Name: Sherena Mae R.
Dasalla
Section: 7 – J.C. BOCOBO
ESSAY SA ASIGNATURANG ARALING PANLIPUNAN
Ang Anyong Lupa ay isang natural o artipisyal na tampok ng solidong ibabaw ng Earth o
iba pang planetaryong katawan. May mga iba’t ibang uri ng mga Anyong Lupa. Kabilang nadito
ang Kapatagan, Bundok, Bulubundukin, Bulkan, Lambak, Burol, Talampas, at Tangway. Lahat
ng mga Anyong Lupa ay may kanya-kanyang ipinagkakaiba at lahat sila ay magaganda. Ito rin
ang Pangunahing lugar ng panirahan ng mga tao at mga hayop. Ito ay nakapagdulot ng malaking
impluwensiya sa kultara at pamumuhay.
Ito ang mga iba’t ibang uri ng mga anyong lupa. Simulan nati ang Kapatagan. Maraming
kapatagan sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Luzon. Ang kapatagan ay isang uri ng lupa na walang
pagtaas at pagbaba. Ito ay malawak.. Dumapo naman tayo sa mga Bundok. Maraming bundok
sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang Mount Everest ay ang pinakamalaking bundok sa buong
mundo. Ito ay matatagpuan sa Asya, Nepal. Pumunta naman tayo sa mga magagandang
bulubundukin. Ang bulubundukin (mountain ranges) ay isang uri ng anyong lupa na nakahanay.
Ito ay isang heograpikong lugar na binubuo ng maraming bundok na magkakaugnay sa
heograpiya. Isang halimbawa dito ay ang Himalayas. Ito ay nasa Nepal, Bhutan, China, India, at
Pakistan. Ito ay ang pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo. Isa sa mga tanyag na
bulubundukin sa Asya ay ang Sierra Madre na pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
Tara na’t pumunta sa mga Bulkan. Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki
ang ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato.
May mga bulkan na aktibo at mayroon din namang hindi aktibo. Ang pinaka aktibong bulkan sa
Pilipinas ay ang Mount Mayon na matatagpuan sa Albay, Bicol. Ito ay Tinatawag na pinaka
perpektong bulkan sa mundo dahil sa symmetry ng kanyang hugis, ito ay may isang base 80
milya (130 km) sa circumference at rises sa 8,077 talampakan (2,462 metro) mula sa baybayin
ng Albay Gulf.
Bukod sa bulkan, Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa
bundok. Ito ay ang burol na parang maliliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog
Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay tsokolate tuwing tag-araw. Ang
isa sa pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol. Isa pang halimbawa ng Burol ay
Ang Northern Luzon Heroes Hill ay bahagi ng Northern Luzon Heroes Hill National Park na
matatagpuan sa Santa sa Ilocos Sur. Bukod sa mga burol, pag usapan natin ang lambak. Ang
Lambak ay isang patag na lupa na nasa gitna ng mga bundok. Katulad ng kapatagan, mainam rin
itong taniman ng mga mais, gulay, at iba pang pananim dahil mabilis itong linangin. Ang
halimbawa ng mga lambak ay ang Lambak ng Cagayan, ito ang pinakamalaking lambak sa
bansa.
Kung merong Lambak, meron naming Talampas. Ang Talampas ay medyo malapit sa
Lambak. Madali rin itong linangin at patag rin. Ang ipinagkakaiba nila ay sa lokasyon. Ang
Talampas ay makikita sa isang mataas na lugar habang ang Lambk naman ay kadalasan sa mga
mababang lugar napapalibutan ng bundok. Halimbawa ng Talampas ay ang Tibetan Plateau ng
Central Asia. Ang Tibetan Plateau ay nasa pagitan ng Himalayan range sa timog at ang
Taklamakan Desert sa hilaga. Tara na’t pumunta sa Tangway. Isa sa mga anyong lupa ay ang
Tangway. Ito ay lupa na nakausli ng pahaba at may tubig sa paligid ng tatlong sulok nito.
Halimbawa ng isang Tangway ay ang Korean Peninsula.
Tapos na nating pagusapan ang mga Anyong Lupa. Pagusapan naman natin ang mga
Anyong Tubig. Ang anyong tubig ay may iba’t ibang sukat at itsura. Tubig ang sumasakop sa
planeta kaya naman marami ang mga klase ng anyong tubig na makikita sa iba’t ibang parte ng
ating mundo. Ang mga anyong tubig ay maaaring sariwa o tubig-alat. Mayroong din namang
dumadaloy gaya ng ilog at may iba na hindi gaya ng lawa. Ang bawat anyong tubig ay may
kanya-kanyang ecosystem na may mga nakatirang halaman, hayop, at iba’t ibang organismo.
Dito ang pinagkukunan ng yamang dagat at yamang mineral. Ito ang mga halimbawa ng anyong
tubig.
Ang karagatan ay binubuo ng tubig-asin at ito ay sumasakop sa 70% o 2/3 ng mundo.
Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo at pangkaraniwang kilala sa hindi pagkakaroon
ng hangganan. Ang lahat ng karagatan ay magkakakonekta bilang isang “World Ocean” ngunit
ito ay pinaghiwahiwalay sa pagkakakinlanlan depende sa mga kontinenteng napapaligiran nito
upang sila ay mas madaling makilala. Mayroong limang karagatan sa mundo mula sa
pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang
Indiano, Karagatang Timog, at Karagatang Artiko.
Ang dagat ay binubuo ng tubig asin. Ito ay malaking anyong tubig na bahagyang
napapaligiran ng lupain. Ito ay isang malaking lawas ng maalat na tunig na nakadugtong sa
karagatan. Isang halimbawa ng dagat ay ang Caribbean Sea.
Tara naman sa mga ilog. Ang ilog o river ay isang natural na yamang tubig na
gumagalaw o dumadaloy at kadalasang nanggagaling sa mas mataas na anyong tubig. May ibang
ilog na dumadaloy buong taon at ang iba naman ay active lamang tuwing “wet season”. Ang
ibang ilog ay may haba lamang ng ilang kilometro at may iba naman na kasinghaba ng isang
kontinente. Ang pinakamalaking ilog sa Pilipinas ay ang Cagayan River. Ang Cagayan River ay
kilala rin bilang ang Rio Grande de Cagayan, ay ang pinakamahabang ilog at ang
pinakamalaking ilog sa pamamagitan ng paglabas ng dami ng tubig sa Pilipinas.
Kung merong ilog, meron ding Kanal. Ang Kanal ay mga artificial waterway kung saan
dumadaan ang mga transport vehicles o mga bangka at barko. Ginagamit din ang kanal para sa
irrigation o paggawa ng mga patubig para sa agrikultura at paghahanda sa tagtuyot na panahon.
Isang halimbawa ng canal ay ang Grand Canal sa Venice, Italy.
Ang lawa ay isang anyong tubig na napapalibutan ng lupa. Ito ay kadalasang sariwang
tubig. May iba’t ibang hugis at laki ang mga lawa, maaaring ito ay sobrang liit lamang. Ang mga
lawa na ganito kaliliit ay tinatawag ding pond sa ingles. Samantalang ang mga labis sa laki
naman ay tinatawag na sea o dagat. Isang halimbawa ng lawa ay ang Caspian Sea sa Europa at
Asya ang pinakamalaking lawa sa buong mundo na may sukat na 370,000sqkm. Nabubuo ang
isang Lawa sa pagguho ng ilalim ng lupa. Minsan, ito ang resulta ng pagguho ng ilalim ng lupa.
Ang golpo ay malalawak na bahagi ng karagatan na pinapalibutan ng baybayin. Mayroon
din itong makitid na bukana. Ang golpo ay nabubuo gamit ang natural process na tinatawag na
“erosion”. Maaari itong mabuo kapag ang isang bahagi ng lupa ay lumubog o di kaya’y
nadaganan ng mga pagguho ng higanteng bato. Ang mga golpo ay kadalasan ding ginagawang
shipping areas o daungan ng barko gaya ng Mexico Gulf at Persian Gulf.
Ang look na anyong tubig ay maaaring maihalintulad sa golpo dahil ito ay malawak at
napapalibutan din ng baybayin o coastline. Ngunit ang bay ay hindi gaanong nakapaloob sa lupa
at mayroon itong mas malapad na lagusan o opening. Ang mga look ay ginagawa ring daungan
ng mga barko at iba pang mga sasakyang pandagat. Isang halimbawa ng look sa Pilipinas ay ang
Manila Bay.
Ang mga tubig sa bukal ay kadalasang nanggagaling sa ulan na sinisipsip ng lupa papunta
sa mga bato na nasa ilalim ng lupa. Ang mga batong ito kagaya ng limestone at sandstone na
nag-iipon ng tubig na siya ring naglalabas o nag “didischarge” sa tubig palabas sa lupa o di
kaya’y deretso rin sa mga ilog at lawa. Ang ilan sa mga batis ay nabubuo dahil sa pressure sa
ilalim ng lupa na sanhi ng volcanic activity. Ang mga tubig na nanggaling dito ay may mas
matataas na temperatura na nagiging “hot spring”