You are on page 1of 9

Magagandang

TANAWIN

Sa Pilipinas
Ang bansa ng Pilipinas ay isang arkipelagong may isang-libo at pitong-daang isla na
matatagpuan sa may timog-silangang Asya. Ang bawat isla ay natatangi sa isa’t isa.
Dahil ang arkipelago ng Pilipinas ay pinapalibutan ng mga katubigan ng Karagatang Pasipiko,
Kanlurang Dagat ng Pilipinas, Ang dagat ng Celebes, at ang Tsanel Balintang, iba-iba ang mga
isda at corals sa bansang ito. Bukod riyan, ang mga anyo na tilang pinasadya ng Diyos ang
mga matatagpuan naman sa lupa.

Sampung (10) Halimabawa sa susunod na mga pahina…..

1. BULKANG MAYON
Ang bansa ng Pilipinas ay isang arkipelagong may isang-libo at pitong-daang isla na
matatagpuan sa may timog-silangang Asya. Ang bawat isla ay natatangi sa isa’t isa.
Dahil ang arkipelago ng Pilipinas ay pinapalibutan ng mga katubigan ng Karagatang Pasipiko,
Kanlurang Dagat ng Pilipinas, Ang dagat ng Celebes, at ang Tsanel Balintang, iba-iba ang mga
isda at corals sa bansang ito. Bukod riyan, ang mga anyo na tilang pinasadya ng Diyos ang
mga matatagpuan naman sa lupa.

2. BUNDOK PULAG

Ang tuktok ng Bundok ng Pulag ay matatagpuan sa mga probinsiya ng Benguet, Ifugao at


Nueva Vizcaya. Ito ay may taas ng 2,926 na metro, at ito ang ikatlong pinakamataas na bundok
sa Pilipinas, Ang tanawing makikita dito ay dagat ng ulap, at sa gabi makikita ang
nagniningning na mga bituin.
3. CHOCOLATE HILLS

Ang Tsokolateng Burol ng Bohol ay ang pinakasikat na tanawin sa Bohol. Ang mga burol ay
naging tanyag sa kanilang mala-tsokolateng itsura kapag tag-init. Ang tinatayang dami ng mga
burol dito ay hindi baba ng 1,260, at hindi hihigit 1,776, at ang sakop ng buong panturismong
pook ay may limampung kilometro-kuwadrado.

4. HAGDAN-HAGDANG PALAYAN

Ang Hagdang-hagdang Palayan ng Banaue ay matatagpuan sa Ifugao. Ito ay sikat sa buong


daigdig dahil sa malinis na pagkakaukit rito. Ang pagkalilok sa bundok ay isang malaking
mysterio, dahil kakaunting materyales ang ginamit ng mga sinaunang katutubo ngunit sa
pulidong pagkakagawa nito, mukha itong ginamitan ng mga modernong gamit.

5. UNDERGRPUND RIVER NG PALAWAN


Ang Underground River na ito ay matatagpuan sa Palawan. Noong taon ng 2010, natuklasan
ng mga heograpo at mga environmentalist na mayroong ikalawang palapag ang kuweba,
nangangahulugang mayroon mga maliliit na talon sa loob nito. Ito ay kinilalang isa sa mga
“New Seven Wonders of the World” noong ika-28 ng Enero, taong 2012.

6. VAVANG ROLLING HILLS NG BATANES

Ang Vayang Rolling Hills ay isa sa mga pinakasikat na lugar sa probinsya ng Batanes dahil dito
mo makikita ang silangan at kanlurang bahagi ng isla ng Batan. Madalas itong kasama sa mga
travel packages na binebenta ng mga iba’t-ibang kompanyang nag-aalok ng serbisyo para sa
mga turista. Ayon sa mga turistang nakapunta na sa Batanes, parang wala daw sila sa Pilipinas
pag tungtong nila sa Batanes dahil ibang-iba ang mga tanawin na makikita dito.

7. BULKANG TAAL at ANG LAWA NITO


Isa sa mga pinakasikat na pook pasyalan sa Pilipinas ang lawa ng Taal. Ito ay dahil sa bukod-
tanging ganda ng bulkan na pinalilibutan ng lawa. Maliban sa nakabibighani nitong ganda, sikat
din ang lawa ng Taal dahil sa sagana ito ng isdang Tawilis.

8. ISLA NG CORON

Ang isla ng Coron ay madalas mabangggit sa maraming travel blog ng mga lokal at dayuhan na
napapasyal sa Palawan dahil sa mala-paraiso nitong itsura. Ang pinakasikat na pasyalan dito
ay ang Kayangan Lake at ang Twin Lagoon, kung saan maaari kang sumakay ng bangka
upang masaksihan ang likas na kagandahan ng mga naglalakihang tipak ng limestone at
napaka-linaw na tubig ng mga lawa.

9. Lake Sebu ng South Cotabato


Kilala ang Lake Sebu ng South Cotabo dahil sa pitong talon na matatagpuan dito. Marami din
ang pumupunta rito dahil sa mga nakapapanabik na zipline na kung saan ay makikita ang mga
iba’t-ibang talon at ang saganang mga gubat na merong naglalakihang puno.

10. Hundred Islands ng Alaminos, Pangasinan

Ang isang daang isla ng Alaminos ay patok na patok sa mga turista dahil sa puting buhangin ng
mga isla, mababaw na tubig at napakaraming makukulay na isda. Ang mga pinakasikat na isla
rito ay ang Governor’s Island, Children’s Park at Quezon Island.
Name:
STEPHEN MARX T. RICACHO
Grade: 7

Subject:
Araling Panlipunan 7

Teacher: Sir LUCIANO

You might also like