You are on page 1of 1

KAREN D.

LOVENARIO 11- MEDAL


TEKSTONG DESKRIPTIBO
PERPEKTONG HUGIS APA

Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng magagandang tanawin at atraksiyom. Isa na


rito ang isa sa mga sikat na bulkan sa buong Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ito ay kilala sa
kanyang kahanga hangang perpektong hugis apa. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng silangang
bahagi ng Albay. Ito rin ay kilala dahil sa maalamat na kwento ni Daragang Magayon. Ito ay isa
sa pinaka-aktibong bulkan sa buong bansa.

Ang aktibidad nito ay patuloy na sinusubaybayan ng PHIVOLCS mula sa tanggapang


panlalawigan nito sa Lignon Hill, mga 10 kilometro sa timog-silangan ng bulkan. Ito ay may taas
na mahigit 2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na 314.1 kilometro kuwadrado na
sumasakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto. Domingo. Ito ay isang kompositong
bulkan at nabuo sa pamamagitan ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar. Dahil sa
pangyayaring ito, ito ay nakikha ng kakaiba at pambihirang tanawin na kaaya-aya. Masasabi
nating isa lamang ito sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas na maipagmamalaki. Maraming
turista ang nagnanais na masilayan at mapuntahan ito kaya naman ito rin ang ipinagmamalaking
destinasyon sa bansa.

Ang Perpektong hugis apa nito’y nagiging atraksyon ng mga turista. Marami ang
kumukuha ng mga litrato dahil na rin sa labi ng isang simbahan na kilala rin ngayon bilang
Cagsawa Ruin na isa rin sa pinakasikat na simbahan na lumubog dahil sa malakas na pagsabog
ng bulkan. Dito rin makikita sa ‘di kalayuan ang sikat na Bulkan. Likas na tayo ay pinagpala
dahil sa pagkakaroon ng kakaiba at napaka-gandang uri ng anyong lupa.

You might also like