You are on page 1of 38

Mga Anyong

Tubig sa
Ating
Komumidad
2
3

Ang Pilipinas ay isang


kapuluan. Ang kapuluan ay
binubuo ng malalaki at
maliliit na pulong napaliligiran
ng tubig. Masasabing sagana
ang ating bansa sa mga
anyong tubig
1. Karagatan 4

Ito ang pinakamalawak na anyong


tubig. Maalat ang tubig nito. May
apat na karagatan sa buong Mundo.
Ang isa ay matatagpuan sa
silangang bahagi ng Pilipinas—ang
Karagatang Pasipiko. Dito
matatagpuan ang Philippine Deep na
sinasabing pinakamalalim na bahagi
ng katubigan ng Pilipinas.
5
6
7
8
9
2. Dagat 10

Ito ay karugtong ng karagatan. Mas


maliit ang dagat kaysa karagatan.
Maalat ang tubig-dagat. Ang Dagat
Pilipinas, Dagat Kanlurang Pilipinas, at
Dagat Sulu ang ilang halimbawa ng dagat
sa bansa. Ang magagandang dagat ng
Pilipinas ang isa sa mga dahilan ng
pagbisita ng mga banyagang turista sa
ating bansa.
11
12
3. Look 13

Ang look ay malawak na anyong tubig na


bahagi ng dagat na halos napalilibutan ng
lupa. Ito ang bukana ng dagat. Ang tanyag
na look sa ating bansa ay ang Look ng
Maynila. Sinasabing dito makikita ang
pinakamagandang larawan ng paglubog ng
araw. Ito ay paboritong pasyalan ng mga
tao. Ito rin ay nagsisilbing daungan ng mga
barkong galing sa ibang bansa, maging ng
mga barkong lokal.
14
15
16
4. Lawa 17

Ito ang anyong tubig na


napaliligiran ng lupa. Ang
malalaking lawa sa bansa, tulad
ng Lawa ng Laguna, ay tinatayuan
ng mga baklad o fish pen at fish
cage. Ito ang nagsisilbing
palakihan ng mga bangus at
tilapia.
18
19
5. Talon 20

Ang tubig ng talon ay


dumadaloy mula sa mataas na
lugar. Ito ay karaniwang
tubig-tabang. Isa sa mga
kilalang talon sa Pilipinas ay
ang Talon ng Maria Cristina
sa Lanao del Norte.
5. Talon 21

Sa lakas ng agos nito,


nakagagawa ito ng enerhiyang
mapagkukunan ng koryente.
Paborito ring bisitahin ng mga
turista ang Talon ng
Pagsanjan sa Laguna.
22
23
24
6. Ilog 25

Ito ay isang malaking daloy ng


tubig-tabang na umaagos papunta
sa dagat, lawa, at iba pang ilog.
Ang pinakamahabang ilog sa
Pilipinas ay ang Ilog Cagayan,
samantalang ang
pinakamakasaysayang ilog naman
ay ang Ilog Pasig sa Maynila.
26
27
28
29
30
7. Bukal 31

Ang tubig ng bukal ay


nagmumula sa ilalim ng lupa.
Ito ay maaaring malamig o
mainit. Kapag ang tubig ay
mainit, ang bukal ay malapit
sa isang bulkan.
7. Bukal 32

Ang tubig na nagmumula sa


bukal ay malinis. Ang ibang
bukal ay pinagkukunan ng
enerhiyang heotermal tulad
ng Tiwi Hot Spring sa
lalawigan ng Albay.
33
34
8. Sapa 35

Ito ay maliit na ilog. Karaniwang


mababaw ang tubig nito.
Ginagamit itong paliguan ng mga
tao, maging ng mga hayop. Ito rin
ay ginagamit na patubig ng mga
magsasaka sa kanilang palayan,
gayondin sa mga tahanan.
36
37
Ang Pilipinas ay mayaman sa tubig- 38

alat at tubig-tabang. Malaki ang


naitutulong ng mga ito sa ating
kabuhayan. Mahalagang
mapakinabangan ang mga ito ng mga
tao at hayop sa komunidad, hindi
lamang sa kasalukuyang panahon ngunit
hanggang sa susunod na mga salinlahi.!

You might also like