You are on page 1of 11

1.

Kapatagan
Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang uri ng lupa na
walang pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na ito at malawak. Mainam itong
tamnan ng iba’t ibang pananim katulad ng gulay dahil madali itong linangin.

Photo from Tourism Kapatagan Blogspot | Kapatagan, Lanao del Norte

2. Bundok
Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming bundok sa iba’t
ibang dako ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa mataas na pagtaas ng lupa.

Photo from www.lds.org


3. Bulubundukin
Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na bundok o pagtaas
ng lupa ng daigdig. Mas matataas at matatarik ito kaysa sa bundok.

Photo from julieanntalastas123.blogspot.com

4. Bulkan
Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang ipinagkakaiba nila dahil
ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan
na aktibo at mayroon din namang hindi aktibo.

Photo from Pilipinas


5. Burol
Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa bundok. Ito ay
ang burol na parang maliliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.

Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay tsokolate tuwing
tag-araw. Ang isa sa pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol.

Photo from www.magtxt.com

6. Lambak
Ang Lambak ay isang patag na lupa na nasa gitna ng mga bundok. Katulad ng
kapatagan, mainam rin itong taniman ng mga mais, gulay, at iba pang pananim
dahil mabilis itong linangin.

Photo from My Homeworks


7. Talampas
Ang Talampas ay medyo malapit sa Lambak. Madali rin itong linangin at patag rin.
Ang ipinagkakaiba nila ay sa lokasyon.

Ang Talampas ay makikita sa isang mataas na lugar habang ang Lambk naman ay
kadalasan sa mga mababang lugar napapalibutan ng bundok.

Twitter/@javalavamanila

8. Tangway
Isa sa mga anyong lupa ay ang Tangway. Ito ay lupa na nakausli ng pahaba at may
tubig sa paligid ng tatlong sulok nito.

Photo from renzcarlomarcelino.blogspot.com/


Dagat

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng


isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay
(Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may
likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit,
singkahulugan ng katawagan ang karagatan. "DAGAT" isang bahaging likido/fluido o agos sa
ating daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat o asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng
daigdig ay karagatan kung saan duon nanahan ang napakaraming uri ng hayop gaya ng mga
isda,balyena o butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may maraming uri
ng mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay na
nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay "Atab" na pinagmulan naman ng salitang "taib" o high
tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa tagalog, bikol at bisaya.

Karagatan

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng


kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng
mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig
na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat.
Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8

Ilog

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa,
isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan,
dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga
karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay
itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.

Look

Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang
kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na
mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking look.
Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo.
Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.

Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig
ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang
mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.

Bukal

Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang
matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang
tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May
mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Kipot

Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo.
Isang halimbawa ang Kipot ng San Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng
samar at sorsogon (bikol).
Talon

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng
isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may
matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.

Tangway

Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa na nakaungos sa dagat o
iba pang bahaging tubig. Nagmula ang salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene
na nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

Kabilang sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga
Peninsula. Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory ay isang lupa na
napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain
(headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang
halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

Sapa

Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init..

Ang heograpiya ay tumutukoy sa mga katangian at tekstura ng isang bansa.Maaari din itong
tumutukoy sa iba’t ibang klima,aspeto ng kalikasan at kapaligiran,mga anyong lupa at anyong
tubig ,at iba pang pagsasalarawan sa isang bansa ayon sa kanyang pisikal na katangian..

Klima ang isa sa parte ng heograpiya.May apat na uri ng klima sa mundo tag-lamig,tag-init,tag-
sibol,at tag-lagas.Ngunit tulad ng pilipinas isang tropikal na bansa tag-araw at tag-ulan lamang
ang nararanasan.Maipapaliwanag ito mula sa kanilang latitude at longhitud o lokasyon mula sa
ekwador.Ang pilipinas ay nasa gitna,ibig sabihin nakakaranas ito ng tag-araw at tag-ulan.Ang
mga nsa ibaba ng ekwador naman tulad ng Australia ay nakakaranas ng kalamigan o “winter
season”.Habang ang mga nasa itaas ay ang nakakaranas ng tag-init tulad ng Greenland.
Anyong
lupa
Anyong
tubig

You might also like