
Tiwod Spring
Laroy Falls
Matakad falls
Lubo rice terraces
Guinaang Village
Sulfur hills
Talama view Deck
Chico River
Ang Pinamalaking Bato
Rhinoceros ng Rizal, Kalinga
Balbalan caves

Fertility spring
Ang Fertility Spring o ang "Dagsi Spring" ay isang lugar ng paliguan na palaging pinupuntahan
ng mga I-Nanong sa “dawwang” na matatagpuan sa Naneng. Ito’y nadiskubre noong mga
1900’s at ito rin ay inaayos sa taong ding iyon. Nahati ng tatlo ang paliguan para maitiwalay
ang mga lalaki sa mga babae. Napakaganda dito dahil mararanasan mong maligo sa mainit-init
at malamig nitong tubig na dumadaloy mula sa mga ugat ng malalaking puno at malalanghap
mo rin ang preskong hangin mula sa kapaligiran. Maari ka ring magpiknik dito at makikita mo
rin ang mga magagandang senaryo tulad ng Chico River at ang mga bundok na pumapalibot
dito. Kung ikaw ay nasa mismong barangay, maglalakad ka lang papunta doon dahil ito’y nasa
ibaba lamang ng simbahan.

St. Joseph , The Husband of Mary


Ang simbahan ng St.Joseph ay ang unang simbahan na ginawa sa Sitio Macapel sa Naneng, na
nagsisilbi ding sentro ng Tabuk noong 1920’s. Ang simbahan ay inilipat sa kasalukuyan nitong
lokasyon noong 1931 kasama si Fr. Leon Lindemans na nagsilbing unang kura paroko ng
simbahan. Makakarating ka sa Naneng sa higit isang oras o makalipas lamang ng ilang minute
kung mabilis ang takbo ng iyong sasakyan. Kung maglilibot ka sa simbahan, makikita moa ng
mga lumang estraktura, artepakto, at mga larawan na ginamit noon. Maaari niyo ring maranasan
ang mag-piknik sa park, kumakain habang nilalanghap ang preskong hangin mula sa mga puno
ng kapaligiran. Makikita nito rin ang dalawang puntod ng mga unang misyonaryo/ pari na sina
Fr. Leon Lindemans, at Fr. Miguel Veys, sa gilid ng simbahan.

Mount binaratan
Mount Binaratan, kilala rin bilang the Silent Mountain, na matatagpuan sa Dacalan, Tanudan.
Ang tuktok nito ay nagbibigay ng nakakamanghang tanawin. Ang kapaligiran nito ay tahimik at
mapayapa at binubuo ito ng siksik at malumot na kagubatan. Makikita rito ang iba’t ibang uri
ng mga hayop kagaya ng baboy ramo, usa at marami rin dito ang mga linta o ang tinatawag ng
mga taga Kalinga na “limatik”. Ang Mount Binaratan ay may taas ng 1,800 metro at umaabot
ng higit apat hanggang limang oras ng pag-akyat upang marating ang tuktok.
Mga pwedeng gawin dito:
- Trecking at Hiking

- Camping

- Photoshoot

Ang Pinamalaking Bato


Ang pinakamalaking bato ay matatagpuan sa Aciga, Pinukpuk, Kalinga na pinangalan itong
“Buntuc” sapagkat ang abton ito ay siyang pinakamalaki sa lahat ng batong iyong masisilayan
sa Aciga. Ang batong ito ay sinasabing tinirhan ng di nakikitang nilalang o tinatawag nilang
mga “Elan”. Sa Aciga mo rin matatagpuan ang mga malalaki, at iba’t ibang hugis ng bato,
tinatawag ang mga ito na “dungguk di bok” (bunga ng baboy), “pupuwayuk” (hugis palayok),
“Ago” (imbakan ng palay) at iba pa.

Mabilong weavers village


Matatagpuan sa tabi ng kalsada ng Mabilong sa Lubuagan, ito ay ang sentro ng etniko na
industriya ng paghabi sa lalawigan. Ipinapakita nito ang makulay na etniko ng back strap na
paghahabi. Dito makikita ng isang tao kung paano ginawa ang masalimuot na disenyo ng etniko
at kung paano ang paggawa ng halo-halong mga kulay ng mga tela, at ang mga souvenir ay
maaaring mabili mula sa mga manghahabi.

St. Teresita’s School


Ito ay matatagpuan sa Probinsiya ng Lubuagan, ito ay isang Romanong katolikong paaralan na
itinatag ng mga misyonero ng Congregation of the Immaculate heart of Mary noong 1925 at ito
ay naging sentro ng pang-edukasyon ng Cordillera. Ginamit din ito bilang outpost ng military
ng mga Hapones, Pilipino at Amerikanong puwersa noong World War II.

Awichon Mesa
Ito ay isang talampas na matatagpuan sa Lubuagan, dalawang kilometro mula sa town proper at
ito ay nasa pagitan ng Pasil at Lubuagan. Ito ay isang arkeolohikal na lugar na kung saan dito
natagpuan ang mga buto ng isang prehistoric elephant. Ito rin ang landing site ng mga
puwersong Amerikano noong ikalawang pandaigdigang digmaan.
Chico River
Ang Chico River na dating kilala bilang Chico de Cagayan, ay isa sa mga sapa na konektado sa
malaking ilog ng Cagayan.ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga. Ang mga local na
Kalinga na nakatira sa tabi ng ilog ay itinuturing ito bilang isang “ilog ng buhay”. Ang ilog na
ito ay kilala dahilsa whitewater rafting. Mayroon itong malinis na tubig na maaaring maging
mahinahon o malakas depende sa lugar. Maaari kang makaranas ng isang matinding adventure
kasama ang iyong mga kaibigan o isang tahimik na pamamahinga habang ineenjoy mo ang
maberdeng kagubatan ng Kalinga.

Talama view Deck


Isang lugar na mainam para sa mga piknik at sa mga taong naisa mapag-isa kasama ang
kalikasan. Makikita mo rin dito ang nakakamanghang tanawin ng Chico River.

Laroy Falls
Ang Falls ay itinuturing na pinakamataas na talon sa Kalinga. Binubuo ito ng hindi bababa saw
along iba’t ibang mga kaskad, na bumulusok sa Ilog Pasil. Ang mga ito ay pinakamahusay na
tiningnan sa kalsada sa panahon ng tag-ulan. Ang mga tubig na ito ay nagmula sa malinis na
kagubatan ng mossy na kagubatan.

Guinaang Village
Ang Guinaang Village ay isa sa mga makasaysayang turista sa Kalinga. Sa panahon ng
digmaang Pilipino- Amerika, nagsilbi itong daanan ng retreat ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Ang kanyang pananatili, gayunpaman ay hindi nagtagal. Patuloy na hinabol siya ng mga
Amerikano hanggang sa wakas ay nahuli siya sa isang lugar sa Isabela.
Bukod sa pagiging makasaysayan, ang nayon ay nag-aalok ng isang buhay na kalakal sa mga
hinterland. Ang mga tao dito ay mababait. Dagdag pa, ginagantimpalaan nito ang isa na may
kamangha-manghang tanawin ng mga rice terraces at bundok.

Sulfur hills
Ang surreal Sulfur Hills ay namamalagi sa mas mababang mga dalisdis ng Mt. Binuluan. Upang
makarating dito, kailngan mong maglakbay ng maraming oras. Asahan ang mga kasiyahan at
mga hamon na madalas na nakatagpo kapag nasa kagubatn. Ngunit ang kakaibang paningin ng
mga burol na sakop nito ay tiyak na magpapahirap sa pagpunta rito.
Ipay- igat
Ito ay isang tanawin na matatagpuan sa Pinukpuk, Allaguia, pinangalanan itong Ipay-Igat dahil
daw sa porma ng bato nito na mala “Igat”. Ang falls na ito ay nagtataglay ng preskong tubig na
nanggagaling sa mga bundok. Ang Ipay- Igat ay kilala dahil sa mga “abut-abut” na kung saan
maaaring lumangoy o di kaya ay magpahinga dahil para ito Jacuzzi ngunit malamig. Ito ay
parang hagdang-hagdang talon, napakaganda at relaxing pag nasa tuktok kana ng talon at
makikita mo ang tanawin sa ibaba. Maraming mga kabataan o matatanda ang dumadayo dahil
nga sa preskong hangin at tubig nito at para narin mag palubay.

Rhinoceros ng Rizal, Kalinga


Ito ang kauna-unahang fossil na natagpuan sa Rizal, Kalinga. Unang nahukay ang isang ngipin
na mula sa mammal na rhinoceros, ayon sa paleontologist na si John de Vos ng Netherlands.
Nasundan pa ito ng pagkadiskubre ng mga dalubhasa sa iba pang parte ng nasabing hayop. Sa
ngayon, 90% persyento ng buo ang skeleton ng rhinoceros na ito.
Nasa pangangalaga ng National Museum ang karamihan sa mga buto. Ayon sa pamahalaanh
bayan ng Kalinga, maaaring i-display ang mga buto sa kanilang lugar kapag nagkaroon na sila
ng maayos na pasilidad.

Lubo rice terraces


Matatagpuan ang Lubo Rice Terraces sa itaas na bahagi ng Tanudan, Kalinga. Ang hagdang-
handanang palayan ay pinapalibutan ang baryo ng Lubo. Isa ito sa mga magagandang tanawin
sa Kalinga. Ang matataas na mga bundok sa paligid nito ay nagbibigay ng mas
nakakabighaning ganda sa mga palayang ito. Bukod sa hagdang-hagdang palayan,
matutunghayan mo din ang mabuting pakikitungo ng mga tao sa siguradong magpaparamdam
sa iyo ng kasiyahan. Ang magandang panahon upang makita ang ganda nito ay tuwing panahon
ng pagtatanim at tuwing malapit na ang pag-aani.

Matakad falls
Ang Matakad Falls ay isa na sa mga pinaka pinupuntahan or karaniwang dinadayo ng mga tao
ngayon. Ito ay matatagpuan sa Poblacion Mangali, Tanudan. Umaabot ng halos dalawang oras
na paglalakad mula sa baryo ng Poblacion upang marating ang mismong lokasyon. Ito ang
tamang lugar upang maligo sapagkat ang tubig dito ay nakakaginhawa.
Blue Soil Hills
Dinagsa ng mga turista ang Sagada, Mountain Province dahil sa malamig na klima, bukod dito
ay kilala rin ang bayan na ito sa mga aktibidad tulad ng spelunking, caving, at mountain
climbing. Ang Kaman-utek Hills o mas kilala bilang “Blue Soil Hills” ay isa sa mga
pinakabagong tourist attractions sa Sagada. Ang natatanging blue-green color ng Blue Soil Hills
ay dala ng mataas na copper sulfate content ng lupa, ayon sa local tourism office ng Sagada.
Mas tumitingkad ang asul na kulay ng lupa kapag basa ito, ayon sa mga tourist guide.
Napalilibutan ang Blue Soil Hills ng matatayog na pine trees, berdeng damo at local variety ng
pitcher plant (isang carnivorous na uri ng halaman na kadalasang matatagpuan sa mga rain
forest.
Higit-kumulang tatlompung minute na trekking ang kailangang pagdaanan bago marating ang
Blue Soil Hills mula sa jump off point. Madulas ang lupa kapag umuulan, kaya dapat magdala
ng walking stick para hindi matumba.

Sumaguing Cave
Maaaring maging tanyag na ngayon ang Sagada para sa Mt. Kiltepan Sunrise dahil sa sikat na
pelikula na The Thing Called Tadhana, ngunit ang bayan ng Sagada ay tiyak na marami pa ang
maaalok sa mga turista. Ang isang paglalakbay sa Sagada ay hindi kailanman magiging
kumpleto nang hindi nakakaranas ng matinding aktibidad tulad ng spelunking.
Ang spelunking, o caving sa Sagada ay isa pang kinakailangan subukang aktibidad ng mga
turista. Kabilang sa lahat ng mga kweba na kasama sa aktibidad ng spelunking ng Sagada ay
ang Sumaguing Cave na tinatawag din ito ng mga local bilang ‘Big Cave’. Ang kuwebang ito
ay kilala sa ilang mga rock forkmation tulad ng chocolate cake, pagong, elepante, sea horse at
dalawang kasarian ng babae at dalawang kasarian ng lalaki na tinatawag ng mga tour guide na
Reyna, Hari, Prinsesa at Prinsipe at iba pa. Ang Sumaguing Cave ay ilan lamang na mga
kuwebang taglay ng Sagada, may tinatawag ding Lumiang Cave na may maraming bahagi ng
kuweba na may mga kahoy na coffins o hanging coffins. Huwag hawakan o alisin ang mga
buto. Igalang ang lugar at tamasahin ang kuweba gamit lamang ng iyong mga mata.

Balbalan caves
Sa pagdagsa ng iba’t ibang magagandang lugar at tanawin sa ating bansa, iba’t ibang turista
rin ang nagsulputan upang bumisita. Isa ka rin ba sa mahilig maglakbay? Hanap mo ba ay
magandang tanawin? Dito ka na sa isa sa pinagmamalaking tanawin sa ating probinsiya.
Tumayo ka na at maglakbay patungong Balbalan, Kalinga para bisitahin ang tinatawag na
Balbalan Caves na kung saan matatagpuan ang magaganda at matatayog na mga kuweba. Sa
loob ng kuwebang ito makikita ang mga nakakasilaw na gintong ore na kumikinang tuwing
tinatamaan ng ilaw. Mayaman rin ang kuwebang ito sa mineral at libong taon na ang tagal nito
noong nadiskubre. Sa loob ng kuweba dumadaloy ang isang batis at sa labas nito ay matatanaw
ang hagdang-hagdang palayan at ang Balbalasang river na itinuturing na pinakamalinis na tubig
sa probinsy. Ang lahat ng ito ay makikita sa Tawang proper sa bayan ng Balbalan sa probinsya
ng Kalinga.

You might also like