Mga Uri ng Anyong Lupa
Kapatagan (Plain) isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.
Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon
Bundok (Mountain) isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol. Halimbawa: Bundok Banahaw, Bundok Apo.
Bulkan (Volcano) isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito
mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan
matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang
ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong
bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang
Pinatubo, Bulkang Mayon.
Burol (Hill) higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang
damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Halimbawa: Chocolate
Hills ng Bohol sa Pilipinas
Lambak (Valley) isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng
gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Halimbawa: Compostela Valley
Talampas (Plateau) patag na anyong lupa sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas
kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang
mataas na lugar. Halimbawa: Bukidnon
Baybayin bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
Bulubundukin (Mountain ranges) matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Halimbawa: Seirra Madre, Cordillera Mountain Ranges
Pulo (island) mga lupain na napalilibutan ng tubig. Ito ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit
sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi
napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay
tinatawag na arkipelago. Halimbawa: Camiguin Island
Yungib (Cave) Ito ay mgga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
Halimbawa: Tabon Cave, Macahambus Cave
Tangway (Peninsula) Ito ay isang pahaba at nakausling na anyong lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong
sulok. Halimbawa: Zamboanga Peninsula
Disyerto (Desert) Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato.
Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang
silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.
Halimbawa: Sahara Desert
Kapuluan (Archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong
lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang
halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian
Mga Anyong Tubig
Karagatan (Ocean) - Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng
kalawakan ng tubig. Ito ay isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga
pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Halimbawa: Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko,
Karagatang Indiano, at Karagatang Antartika
Dagat (Sea) - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng
dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. Halimbawa: Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat
Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao
Ilog (River) - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na
sapa o itaas ng bundok o burol. Halimbawa: Cagayan River, Agusan River, Pulangi River
Look (Bay) - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat.
Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. Halimbawa: Look ng Maynila,
Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan
Golpo (Gulf) - Isang baiya na maaaring gamitin bilang kanlungan ng sasakyang pandagat katulad ng mga
bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang
tawag sa malalaking look. Halimbawa: Golpo ng Lingayen, Golpo ng Davao, Golpo ng Moro
Lawa (Lake)- isang katipunan ng tubig na hindi umaagos katulad ng ilog, bagkus ay napapalibutan ng lupain.
Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang. Halimbawa: Lawa ng Taal, Lawa ng Pinatubo, Lawa Apo,
Lawa ng Buluan
Bukal (Spring)- anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa na karaniwang pinagliliguan tuwing tag-init. Pwede
itong malamig at pwede rin maligamgam ang tubig nito. Ginagawa itong pangggamot sa ilang karamdaman at
sa rayuma lalo na ng matatanda. Halimbawa: Sto. Nino Cold Spring, Ardent Hot Spring
Kipot (Strait)- makitid na daang-tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo na nag-uugnay sa dalawang malaking
anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan
nito. Halimbawa: San Juanico Strait, San Bernardino Strait, Cebu Stait
Talon (Waterfall) - Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng
isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga
batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa o bato. Halimbawa: Maria Christina Falls,
Tinuy-an Falls, Katibawasan Falls
Batis (Stream or Brook) - Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa
pinanggagalingan nito. Karaniwan nang malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas matatagpuan sa gitna
ng mga kakahuyan sa gubat.
Sapa (Creek) - Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init.